Kinakabahan ako habang papasok sa campus ng UP a.k.a University of Prosewood.
Biruin mo, sa libo-libo nang nag-exam dito ay napalad pa kong nakapasa. Nagbunga din ang libo-libo kong oras ng pagnonovena. Buti na nga lang at hindi ko naisipang magmadre na lang.
Hawak hawak ko ang schedule ko at tinignan kung saan ang unang klase ko.
Naglakad naman ako patungo doon pero dahil may isang oras pa akong natitira bago ang klase ko, (8 am ang first class ko pero 7 am pa lang ay nandito na ako.) nagliwaliw muna ako at tumingin-tingin sa paligid.
Maraming puno dito kaya sobrang mahangin. Kailangan ko pa tuloy pigilan ang pagtaas ng palda ko para lang hindi ako makitaan.
May mga napansin din akong picnic tables sa paligid.
Hay, sana nandito ang glam para sana doon man lang kami naglalunch.
Unang araw pa lang ng klase pero miss na miss ko na sila kaagad.
Hiwahiwalay kasi kami ng school eh. Si Fille ay pumasok sa ibang branch ng UP. Ako kasi nasa main eh. Si Denise naman ay nag-aral sa LPU or Laurel Pineda University ang isa sa top schools para sa kursong tourism. Si Emily naman ay nasa University of the West kung saan nag-aral ang mga magulang niya noon. At si Gretchen naman ay nagtake up ng Accountacy bilang pre-law niya sa isang state university.
Kaya ito ako ngayon, mag-isa at walang kakilala sa isang bagong environment.
Makakayanan ko ba ito?
Pagkapasok ko ng classroom ko ay kaunti pa lang ang naroon.
Mukha silang mga geeks at snobs. Hindi naman sa judgemental ako pero iyon talaga ang madedescribe ko sa kanila.
Pumili na ako ng isang upuan na nasa gitna dahil naoccupy na nila ang lahat ng nasa tabi ng bintana.
Hay, akala ko pa naman makakakita ako ng gwapo o kaya mukhang artista dito.
Oh my gosh, sorry Caleb. Gusto ko lang namang magkaroon ng magandang view eh, sana 'wag mong masamain.
Ikaw talaga, Aria! Kung ano anong pinag-iisip mo. May boyfriend ka na nga tapos maghahanap ka pa ng gwapo. Eh alam mo namang mauuwi lang sa wala 'yang paghahanap mo dahil siya lang naman ang gwapo para sa'yo.
*Mental hampas kay konsenya* Ikaw naman eh, 'wag mo nang ipagmalandakan sa'kin na patay na patay ako sa boyfriend ko.
Sorry, ganyan talaga kapag walang makausap. Sarili ang kinakausap!
Well, speaking of my boyfriend, 'di ko rin siya kasama dito. Hindi kasi niya 'to nilagay sa choices niya noon eh. Kaya ayon, doon siya sa UP Manila kasama ni Fille.
Binuksan ko ang phone ko para tignan ang wallpaper ko.
I miss you na, Caleb.
Ang landi ko. Naku! Baka nauumay ko na kayo, sorry!
At naputol na rin sa wakas ang mahaba kong pag-iisip nang makakita ako ng isang pamilyar na mukha.
"I'll pick you up after class, okay?" sabi ng lalaki doon sa babae.
"Ikaw naman, you don't have to do that." sagot noong babae.
"I don't have to but I want to."
At halata namang kinikilig ang babae habang papasok siya ng classroom. Pagkapasok naman niya ay umalis na 'yong lalaki.
Nang nakita niya ako ay mukhang nagulat siya. Pero instead na layuan ako ay lumapit pa siya sa'kin.
"Do you mind if I sit here?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Best Friend and My Boyfriend (Book 3)
RomanceKung sa tingin mo ay nakamit na ni Aria ang happy ending na hinihintay niya, pwes nagkakamali ka. Mas maraming conflicts, mas maraming revelations and definitely, mas maraming kilig! Kaya tunghayan na ang huli at ikatlong libro ng Best Friend Boyfri...