Chapter 3

75 6 0
                                    

Tiny Note:

Hi! Kahit hindi pa umabot ng 200 reads, ipinublish ko na rin 'to. Ganyan ko kayo kamahal eh :) Pero kung love niyo ko, tulungan niyo naman akong pausbungin 'to oh. Please? Thank you thank you sa inyong lahat!

Sorry kung mahaba ang note ko. You may now proceed :)

----------------------------------------

"Caleb! Your dad-" nagising ako sa sigaw ni tita sa kabilang kwarto.

"Why? Anong meron kay dad?" narinig kong sabi ni Caleb.

"He's gone!"

**

We roamed their village pero in the end, hindi pa rin namin nahanap si papa.

"This is your fault!" sigaw sa'kin ni tita habang nakaturo pa sa'kin.

Inalis naman ni Caleb ang kamay ni tita at pinigilan ito na makagawa ng mas eskandalosang bagay.

"Ma! We didn't do anything wrong. Kung merong at fault dito, ikaw 'yon. Ikaw ang pilit na tumututol sa'min ni Aria. You even threatened her and her family just to push her away from me. Wala naman kasing kaso kay dad ang relasyon namin eh, ikaw lang 'tong hindi makaintindi. Maybe, kaya umalis si dad ay dahil rinding rindi na siya sa'yo!" sagot ni Caleb.

At ang natanggap niyang sagot sa sinabi niya ay isang sampal mula sa kanyang ina.

"Tignan mo ang ginawa mo sa anak ko, Aria. Nilason mo na ang utak niya. That's why I don't like you for him!" sigaw na naman sa'kin ni tita.

This time, niyakap na ako ni Caleb to shield me from tita. On the verge na kasi siya nang papanakit sa'kin eh.

Pero inalis ko ang yakap sa'kin ni Caleb at ako na ang nagsalita.

"Look, we won't find papa if we keep on finding out who's at fault here. Tita, I know na hindi mo ako gusto at ayaw mo akong makasama, pero just for this moment, para man lang kay papa, subukan niyo lang akong pakisamahan. Ikaw naman, Caleb, nanay mo 'yan. Oo, alam ko may mga ginagawa siyang hindi natin gusto, pero hindi naman nararapat na kausapin at sagutin mo siya ng ganyan."

"We won't find papa if we won't cooperate with each other. Kailangan nating magtulungan at hindi mag-away. Who knows, baka mamaya nanganganib na pala si papa but we are so busy arguing with one another kaya hindi natin siya nasalba. Kaya niyo ba? Kaya niyo bang makisama sa isa't isa? Alam kong mahirap pero kahit ako naman nahihirapan eh. Pero subukan natin. Kasi wala naman tayong mararating kung hindi natin susubukang magtulungan." pagpapatuloy ko.

Mukhang natauhan naman sila sa mga sinabi ko.

"Fine. But just right this moment. No extensions." sagot ni tita.

Tumango lang ako.

"Ikaw, Caleb?" itinuon ko naman ang atensyon ko kay Caleb.

"I could. If that's what you want and what we need to do to find papa."

Napangiti naman ako.

"Okay. Well then, let's start!"

**

Sinimulan namin ang paghahanap kay papa sa pag-iisip ng maaari niyang puntahan.

"Kila Ka Isko? Baka magkasama silang namimingwit ng isda." suggest ni tita.

"Ma nagmigrate na sila Mang Isko. Malamang wala 'yon sa kanila." sagot ni Caleb.

"Malay mo nagbakasyon siya at naisipang makipagbonding kasama ng best friend niya."

"Hay naku, ma. You're giving us false hopes!" iritableng sagot ni Caleb.

"Hep hep! Rule #1: Walang mag-aaway. You got that?" sabi ko at tinignan ko silang dalawa.

My Best Friend and My Boyfriend (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon