Ano naman kayang ibig sabihin ni Fille?
Hinabol ko si Fille papalabas ng restaurant para sagutin ang tanong na nasa isip ko. Nag-iwan na lang ako ng pera sa table bilang bayad sa inorder ni Fille.
Pagkarating ko sa labas, nakita kong nakasakay na siya ng taxi. Buti na lang at may dumaan agad na isa pang taxi kaya nasundan ko pa siya.
Parang iba si Fille ngayong gabi. Oo, alam kong mahilig siyang magpayo, pero para kasing may pinapanigan ang payo niya ngayon, parang pinapanigan niya si Caleb.
Oo, tanggap ko na magkaibigan rin silang dalawa pero para kasing nakalimutan niya na kaibigan niya rin ako. Parang ang gusto lang niyang sumaya ay si Caleb at hindi ako.
Ilang minuto lang rin ay nakita kong tumigil na ang taxi na sinasakyan ni Fille.
Nagbayad ako kay manong driver at lumabas na ng sasakyan. Nakita kong pumasok si Fille sa isang bar kaya sinundan ko siya patungo roon.
Pagkapasok ko ng bar, halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng tugtog sa loob. Kinailangan ko ring ingatan ang mukha ko dahil parang makakapalitan ko na ng mukha ang mga kung sinu-sinong dumadaan sa harap ko.
Pero kahit maraming aberya dito, hindi ko pa rin inalis sa paningin ko si Fille na nakaupo na sa isa sa mga stool na malapit sa bartender.
Salamat at napirmi na rin 'tong si Fille. Sana naman at makausap ko na siya.
Lumapit pa ako hanggang sa mapansin ko na may kasama siyang iba. Baka siya ang dahilan kung bakit niya ako iniwan at kung bakit siya pumunta dito sa club.
Napatigil ako sa pwesto ko nang makilala ko ang kasama niya, si Caleb.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin pero nakita ko na lang ang sarili kong nagtatago at nakikinig ng palihim sa usapan nila.
"Tigilan mo na nga 'yang pag-inom mo!" sabi ni Fille habang kinukuha ang isang bote ng alak mula sa kamay ni Caleb.
Galit namang pinigilan ni Caleb si Fille sa pag-agaw ng iniinom niya.
"Huwag mo kong pakialaman!" sigaw ni Caleb.
"Hindi pwedeng hindi kita pakialaman. Tignan mo nga 'yang ginagawa mo sa sarili mo!" sagot ni Fille.
Natahimik naman si Caleb sa sinabi ni Fille. Nanatili silang tahimik hanggang sa magsalita si Fille.
"Kinausap ko si Aria kanina."
Bigla namang nagkaenerhiya si Caleb dahil sa sinabi ni Fille.
"Anong sabi niya? Tumigil na ba siya?" tanong ni Caleb.
"Hindi. Pursigido talaga siyang ituloy ang pagmomodelo." sagot naman ni Fille.
Parang bigla namang nabagsakan ng mundo si Caleb sa sobrang dismaya.
Bakit ba kasi ayaw na ayaw niya akong maging isang modelo? Ano bang masama sa pagtupad ng pangarap ko?
Habang taimtim akong nakikinig sa usapan ni Fille at Caleb, may isang lalaking lumapit sa'kin.
"Miss, wanna dance?" tanong niya na may kasama kindat.
Tss, akala mo naman nagagwapuhan ako sa'yo.
Umiling lang ako at itinuon ko uli ang atensyon ko kila Fille. Pero nang lumingon ako sa direksyon nila, may isa pang lalaki na umepal sa view ko.
"Miss beautiful, drink?" sabi niya at inalok niya ako ng shot.
Ngayon, napaliligiran na ako ng dalawang lalaki. Nahihirapan tuloy akong obserbahan sila Fille.
Patuloy lang akong kinulit ng dalawang lalaki na 'yon pero hindi ko lang sila pinansin.
BINABASA MO ANG
My Best Friend and My Boyfriend (Book 3)
RomanceKung sa tingin mo ay nakamit na ni Aria ang happy ending na hinihintay niya, pwes nagkakamali ka. Mas maraming conflicts, mas maraming revelations and definitely, mas maraming kilig! Kaya tunghayan na ang huli at ikatlong libro ng Best Friend Boyfri...