Dahil makakatulong naman sa'min ang dagdag na tao, tinanggap na namin si Allysa na sumama sa itatayo naming booth.
"Aria, mukhang mahihirapan kang mag-edit kung mag-isa ka lang at marami ang magiging customers natin. Turuan mo na lang si Allysa para matulungan ka niya." sabi ni Denise.
Napabuntung-hininga na lang ako sa isip.
Ano pa bang magagawa ko?
Tinawag ko si Allysa para lumapit siya sa'kin at pinaupo ko siya sa katabi kong silya.
Tinanong ko siya kung meron ba siya ng mga gamit na kailangan para sa pag-eedit including ang software na gagamitin.
Tumango siya at sinabing naturuan naman siya ni Toby ng basics kaya kahit papaano ay may alam siya.
Hay, buti naman at mababawasan ang ituturo ko sa kanya.
Buti na lang din at dala niya lagi ang laptop niya kaya nasimulan ko na siyang turuan ng walang hassle.
Habang tinuturuan ko si Allysa, nag-iisip naman sina Denise, Gretchen at Emily ng iba pang kailangan para sa booth namin, kasama na ang pangalan.
"Basta ang importante dito, Allysa, kailangan ang mga pictures na gagamitin-"
Pinutol niya ang sasabihin ko at nagsalita siya.
"Don't call me Allysa. Aly na lang. Friends naman na tayo, diba?" sabi niya at ipinakita niya sa'kin ang sinsero niyang ngiti.
Maybe I was wrong about her. Siguro masyado ko lang siyang hinusgahan noon at ngayon kaya isinasara ko ang sarili ko sa kanya.
Maybe she's really a good person. Tao lang naman siya at nagkakamali paminsan-minsan.
Maybe I could let her in.
Maybe I could accept her as a friend.
"Okay. Yeah, friends."
**
Natapos namin ang lahat ng preparations kahapon at finally, nandito na kami. Nasa tapat na kami ng booth namin ngayon at sisimulan na namin ang business namin.
Akala namin madali lang ang gagawin namin. Pero mahirap pala, lalo na kung walang taong nagbabalak na subukan ang serbisyo namin.
"Bakit hindi sila pumupunta dito?" sabi ni Emily na halatang disappointed.
"Baka mataas ang presyo." sabi naman ni Denise.
"Baka hindi sila naeenganyo sa sales talk ko. Cry!" sabi naman ni Gretchen na dinamdam ang sitwasyon namin.
Habang naluludmok kami sa hindi pagiging patok ng booth namin, may isang pamilyar na tao ang tumambad sa harapan namin.
"Baka naman kasi hindi uubra ang charm ng glam kapag kulang ito."
"FILLE!" sigaw naming lahat at niyakap namin siya.
Well, except for Aly na hindi naman close sa kanya.
Pero nang mapansin ni Fille na hindi lumapit si Aly sa kanya, siya na mismo ang nagpakilala ng sarili niya kay Aly at nag-alok na maging magkaibigan.
Buti na lang at hindi naman mataray si Aly kaya pumayag siya na maging kaibigan na rin ni Fille. At aba! Magkasundo na sila agad.
"Okay, let's earn some bucks!" energetic na sabi ni Fille.
**
At tama nga ang sinabi ni Fille, naging patok ang booth namin nang nakumpleto kami.
Ginanahan si Gretch na magsales talk nang nakasama na niya ang partner niya na si Fille. Dahil sa kanila, may mga tao na naengganyo at sinubukan ang serbisyo namin.
Nang maranasan nila at masatisfy sila sa serbisyo namin, kinalat nila ito sa ibang tao hanggang sa parami na ng parami ang dumadayo sa'min.
Ngayon, malapit na kaming magsara at ibibigay na lang ni Denise ang picture ng isang ale na nagpakuha kanina.
"Grabe, ang babata at ang gaganda ninyo tapos nagtatrabaho na kayo ng ganito?" sabi ng ale.
"Ay, hindi po. Ngayon lang po 'to. Gusto lang naming maranasan." sagot ni Denden.
"Ay ganoon ba? So, wala na kayo bukas?"
Tumango naman si Denden bilang sagot sa tanong ng ale.
"May klase pa po kasi kami at ang tanging pare-parehas naming vacant ay ngayong araw lang po." sagot uli ni Denise.
"Ay, sayang naman. Gusto ko sana kayong kunin bilang model ng kompanya ko. Ang gaganda niyo kasi."
Bigla namang napatingin sa'kin si Denise.
Alam ko ang pinaparating niya sa tingin niyang 'yon. Alam kasi niyang gusto kong magpart time bilang modelo.
"Siya po! Siya po, pwede." turo sa'kin ni Denise.
"Talaga, hija? Oh, ito ang card ko. Kung sakaling pwede ka, pumunta ka lang, okay? Salamat sa inyo!"
Kinuha na ng ale ang litrato niya at tsaka umalis. Iniwan naman niya sa'kin ang business card niya at nakita ko kung anong kompanya ang kinabibilangan niya.
Forever Unique Boutique
Wow! Isa 'to sa mga top teen apparel boutiques hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.
At napili akong maging modelo nito? What a great oppurtunity.
Napangiti na lang ako habang iniisip ang pagkakatupad na naman ng isa kong pangarap.
Finally, things are going on my way.
BINABASA MO ANG
My Best Friend and My Boyfriend (Book 3)
RomanceKung sa tingin mo ay nakamit na ni Aria ang happy ending na hinihintay niya, pwes nagkakamali ka. Mas maraming conflicts, mas maraming revelations and definitely, mas maraming kilig! Kaya tunghayan na ang huli at ikatlong libro ng Best Friend Boyfri...