Papalapit na naman ang science camp sa school namin, at unti-unti nang nagiging busy ang mga SSG officers. Inihahanda na nila ang lahat, at kinu-contact na nila ang mga kailangan nilang kontakin para maging masaya ang event na iyon, dahil one week nalang magsisimula na ang science camp.
Tinignan nang SSG president kung sinu-sinu kaya ang pwedeng maging photographer sa event na ito na hindi SSG officer at hindi affiliated sa kahit anong student body para full-time itong makasama sa lahat nang events sa school.
“Roms, anong ginagawa mo?” sabi ng SSG vice-president na-kakapasok pa lang sa SSG office.
“Naghahanap ako nang photographer, yung magiging official events photographer ng school.” sagot ni Roms, ang SSG president.
“Wow, pauso ka. Bago yan ahh”
“Nakalimutan mo na ba ang isa sa mga kampanya ko Sharlene?” tinignan yung isang folder. “Di ba may sinabi ako sa kampanya ko,” tumingin na naman sa ibang folder. “Na maging memorable dapat ang lahat nang events sa school.”
Umupo sa gilid ni Roms ang SSG vice president na si Sharlene. “Sino bang hinahanap mo? Eh andyan naman si Keith. Pwede niya namang gawin ang lahat nang iyun. No need na yang cheche bureche mo.”
Tumingin na naman sa isang folder si Roms. “Kahit na, kasali yun sa plataporma ko kaya kailangan ko iyon gawin. At isa pah, SSG member rin si Keith, magiging busy siya for other works. And also, he don’t have the fresh photography na hinahanap ko”
Bahagyang ngumiti si Sharlene. “Lagot ka, isusumbong kita kay Keith”
“Ehh totoo naman ehhh, his photographic style is too bland, lamang lang talaga siya sa camera,” kumuha siya nang folder sa mga second years. ”at isa pa, gusto ko rin na mag rise up ang mga aspiring photographers from lower years, hindi na si Keith nalang lahat.” Paliwanag niya.
Tinignan ng SSG president yung kinuha niyang folder. Napangiti siya sa kanyang nakita.
“Eto!” Dahan-dahan niyang tinanggal ang bond-paper nang achievement record na naa sa loob nang folder.
“Siya yung nakatalo kay Keith last year,” pangiti niyang sabi. “Maganda ang records sa school, no affiliation at any clubs, maganda toh!”
Kitang kita sa mga mata ni Roms ang excitement. Di matukoy ni Sharlene kung bakit. Siguro, dahil meron na siyang nakitang bagong aspiring photographer, o di kaya, naisip niya na mawawala na daw ang bland photography na ginagawa ni Keith.
“Ka-el Maayo? I don’t know him. Nanalo ba talaga siya?”
“Tawagan mo na agad Sharlene! Let us not waste any more time.” Sabi nang SSG president na may malaking ngisi.
Nahiwagaan ako, bakit kaya napatingin ang lahat nang classmates ko sa akin? Napansin kong na nag va-vibrite na pala ang cellphone ko. “Patay, di ko na silent mode”, pagtingin ko sa cellphone screen, ang nakasulat unknown number. Agad agad kong pinatay ang cellphone ko para di na makadistorbo sa klase. Kitang kita sa reaction ni Mam Zenny na nainis siya sa nangyari.
“Sorry po mam, di ko po kasi na silent --”
“Akin na ang cellphone mo” taas-kilay niyang sabi.
“Pero mam, bigla lang ho kasing --”
“Hindi mo ibibigay?" Binuksan ni Mam Zenny ang students record. "Zero ka sa quiz ko ngayon. No class, get one whole sheet of paper”
Inabot ko nalang kay mam Zenny ang cellphone ko ngunit di nito napigilan ang quiz pati na ang zero ko sa quiz na iyon.
“Ang galing mo talaga Ka-el, ang galing nang ginawa mo” sarcastic na sabi nang isa kong classmate.

BINABASA MO ANG
[Finished] Picture, Picture (Tagalog)
Teen FictionSi Romulus, ang SSG president ay binigyan si Ka-el; isang second-year highschool student ng isang opportunity that could change his entire highschool life; being an events photographer. Sa pagiging events photographer niya, may nag sulputan bigla na...