Chapter Four: "What a beautiful face"

92 2 0
                                    

Marami-rami narin akong picture na nakunan, ang dating 4 gig free space memory card ko ay naging 2 gigabyte nalang. Sana mayroon pang maraming matitira para bukas. Ang tuhod ko naman ay parang bibigay na. Akyat-baba, akyat-baba, yung lang ang trabaho ko. Pag hindi pa ako nagka-abs nito, ewan ko nalang.

Malapit nang matapos ang araw na ito, at sa tingin ko, ito na ang oras sa huling game na sana, isang malaking pasabog. A revolutionary game na gagawin na talaga every science camp.

“Okay, pagod naba kayo?!” Tanong nang SSG president, walang sumagot.

“Maybe that’s the sign, sige, magpahinga muna kayo nang thirty minutes para makapag save up kayo nang energy, magugustuhan niyo talaga ang huling game na gagawin natin.”

Sinenyasan ako na lumapit ni Romulus, may kailangan ata.

Gusto ko mang magmadaling pumunta sa kanya, ang mga paa ko talaga ay ayaw nang sumunod. Ganito pala ang feeling nang may rheuma. Nung nakalapit na ako sa kanya, bigla niya akong inakbayan.

“I hope marami kapang memory space sa camera mo, baka maubos kasi iyan sa ganda nang larong ito,” at tsaka umalis.

Nako, pa-thrilling talaga tong loko. pati ako, pinapa-excite. Tumingin ako sa mga manlalaro, pagod na pagod, yung iba gusto na atang matulog. Pero sila, sa tingin ko hindi.

Natapos na ang 30 minutes, pero sa tingin ko, hindi parin nakakarecover yung mga students. Masama ito. Another bad news. Hindi pa nga nagsisimula ang laro, nabawasan na ng ilang mga mb ang memory card ko. Nagpaka-vain kasi yung ibang SSG officers, lalong lalo na si Sharlene at Lizette. Parang close friends lang nga yung dalawa ehh… Iba talaga ang kapangyarihan nang pagka-vain, ang dating magka-away ay nagmukhang magkaibigan, nagyakapan pa ang dalawa.

 Kinuha ni Romulus ang mike. “Okay, so thirty minutes is up, magsi-tayo na kayo, rest time is over.” Napahalinghing yung mga participants.

Napaisip ako, ano kaya ang naisip niyang laro ang makakapagpa-bigay buhay sa lahat nang mga pagod-na-pagod na mga estudyante dito?

“Kahit na pagod na pagod na kayo, sana you would play well with this game dahil, maganda talaga ang price nito,”

Nagsimula na namang gumalaw ang SSG at proctors, nag-dala sila nang maraming helmet at maraming waterballoons at water gun.  Ano? Uulitin na naman nila ang larong ito?

“The price being the best meal for dinner at a merit point that is equal to 20 points!” Wala parin atang may gusto sa price, maybe not the expected response from the participants, pero nung tinignan ko si Romulos, parang hindi ata siya nag-aalala, kampante pa ata siya sa mangyayare, nakangiti pa nga ehhh. Hindi pa ata siya tapos sa kanyang sinasabi.

“Not to mention, free picture hard bound development for each one picture you are in!”

Biglang bumuka ang mga mata nang mga natutulog kanina, at biglang humiyaw ng walang kasing lakas yung iba. Nako, basta free pictures at foods talaga ang pinag-uusapan, pinipiga talaga nila kung ano ang natira sa kahuli-hiuihan nilang lakas.

“30 lucky student na makakain nang Jollibee meal worth P200 each plus merit points and picture development, and all you have to do is find something for me, wouldn’t it be that easy.

“Ang dali lang yan!” sabi nung isa na nasa group four.

“Easy nga lang nga ito pero you need to connect and search for all the clues that we are giving, so get ready na kayong lahat, because this would test your endurance, and mental knowledge about the place, since nakapaglibot narin naman kayo”

                May inabot na naman na papel si Lizette kay Romulus.

                “Okay, so here’s the mechanics. Twenty one groups, kailangan niyong mag hanap ng mga colored paper strips somewhere, there is only fifteen paper strip, so kung sino ang di makakuha nang strip ay agad na matatangal, in those strips, may nakasulat na next clue. Dun kayo sunod pupunta, and so on and so forth, hanggang sa dalawang grupo na lang ang matira. So are you ready?”

[Finished] Picture, Picture (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon