Hindi tulad nung iba na na hang-over pa ata sa nangyari sa kanila kagabi, ako ay energized na energized for today. Pano kasi, nakita ko lang naman yung babaeng nakunan ko sa picture, yung magandang babae na bumabagabag sa aking isipan. Buti nalang tinibayan ko ang loob ko nung nakita ko siya, dahil kung hindi, hinding-hindi ko talaga siya mahahawakan o makilala man lang. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakarecover sa kagandahan niya, ang ganda, ganda talaga niya; iniisip ko pa nga lang napapangiti na ako.
“Emmy More… ang gandang pangalan,” sabi ko sa aking isipan.
“Anong bang ningingit-ngiti mo diyan? Gawin mo na nga trabaho mo,” aniya ni Lizette.
Iritable ata siya ngayon, masama ata ang kanyang gising. The last time I checked, hindi niya ako ginagalaw, ang haggard-haggard niya pang tignan, hindi masyadong nakasulkay, at ang laki-laki pa ng kanyang eyebags, sayang ang beauty. PMS? Pwede rin.
The same with the traditional things that is happening sa aming sci-camp, isang painstakingly boring presentation about saving mother nature na naman ang nangyari. Don’t get me wrong, ha, I want to help save mother nature, but that doesn’t mean that they should make their presentation bland and boring. Parang hindi man lang ineffortan. Alam yun ni kuya Roms, pero wala daw siyang magagawa, hindi daw siya ang gumawa ng mga presentation na iyon at isa pa, busy rin daw siya in all other presential things. Alangan naman daw na i-asa na sa kanya lahat ang all activities na nangyayari ngayon, hindi din daw naman yun patas, kaya nag assign nalang daw siya ng magiging presenters para dito. This problem is not only this year, it has always been a problem in the past. Dahil dun, marami talagang inaantok sa mga presentations na ganito, boring na nga yung topic, boring pa yung speaker, i-add mo mo pa sa mix ang pagka-hangover na mga estudyante kagabe, yun talaga ang mangyayari.
“And that’s it for today,” sabi nung isang SSG member.
Hay, salamat, natapos na rin sa wakas, kahit na energized na energized ako for today, para sinipsip na nung presentation halos lahat nung energy ko for today. Muntikan na nga akong makatulog eh, buti nalang may trabaho pa akong ginagawa, unlike the listeners. Dahil kasi sa trabaho ko, atleast man lang nakagalaw-galaw ako para hindi masyadong antukin. Pinagkatuwaan kong kunan yung ibang natutulog at mga inaantok na estudyante, wala lang, siguro naisipam ko lang na dapat mag bigay ako ng proof na boring ang ginagawa nilang presentations at dapat mas pagbutihan pa ng mga presenters ang kanilang presentation.
Kinuha na ni Kuya Romulus yung mike. “Sige, magsigising na kayo, magsisimula na ang last game for this day. Sige tumayo na kayong lahat, magsi-alisan na kayong lahat bago niyo pa malawayan ang mga silya”
Na-alimpungatan yung iba, dinig na dinig ko ang kanilang mga ungol habang tumatayo.
“Sige, magsilabasan na kayo so that we could get this over with, dun nalang kayo matulog sa mga bahay niyo,”
Dahil sa sinabi ni kuya Romulus, nagsilabasan na yung estudyante, yung iba, nag-iistretching pa. Para sa akin, parang nagpapasalamat pa nga sila ehh na natapos na yung presentation, dahil kung magtatagal pa sila doon, siguradong black out na silang lahat.
Unti-unti ng nagiging maingay ang lahat, nararamdaman ko na bumabalik na ang energy nung mga kapwa ko estudyante. Siguro dahil nabawi ang tulog nila sa loob ng Audio Visual Room. Di ko rin sila masisi kung nakatulog sila doon.
The event for today is no other than the amazing race. Isang group race na paramihan na makukumpleto at panalong challenge, 15 challenges ata lahat, yung ibang challenges ay kinakailangan ng dalawang grupo. Kaya dapat gamitin din dito ang utak para swak lahat ng ginawa nila sa oras na ibinigay sa kanila. Each challenges had a 10 minute time limit, kaya dapat matapos na nila ang isang challenge in 5 minutes, dahil kung hindi, wala silang points.
BINABASA MO ANG
[Finished] Picture, Picture (Tagalog)
Novela JuvenilSi Romulus, ang SSG president ay binigyan si Ka-el; isang second-year highschool student ng isang opportunity that could change his entire highschool life; being an events photographer. Sa pagiging events photographer niya, may nag sulputan bigla na...