Chapter 1

2 0 0
                                    

Violet marks

Miah's POV

"Miah anak? Gabi na bakit hindi ka pa natutulog?" Napangiti na lang ako nang makita ko si Mama Fely. Umupo siya sa tabi ko.

"Hindi pa po kasi ako inaantok ma. Kayo ho? Bakit pa kayo gising?" Balik tanong ko.

"Papasok na sana ako sa kwarto para matulog nang makita kita dito sa labas. Medyo malamig na anak magpahinga ka na. Magpapaenroll ka pa bukas hindi ba?"

"Sigurado na po ba talaga kayo ma? Ipapagpatuloy niyo po ba talaga ako sa pag-aaral ko? Pwede namang sa susunod na taon na lang ako magpatuloy eh. Dalawang taon na lang naman po ang kulang."

"Naku hindi pwede anak. Paano ka magiging guro niyan kung hihinto ka. Baka kung sa paghinto mo eh makahanap ka ng lalake at mag-asawa ka nang di oras naku mahirap na." Natawa na lang ako sa sinabi ni mama. BSED kasi ang kinuha ko, yan kasi ang gusto ni mama. Ang sabi pa nga niya pangarap niya daw yan noon na hindi naman natupad dahil nag-asawa na sila ni papa. Kaya todo kayod talaga sila ngayon ni papa para makapagtapos ako sa kurso ko. Ang kapatid ko naman na lalake na si Kuya Jonas nakapagtapos rin siya bilang mekaniko.

Gusto ko sanang huminto muna at maghanap ng trabaho para hindi mahirapan sina mama kaya lang ayaw naman nilang pumayag.

"Hay inaantok na talaga ako anak. Mauna na lang ako sa'yo. Oh sya ikaw rin, pumasok ka na."

"Opo ma, susunod na po ako." Bago ako tumayo sa kinaupoan ko tinignan ko muna ang mga braso ko. Hindi nakita to kanina ni mama. Ilang buwan ko nang napapansin ang mga pasang to eh hindi ko naman alam kung san nanggaling to. Sa legs ko meron din para silang mga violet marks. Ayokong sabihin kina mama kasi baka dalhin pa ako sa Hospital another gastos na naman.

Napabuntong hininga na lang ako tapos tumayo na ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo at bigla akong natumba.

"God, not now please?" Nangingilid na ang mga luha ko tapos pinilit kong maupo. May naramdaman akong umagos mula sa ilong ko kaya kinapa ko iyon. Kahit blurred na ang paningin ko pero i saw it clearly, blood its a blood.

"Ma, t-tulong!" Yun lang ang nasabi ko and everything went black.

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

Ayos ba guys? Haha 1st chapter pa lang pero ganun na ano?

Please votes and comments^^

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon