Chapter 4

0 0 0
                                    

Miah is Fallen

Miah's POV

"Time for your meds Miah." Biglang dumating yung nurse. Nginitian ko lang siya. Wala sina mama ngayon dito pati na rin si ate at kuya.
Si Christine lang ang tanging nandito at nagbabantay sa'ken. Nasabi na rin nila mama sa'ken na aalis siyang muli ng bansa. Ayoko sanang pumayag kaso para lang din naman to sa'men. Mababaon sila sa utang dahil sa'ken. Ang sakit lang isipin na naging pabigat na ako.

"Very good." Sabi ng nurse matapos kong inumin ang gamot ko.

"Ano pong pangalan niyo? Ang ganda niyo po." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I'm Shiela." She said smiling.

"Ang babait po ng mga nurse at doctor dito Miss Shiela. Lalong lalo na po si---"

"Si doc Gelo?" She said smirking. Nakangiting tumango na lang ako.

"O-oo nga po ang bait niya." Nakayuko kong sabi.

"Gusto mo ba siya Miah?"

"P-po? Naku hindi po!"

"Oh ba't ganyan ka maka reak? Nagtatanong lang ako." Natatawa niyang sabi.

"Okey lang naman na magka crush ka sa kanya Miah. He's single naman haha." Sabi niya at nagmadaling lumabas.

"Bye Miah!" Pahabol pa niyang sabi.

"Crush niyo po si Doc Gelo ate?" Biglang tanong ni Christine. Haist! Ano ba naman yan nakalimutan kong andito pala si Christine.

"Hindi ah. Ang tanda na kaya nun. 27 na siya. Tapos 18 pa lang ako."

"Aba? Pa'no mo nalaman ang edad ni doc ate?" Panunukso niyang tanong.

"Ah, n-nagpakilala siya. Oo ganun nga." Tumatango-tango kong sabi.
Teka nga? Ba't ba ako kinakabahan?

"Okey lang naman kahit matanda na siya ate. Hmm gwapo siya, check! Mayaman, check! Mabait, check! Oh diba ate complete package na." Masigla niyang sabi na ikinakunot nuo ko.

"At saan mo nakuha yang complete package na yan huh? Bakit parang ang expert mo yata tungkol diyan?" I said glaring at her.

"Ate naman. Syempre book worm po ako mahilig sa mga novels. Nagmana yata ako sa inyo." Nakangiti niyang sabi.

"Siguraduhin mo lang Christine kundi lagot ka sa'ken." Pagbabanta ko. Ang gaga nag salute pa. Parang tanga tong kapatid ko.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si doc Gelo.

"Hi ladies." Nakangiti niyang bati sa amin ni Christine.

"Eheem!!" Biglang sabi ni Christine. Binato ko naman siya ng unan. Baliw ang isang to.

"May problema ba dito?" Gelo asked.

"Hihi wala naman po doc. Ahm sige po labas lang ako." Patakbo namang lumabas si Christine. Humanda talaga sa'ken yun mamaya.

"Ahm, may check up po ba ulit ako doc?" Tanong ko sa doctor na ngayo'y nakangiti habang nakatitig sa'ken. Kinakabahan naman ako diyan sa titig niya.

"N-no. Wala. Ahm, may gusto lang akong sabihin sa'yo."

"Ho? A-ano po yun?" Napabangon naman ako dahil sa kaba. Bigla siyang umupo sa gilid ng kama ko.
Nailang naman ako sa ginawa niya.

"Yung bill niyo dito sa hospital, ahm yung half na lang ang babayaran niyo. Binayaran ko na yung half." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.

"And, good news is. Pwede ka nang lumabas dito." Nakangiti niyang sabi. Bigla na lang akong napatalon at napayakap sa kanya sa sobrang tuwa.

"Waahh! Salamat po. Salamat talaga." Sabi ko habang yakap-yakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik.
Pero nang ma realize ko ang ginawa ko, napahiwalay kaagad ako sa kanya at lumayo.

"S-sorry po. N-natuwa lang po talaga ako. Pasensiya na." Nakayuko kong sabi. Bigla naman siyang tumawa kaya napatingala ako at napatingin sa kanya.

"Nakakatuwa ka Miah. No its okey. Okey lang na yakapin mo ako. Haha." Nanginit naman yung pisngi ko sa sinabi niya.

"Ahm, s-sasabihin ko po sa parents ko ang balita niyo." Change topic ko na lang.

"Ako na magsasabi young lady."
Hindi ko alam pero sa tuwing tinatawag niya akong young lady napapangiti ako ng lihim. Ang sarap kasi pakinggan.

"I want to talk with them too. Tungkol sa kalagayan mo." Malungkot niyang sabi. Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ko.

"Pwede po bang dito na lang kayo mag-usap? Para po marinig ko." Malungkot kong turan. Tumango naman siya kaagad.

"Gusto mo na bang magpahinga young lady?" He asked smiling.

"Lagi naman po akong nagpapahinga."

"Haha. Oo nga naman." Sabi niya. Pagkatapos nun bigla na lang kaming natahimik. Hindi ko alam pero bigla na lang kaming natahimik na parang walang gustong magsalita.

"Ahm. M-Miah?"
Napatingin naman ako sa kanya nang tawagin niya ako.

"Can I have your number?" Mas lalo namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"P-po? B-bakit po?"

"Ahm para mai-check kita lagi. Di ba nga ako na lagi ang doctor mo?" Alanganing napatango naman ako sa sinabi niya. Haist kala ko naman kung ano na.

"Akin na po ang phone niyo." Nahihiya kong sabi. Nakangiti niya naman itong inabot sa'ken. Wow! Ganda ng phone ah.
Tinype ko na yung phone number ko tapos ibinalik ko sa kanya ang phone niya.

"Isave niyo na po." Nakangiti kong sabi. He smirked.

Tinignan na naman niya ako habang nakangiti.

"Naku po doc. Kanina pa po kayo ganyan makatitig. May dumi po ba ang mukha ko?" I asked him.

"No, nothing. Its just that, y-you're beautiful Miah. Madaming iiyak kung mawawala ka. Kaya, you need to be strong. You need to fight for your life. Let's fight for your life." Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya.

Maya-maya pa'y umalis na si Gelo. Pagkasara niya ng pinto pabagsak akong humiga sa hospital bed. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito.

"I think I'm fallen." Nakangiti kong sabi.

♦♦♦♦

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon