Chapter 3

2 0 0
                                    

Her Smile

Gelo's POV

Nagtaka naman ako kasi pumayag kaagad ang may-ari ng Hospital na ako na ang magiging personal doctor ni Miss Asuncion.

"Ehem! Ang lapad ng ngiti natin ngayon pinsan ah? Aha! Alam ko na. Pinayagan kang maging permanent doctor ni Miss Asuncion ano?" Tumango naman kaagad ako sa sinabi ni Shiela.

"Good luck!" Nakangiti niyang sabi. Nakangiti naman akong naglakad patungo sa room ni Miss Asuncion. Ako na lagi ang mag-aalaga sa kanya. Sa 3 years ng pagiging doctor ko ngayon lang ako nagkakaganito. Naaawa lang kasi talaga ako.

Tatlong araw na nga pala siyang nandito pero hindi pa siya gumigising. Gustong-gusto ko na siyang gumising. Hindi ko alam kung bakit.

"Good morning doc Gelo." Nakangiting bati sa'ken ng mga nurse na makakasakubong ko.

"Good morning doc pogi." Nurse Diane greeted me. Nginitian ko lang siya. Hindi ko alam pero ayoko sa presence niya. Masyado kasi siyang halatang may gusto sa'ken.

Nadatnan ko naman sa labas ang kapatid ni Miah na tumatakbo.

"What's happening?" I suddenly asked her.

"Hayst salamat naman at nakita kita doc. My sister is awake." Hinihingal niyang sabi.
Nanlaki naman yung mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"D-doc? Tara na po!" Nabalik naman agad ako sa realidad nang tawagin ako nung babae. Nagmadali na ako at pumunta sa room kung saan nandun si Miss Asuncion.

Miah's POV

Nagising ako sa isang silid na puro puti.

"Nasa langit na ba ako?" Bigla ko na lang natanong.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Walang tao. Ngayon ko lang naalala nasa hospital pala ako. Biglang bumukas ang pinto at inuluwa si Ate Jonah. At kasunod naman niya ang isang doctor.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang doctor. He's so intimidating. Ang tangos ng ilong niya at ang pula ng mga labi niya.

"Miah." Napukaw ang atensiyon ko nang bigla akong yakapin ni Ate Jonah.

"Kumusta ka na? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba?" Napangiti na lang ako sa dami ng tanong ni Ate Jonah.

"Nauuhaw ako ate." Sabi ko na lang sa kanya at talaga namang nauuhaw ako.
Nagpaalam naman siya agad na bumili ng tubig at pagkain kaya kami na lang ng doctor ang naiwan ngayon. Nang tinignan ko ang doctor nabigla na lang ako kasi nakatitig siya sa'ken.

"Hi-hi po doc." Nauutal kong bati sa kanya at nginitian ko siya.

"H-hi. How are your feeling?" Nakangiti niyang sabi sa'ken.

"Wala naman po akong ibang nararamdaman maliban po sa panghihina ko." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Hindi mo pa siguro alam ang tungkol sa sakit mo?" He asked. Tumango lang ako.

"You have a cancer of the blood. May Leukaemia ka." Malungkot niyang sabi sa'ken at pinisil ang kamay ko.

"Ssh! Don't cry. Don't worry, ill do my best para gumaling ka. Dahil mula ngayon, ako nang magiging personal doctor mo." Nakangiti niyang sabi. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"A-am I dying?" Humihikbi kong tanong sa kanya.
Matagal siyang hindi nakasagot.

"Please tell me the truth. Am I dying?" Ulit kong tanong.

"W-we can't allow that to happen. Don't worry. I'll do my best para gumaling ka Miss Asuncion. Tutulongan kita." He said na para bang sobrang dali lang ng lahat. Napahagulhol na lang ako. Paano na ang pag-aaral ko? Mag t-third year pa ako.

"Ahm, magpahinga ka muna Young Lady. May isasagawa pa tayong test mamaya." Nakangiti na sabi ng doctor.

"Y-Young lady? Y-yan ang tawag mo sa'ken?" Taka kong tanong.

"Ayaw mo ba?" He smirked.

"H-huh?" Yun na lang nasabi ko.

"Well, let's make this normal. Hi young lady, I'm Gelo Fernandez and I'm 27 years old. And you are?" Ewan ko pero natawa na lang ako sa sinabi niya. Inilahad pa talaga niya ang right hand niya para makipag shake hands.
Tinanggap ko na lang yun.

"M-miah, I'm Miah Asuncion, 18 years old." Nakangiti kong sabi.

"Nice meeting you Miah. But I prefer calling you young lady. Because you're too young kaya kailangan mong magpagaling." He said smiling kaya tumango na lang ako.

Maya-maya pa'y dumating na si Ate Jonah kasama sina Kuya Jonas, Christine at pati sila mama't papa.
Niyakap kaagad ako nina mama.

"Buti naman at gumising ka na anak." Nakangiting sabi ni mama.

"Pwede ho bang hindi ma? Eh ayoko po kayong nalulungkot lahat. Hindi ko pa po kayo iiwan."

"H-hindi pa." Biglang sabi ni Ate Jonah kaya natahimik kaming lahat.
"J-Jonah." Mama said.
Yumuko naman si Ate Jonah.

"Ahm, Mimi. Kumain ka na para makapagpahinga ka." Kuya Jonas said. Tumango naman ako sa sinabi niya. Inalalayan na nila akong bumangon.

Gelo's POV

She's so beautiful. Nakakabaliw ang ngiti at tawa niya. Napatampal na lang ako sa nuo ko.

"Urgh! You're crazy Gelo. Pinagnasaan mo ang pasyente mo." Kausap ko sa sarili ko.

Nung nakita ko siyang ngumiti parang ang sarap tignan. Ang amo ng mukha niya kahit maputla siya. At nung naglapat ang mga kamay namin hindi ko alam pero may nardaman akong kuryente na dumaloy. Tsk baliw na nga talaga ako.

"Remember Gelo that she's your patient. Wag kang abnormal."
Tsk para na talaga akong baliw nito sa kakausap sa sarili ko.

♦♦♦♦

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon