Chapter 2

2 0 0
                                    

Leukemia

Jonah's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Ano naman kayang nangyari bakit ang iingay nilang lahat? Rinig na rinig ko kasi si mama na sumisigaw pati na rin si papa. Padabog akong bumangon at nagmartsa palabas ng kwarto namin ni Miah. Asan kaya ang babaeng yun di pa pumapasok dito eh gabing-gabi na?

Narinig kong mula sa labas ng bahay ang ingay kaya patakbo akong naglakad palabas. Baka naman kasi may pasaway na kapit-bahay na naman na sumugod sa amin.

"Mama ano ho bang nangyayari----"
Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa nakita ko. Yakap-yakap ni mama at Christine si Miah na walang malay at sobrang putla. Tinatapik-tapik ni mama si Miah at pilit na ginigising.

"A-ano pong nangyari kay Miah mama?" Patakbo akong lumapit sa kanila.

"Fely may taxi na. Tara dalhin na natin sa Hospital si Miah." Biglang dumating si papa na nagmamadali. Lumapit siya sa amin at binuhat si Miah.

"T-teka nga muna? Hindi ba ninyo ako sasagutin? Ano ba kasing nangyari kay Miah? Christine anong nangyari sa Ate Miah mo?" Iyak lang yung tanging naisagot sa akin ni Christine at sumunod na siya kina mama at papa. Kaya naman I have no choise but to follow them too. Alalang-alala pa sila kaya di pa nila ako masasagot mamaya ko na lang aalamin sa hospital. Sana walang mangyaring masama kay Miah.

•••

Miah's POV

Ang bigat-bigat ng katawan ko hindi ko ito maigalaw. Gusto kong imulat ang aking mata ngunit ayaw bumukas nito. Feeling ko sobrang hina ko na.

"Ate Miah. Kumapit lang po kayo andito na po tayo sa hospital." Narinig ko ang boses ni Christine na aking bunsong kapatid.

"Doctor! Nurse! Tulong! Bilisan niyo! Asikasohin niyo na tong anak ko! Please gawin niyo po ang lahat!" Sunod kong narinig ang boses ni papa.

Maya-maya pa'y naramdaman ko nang naisakay na ako sa stretcher habang may nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko at naramdaman kong si mama iyon.

Gelo's POV

"Put all the needed apparatus." Utos ko sa mga kasama kong nurse.

"Done doc."

"Give me the difribilator." I said then they give it to me. Idinikit ko na iyon sa dibdib ng pasyente.

"Clear?"

"Clear!"

"Clear?"

"Clear."
Ilang ulit ko pa yung ginawa ngunit di pa rin nagbago ang linya na nasa monitor.

"Lady, wake up!" Yun na lang ang sinabi ko. Nakita ko ang luhang umagos sa gilid ng nakapikit niyang mga mata. Naging stable na rin ang linya ng monitor.

"She's still alive doc." Sheila, my nurse cousin said. Nginitian ko siya at sinimulan na naming isagawa ang check up ng pasyente.

Sa isinagawa naming check up, we found out na meron siyang Leukemia. A cancer of the blood which the white blood cells have the greater amount than the red blood cells. The white blood cells are too much than the red one that's why it makes it complicated. At ang ikinalungkot ko pa dahil nasa stage four na ang Leukemia niya.

Jonah's POV

Habang nasa loob ng ICU si Miah tinanong ko sina mama kung ano ba talagang nangyari. Ang sabi nila sa'ken, narinig daw nilang sumigaw si Miah sa labas at pagtingin nila nakabulagta na si Miah sa lupa habang dumudugo ang ilong. Kinabahan ako sa sinabi ni mama kasi matagal ko na ring nakikita ang mga violet marks sa katawan ni Miah sa tuwing nakikita ko siyang nagbibihis. Tinatanong ko naman siya kung bakit siya may ganun pero ang tanging sagot lang niya wala lang daw wag ko na lang daw sabihin kina mama at papa.

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon