Past

12 3 0
                                    

"Sa Class 10 ako ikaw saang class ka bakit hindi kita nakita?" Tanong ni Eil-- what? I cant pronounce her name.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pag aayos ng dadalhin kong libro.

"Bakit hindi tayo maging magkaibigan?"

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

"Shut up"

"Ang sungit mo' pero alam mo kilala ka sa class 10 sabi nila nasa class 1 ka daw ibig sabihin non matalino ka?"

"Alam mo may kakilala akong lalaki bagay kayong dalawa"

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at lumabas na ako ng room namin.
Habang naglalakad ako sa aisle ng dorm namin nakita ko yung roomkeeper na parang hinihintay ako.

"Ay. Janice may bisita ka sa labas ng dorm kanina pa yun naghihintay"

"Who?"

"Malay ko?"

Tss. Lumabas na ako ng dorm at nakita ko yung lalaking nakasandal sa railings ng hagdan naka suot sa bulsa niya yung dalawa niyang kamay at naka cup na itim.
Hindi ko na sana siya papansin dahil mukhang hindi ko naman siya kilala pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin sa likod ko.

"Namiss kita''

Nangilabot ako dahil naramdaman ko yung hininga niya sa bandang leeg ko. Halos nag yelo ako sa kinatatayuan ko.

"J-jared?"

"Akala ko hindi pa ako sanay na kinukulit kita hindi na pala"

"Let me go' before i could kill you"

Binitawan niya ako at inakbayan niya naman ako.

"Namiss kita e' hindi mo ba namiss yung pogi mong kaibigan?"

"Kelan pa tayo naging magkaibigan?"

"Nung sinabi ko na kaibigan na kita basta yun na yun !!"

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papuntang classroom hindi ako makawala sa akbay niya dahil hindi niya inaalis kaya pinagtinginan kami ng mga studyante.

Napatingin naman ako kay Jaemon na ang sama ng tingin kay Jared si Kyle naman bored na tiningnan kami. -- Yep kilala ko na sila dahil pareho ko silang naka encounter.

"Palagi nalang kayong late sa klase ko Mr. Perez at Ms. Delafranca"

"Sorry Sir Sinuyo ko pa kasi yung nagtatampo kong girlfriend Pffft!"

Matalim kong tiningnan si Jared' hindi ako usually nag rereact pero magrereact pa sana ako ng magsalita yung teacher namin.

"Kung maglalandian kayo wag niyo idamay yung klase ko''

Napakagat ako sa labi ko sa sobramg inis ko. Padabog akong umupo sa upuan ko.

"Peram naman ako ng notes mo absent ako kahapon e' nagkakasakit din naman kasi ang mga gwapo"

"Tss. Mukha ba akong nag t'take down notes?"

"Sige turuan mo na lang ako' sigurado naman ako na mas gaganahan akong mag aral pag mukha mo yung nakikita ko"

"Kayong dalawa! Hindi ba talaga kayo makikinig sakin huh? Maglalandian lang ba kayo buong subject?!"

Napaface palm nalang ako dahil nakakahiya na talaga' bakit biglang naging ganito si Jared? Hindi naman siya clingy ah? Alam ko madaldal siya pero hindi ko expected na Auuughhhh!!!!

After ng pangatlo naming class naka akbay parin si Jared sakin kaya pinagtitinginan kami ng mga studyante.

"Jared' pag hindi mo pa ako binitawan papatayin na talaga kita"

You Change My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon