Confront

15 1 0
                                    

Hmaaahhhh !!! Inunat ko yung kamay at paa ko dahil masarap umunat lalo na pag bagong gising ka.

Bumangon na ako at nakita ko si Eilyca na gumagawa ng home excercise.

Kinuha ko yung basket ko na naglalaman ng hygine material at papasok na sana ako ng toilet ng bigla siyang magsalita.

"Aning relasyon mo kay Jared?" Tanong niya habang inuunat niya yung mga paa niya.

Hindi ko siya sinagot at nag patuloy lang ako sa pagkuha ko ng towel na nakasabit sa gilid ng pinto.

"Mukha kasing close na close kayo' close ka din sa kuya ko" Sarkastiko niyang sabi.

Tumingin ako sa kanya at pinadaanan siya ng tingin.

"Anong pakelam mo sa relasyon ko kay Jared?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Wag mo akong tanungin baka magulat ka?"
"Wag mo din ako tanungin ' at baka magulat ka"

Blaaag!!!

Binagsak ko ng padabog yung pinto ng toilet.

-

Jared POV

Napakamot ako sa ulo ko ng kanina pa kasi ako kinukulit ni Daddy na umattend sa mga business meetings nila para daw makilala ko yung mga anak ng business partners niya.

"Dad' malaki na ako gusto ko naman na yung sh'shotain ko yung taong gusto ko"

"Anak isa palang napapakilala mong babae samin' at mula non hindi na nasundan"

"Dad' wag atat ok? Hindi naman ako babaero gaya niyo e .. Sige na dad mauna na ako at kanina pa ako late"

-
Nag park ako sa usual na pinag p'park-an ko' may nakita akong maliit na box don kaya bumaba muna ako ng kotse at kinuha yung box' may pangalan na nakasulat at nakalagay yung pangalan ko.

Pinark ko muna yung kotse ko at binuksan ko don sa loob yung box '
Isang puti at maliit na teddy bear ang nasa loob'

Walang pangalan kung kanino nanggaling pero alam ko na agad kung sino nagiwan nito dito.

-
Nagsisigwan yung mga babaeng nasa class 10 student habang dumadaan sila sa hallway dahil naghihintay ako don na lumabas si Eilyca.

Agad ko naman siya napansin at ngumiti siyang lumapit sakin.

"B-bakit ka nandito?"

Hindi ako nagslaita at nilabas ko yung box na may lamang teddy bear. Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Hindi mo man lang ba kaya kahit tanggapin man lang yan?"

Nagkamot ako sa batok ko at nagisip ng pwedeng sabihin.

"Matured na ako Eilyca .. Di ko na kailangan ng maliit na laruan"

"Tss' Eilyca? You used to call me Lyca back then"

"Dati yung Eilyca' marami ng nagbago simula ng iwan mo ako"

Maingat kong kinuha yung kamay niya dahan dahang nilapag yung maliit na box sa palad niya.

"Ligpit mo na lang yan"

Ngumiti ako at tumaliko na ako' Pabalik na ako ng classroom ng makita ko si Kyle na nakasandal sa dulo ng aisle.

Nandito kami ngayon sa malapit na cafe sa labas ng St. Heoul para magusap.

"Sinaktan mo na naman yung kapatid ko"

"Hindi ko siya sinaktan pare .. Binalik ko lang yung hindi sakin"

"Ilang ulit ka ba niya dapat iyakan para lang malaman mo na mahal ka paren niya?"

You Change My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon