Friends

0 0 0
                                    

Annie's POV

Masaya akong hinahalungkat yung social accounts ni Jaemon sa fb kahit na paulit ulit lang naman yung lumalabas dahil di naman siya ganon ka active sa mga social media.

Scroll

Scroll

Scroll

..

..

1 new post

Pinindot ko yun' bumungad sakin yung post niya na picture ni Eilyca na naka side view naka hookup at kitang kita ang luha niya sa pisngi niya habang nililipad ng hangin yung buhok niya'

Sobrang ganda niya' hindi nakakapagtaka na gusto siya ng taong gusto.

Seeing your girl like this is like bringing the dragon out of yours

Mapait akong napangiti sa post ni Jaemon' Ang swerte ni Eilyca dahil may Jaemon na palaging nandyan para sa kanya.

Ang swerte ni Jaemon dahil nandito ako kahit na hindi niya naman ako nakikita.

Sa totoo lang madalas na kami lumabas ni Jaemon ngayon' Ewan ko ba kung matatawag ba yung date dahil hindi naman siya nag sasalita hindi niya ako kinakausap' ni tinitingnan hindi niya ginagawa.

May umupo sa tabi ko kaya napatingin ako kung sino.

"Ow? Akala ko sa mga ganitong oras nasa library ka?"

Hindi siya sumagot at kinabit lang yung walkman niya' Janice would be Janice all the time. Pero minsan napapansin ko mapapadalas na yung pagsasalita niya at lahat kami naninibago.

Binalik ko yung tingin ko sa phone ko'

Scroll

Scroll

Scroll

1 new post from Jared

Nakita ko yung picture ko katabi si Janice at halatang ngayon lang to tinake dahil ganitong ganito ang pwesto namin'

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Jared na naglalakad papunta samin kasama si Jerico.

"Sira ka talaga Jared' Bakit nag post ka ng ganon?" Tanong ko sa kanya

"Wala lang pang update lang"

Tumingin siya sa katabi ko na nakatingin sa malayo' Sinundan namin yung tingin niya at nakatingin siya kay Kyle na natutulog sa ilalim ng magarbong puno.

"Ano balik senti na naman to?" Natatawang sabi ni Jared habang nakaturo kay Janice

"Queen D must be Queen D" Sabat naman ni Jerico

Tumayo ako dahil kating kati na si Jared na asarin si Janice'

"Hoy!!"

Hindi naman nagulat si Janice' Instead tiningnan niya pa ito na parang bored na bored siya sa presence ni Jared.

"Ang ganda ng view no? Matutunaw na si Kyle niyan e" natatawang sabi ni Jared

"Hahaha! Takte na yan Queen D may gusto ka kay Kyle the monster?" Dugtong ni Jerico

Hinampas ko siya ng bag ko dahil halata ko naman kay Janice na may gusto siya kay Kyle.

Walang sagot si Janice dahil mukhang di niya naririig dahil na din sa walkman na nakalagay sa tenga niya.

Iniwan ko na sila don dahil nagugutom na ako' kaya dumiretsho ako ng cafeteria at bumili ng burger sa counter ng may lumapit sakin.

"Annie sama ka sa pool party sa mansion namin sama mo na din yung mom and dad mo if possible" Pag aaya ni Tricia yung humor ex ni Jared

You Change My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon