Movie Date

12 1 0
                                    

Jared POV
-

Pagtapos ng paguusap namin ni Janice kagabi' hindi ko na maalis sa isip ko si Eilyca' tangina naman ako na yung nasaktan pero bakit parang ako paren yung pinaparusahan?

Hindi ko alam kung bakit pero agad akong nagluto ng lugaw na manok na may itlog at nilagay ko yun sa may tupperware.

"Ijo kelan ka pa natutong magbaon ng pagkain sa school" Pagpuna ni manang sakin.

"Ahh' hindi po to para sakin .. Para po ito sa isang kaibigan"

Hindi ko na hinintay na sumagot si manang at lumabas na ako ng kusina.

-
'OMYGOD! ang gwapo ni Jared'
'Bakit kaya siya nandito sa Class 10 diba class 1 siya?'
'Omg! Baka may girlfriend siya dito?'

Rinig kong usapan ng mga babae habang naglalakad ako sa kahabaan ng Class 10.

Pumasok ako sa isang room at nakita ko don si Eilyca na nakahiga ang ulo sa desk ng upuan niya. Nagbulungan na yung mga studyante ng magsimula akong lumapit sa kinauupuan ni Eilyca.

Umupo ako sa upuang nasa harap niya' tulog siya' nangingitim na din yung ilalim ng mata niya' halatang hindi tumatalab yung sleeping pills na iniinom niya.

Nasasaktan ko ba siya sa pagiwas ko? Nasasaktan ko ba siya dahil gusto ko siyang iwasan? Bakit siya yung nasasaktan?

Hinawi ko yung buhok niya na nagkalat sa mukha niya sa likod ng tenga niya.

Gusto ko sana siyang gisingin pero pakiramdam ko hindi tama. Inutusan ko ang isa sa mga classmate niya na gisingin siya pag alis ko at ipakain ang lugaw na dala ko.

-

Bumalik na ako sa room' ilang days din ako hindi nakakaattend dahil nabubusy ako sa swimming' di kasi ako makapasok don nuon dahil nasa special section kami focus kami sa academics.

Nakita ko si Janice na nakasandal na naman yung ulo sa bintana habang naka walkman tulog din siya' di tulad ni Eilyca na parang bata sa sobrang kainosentehan na natutulog samantalang itong si Janice parang isang batang anghel.

Nilabas ko yung phone ko at bimungad na naman sakin yung wallpaper ko na siya ang nakalagay' 😡Kinuhanan ko siya ng picture sa ganong paraan.

Napatingin ako sa likod niya na si Kyle ang nakaupo gaya ni Janice natutulog din siya' boring talaga dito sa class 1 porket matatalino puro tulog lang yung ginagawa' bagay talaga sila nitong si Janice.

Umupo na ako sa tabi ni Janice' nag try ako makinig sa teacher na nasa harapan pero nadidistract ako sa mukha ni Janice habang nakapikit' Kung hindi ko lang siya kilala iisipin ko na isang anghel ang natutulog sa harap ko ngayon'

Natapos yung klase namen pero sa mukha niya parin ako nakatingin' di maalis yung tingin ko sa kanya.

Wala ng studyante sa loob ng classroom at kami na lang dalawa' gusto ko siyang gisingin para sabay na kaming mag lunch dahil simula ng pumasok ako sa swimming team di ko na siya nakukulit' Pero hindi ko magawang gisingin siya.

Nilabas ko ulit yung phone ko at kinuhanan ko siya ng picture.

After ilang minutes nagising na din siya at sabay kaming nag lunch ng hindi siya nagrereklamo.

"Hoy! Dude kanina pa kita hinahanap' Si Eilyca!" Tarantang sabi ni Jerico na humahangos pang humarap samin.

"Bakit anong nangyari kay eilyca?"

"Nag collapse siya during history class nila"

Agad akong napatayo at pinuntahan siya sa clinic na malumanay na nagpapahinga.

You Change My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon