Chapter 6

21 0 0
                                    

CHAPTER 6

Rain's POV

Alam kong galit kayo sakin. Well mga ate, insecurity tawag dyan. Maganda kasi ako.

No choice kayo, kasali ako sa storya na 'to. Mwahaha.

Bwisit na Magie yan! Sumasagot na saamin ngayon! Bwisit bwisit! Pahiya kami dun ah? Hindi porket maganda sya (oo, aminado naman ako dun!), bobo naman sya! San nya ba kasi napulot yung sinabi nya kanina? At san nya napulot ang kagandahan nya?

[a/n: Ang tawag dyan, Ate? Insecurity. Mwahahaha.]

"Rain! Kelangan na natin makaisip ng revenge! Gusto ko na lumabas dito!" sabi ni Quira. Nandito kasi kami sa CR ng girls, nag-iisip ng masamang plano. Mwahaha.

Sabi ko dito sa mga alipores ko, hinding-hindi kami lalabas ng CR hanggang wala pa kaming naiisip. Hindi ko pa naoover come yung pagkahiya ko noh! T__T

"Oo nga, Rain. It's so eww kaya dito." sabi naman ni Raine. Para ko tuloy tinatawag ang sarili kong pangalan. =_=

"He! Manahimik nga kayo. Tsaka wag kayong magconyo! Nabibwisit ako sa inyo." ang aarte kasi. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko itong mga 'to.

Alam ko namang maarte rin ako pero mas maarte kaya sila. Pero ako pinakamaganda. Syempre, leader will always be the best.

"Pano kaya kung buhusan nalang natin sya ng  tubig na galing sa bowl?"

"Wow Nia! ang galing mo!" pumalakpak ako. Ngumiti naman ang bruha, "napakapanget ng suggestion mo." letcheng members 'to. Mga walang kwenta! Gasgas naman mga suggestion nila. Tss.

"Pakainin nalang natin sya ng panis?"

"Alam mo, Celine? Pwede ka nang pumalit kay Magie sa posisyong The Biggest Idiot. Syempre halata yun! Tss. Magsuggest nga kayo ng matino!"

"E kung kunin nyo kaya yung  notebook nyang weird na kasing weird nya?" nagulat kami nung may lumabas sa isang cubicle.

Si Madie. Magie's younger sister.

"Madie? Anong ginagawa mo dyan?"

"Ano bang ginagawa sa CR?" sa lahat ng bagay sa mundo, si Madie lang ang kinakatakutan ko.

She's the ultimate maldita here in Campus. The ultimate heartbreaker and the ultimate player. Sya na ang ultimate of all ultimates! =_=

Well, yeah. Kahit na 2nd year lang 'to si Madie, sobrang taas ng tingin sa kanya ng mga tao dito. Bawal banggain, bawal hawakan.

Kaya nagkakamali kayo kung akala nyo ako ang kontrabida dito.

"Yung black notebook na lagi nyang dala san man sya magpunta?"

"Alam mo naman pala so why are you asking?" Boom! Barado ka, Qui.

"Teka, kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi." tapos lumayas na sya.

Yun ang nakakabwisit e! Wala kaming binatbat pagdating sa kanya.

I wonder how Magie handle her little evil sister.

---*

Yan's Note: Hi! :) Sorry kung mukang ewan yung Chapter 5&6. E kasi tinatype ko yan habang nasa jeep ako e xD

Nagtataka na siguro kayo kung bakit parang hindi naman Idiot si Magie. E hindi  naman talaga e, sadyang tamad lang. Pero lalala pa talaga yun sa next next chapters xD nagmukha lang talagang hindi dahil sa dialog nya kanina wahaha XD

Nagtataka na rin ba kayo kung anong role ni Madie dito? Malamang hindi. Mwahahaha. Bye :)

The Idiot's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon