Chapter 7

16 0 0
                                    

CHAPTER 7

Magie's POV

"To all students, please proceed to the quadrangle, now." narinig namin yung announcer.

"Mische. Tara na."

"Sige, you go first. Susunod nalang ako." nagnod lang ako at pumunta na sa quadrangle.

Mische's POV

"Hello?"

"Done?"

"Of course. Ako pa?"

"Very good, Mische. Very good."

"I know right. Anyways, should I do the next plan?"

"You think so?"

"I really think so."

"Okay then, bye." I ended up the call at pumunta na sa quadrangle.

"Magie!"

"Uy. Ang bilis mo naman?"

"Sabi ko sayo susunod ako e. Anyway, meron pala akong offer sayo, kung gusto mo lang."

"Ano yun?"

"Gusto mo ng tutorial?"

"Tutorial? Hindi ba sasabog ang utak ko dyan?"

"Ano ka ba. Syempre hindi. Madali lang naman akong magturo e. Tsaka para naman makabayad ako sa pagttanggol mo sakin kanina.."

"Hmm. Sige. Basta wag mong pasasabugin ang ulo ko ha? Baka yan pa ikamatay ko. Hehe."

"MWF nga lang every after class. Okay?"

"Sure." 2nd step, completed.

Magie's POV

Sabay na kaming pumunta ni Mische sa may quadrangle, wala namang pila kaya nakakalat lang yung mga estudyante, hinihintay yung sasabihin ng announcer.

"For all the students, please stay here in the quadrangle. Or you can loiter around the campus except on the corridors and on rooms. The meeting will be private, its only between your parents and your advisers. Thank you." ayos! at least hindi ko kailangang marinig ang mga problema ko tungkol sa grades.

"Ms. Magie Andaya and Ms. Mische Ann Dela Vega, right?" sabi samin nung bagong teacher ng grade 7 ata?

"Yes ma'am." sabi namin in unison.

"Please proceed to the guidance office." tapos umalis na sya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mische.

OMO. Eto na ba yung parusa ng pinasok kong gulo?

--*

No choice kami kundi pumunta na sa guidance office. Huhuhu. First time kong mapupunta sa guidance office.

Hay. Bahala na nga. Kakarerin ko nalang ang pagiging "Knight in Shining Empty Skull" ko kuno.

Pagdating namin dun, nandun din ang buong DFF. Syempre, sila ang nambully e.

Inirapan lang ako ni Rain. Hay. Ewan.

"So, nandito na pala kayong lahat." sabi ni Mam Guidance Counselor samin ng dilat-mata.

Kaya iniiwasan kong mapunta dito sa Guidance Office e, dahil narin dito kasi kay Maam Guidance Counselor.

Pag pinandilatan kasi kayo ng mata nyan, matakot ka na kasi talagang lagot ka. T_________T

"Sinong nag-umpisa?" sabay sabay nila (lahat ng DFF members) akong tinuro.

Wadapaj? Ako? E isa nga lang din akong usisera dun na nadamay lang dahil meron akong mabuting loob. Bow.

"Ms. Andaya? Ikaw ba talaga?"

"Hindi maam ah!! Pinagtanggol ko lang naman po yung sarili ko e!!!" medyo napasigaw ako nun. Nakakaasar kasi, ako na napahiya ng bongga sa panlalait nila tapos ako pa nasisi?

"See, ma'am? Guilty po siya. Kung makasigaw wagas."

Wadahel? Naiisip talaga nila yun? Grabe! Arrrrrggg! Wala na talaga akong pag-asang manalo laban sa kanila. tss.

"Enough. Ms. Dela Vega, sino ba talagang nag-umpisa?"

"Ma'am, si Magie nga--"

"Shut up, Rain. I'm not talking to you." medyo napanganga naman si Rain. Honestly, aunt kasi ni Rain yung Guidance Counselor kaya nga natatakot akong kalabanin sila Rain tuwing binubully nila ako e kaso hindi na talaga ako nakapagpigil kanina kaya ayun. Katangahan nga, na naman, hindi ko naisip na mapapaguidance ako sa mga pinaggagagawa ko. Tapos si Maam GC (guidance counselor), niece nya pa si Rain, edi wala akong lusot?

Pero ngayon, hindi sya makapaniwalang sinabihan sya ng Tita nya ng ganun. Wahahaha.

"Ah ma'am.." medyo naaalinlangan pa si Mische kasi pinandilatan sya ng mata ng mga DFF, at sabay sabay pa talaga! Lanya. DFF nga talaga.

"ano po.. kasii.." medyo nabibwisit na si Ma'am sa pagsasalita ni Mische kaya tumingin sya sa direksyon nila Rain tapos ito namang mga plastic na daing na 'to, smiling faces. Tseeh!

Bumalik si Maam ng tingin kay Mische na namumutla na. Kinakabahan siguro sya.

"Go." bulong ko sa kanya. Wala naman syang dapat katakutan. Ako ang dapat matakot kasi ako ang pumatol. Huhuhu T________T

"Nasagi ko lang naman po si Rain, hindi ko naman po sinasadya. Tapos po ayun, nagalit po sya tapos binuhusan nya na po ako ng juice tapos pinagtanggol po akoo ni Magie. Kaya po wag nyo na pong parusahan si Magie. Dinefend lang naman nya po ako sa kanila." mas lalo pang nanglaki yung mga mata nung mga DFF. Bistado na sila e.

"Pero Tita, este Maam. Sinabihan nya po kami ng dirty stupid garbage! Di ba po kasama po sa rules na bawal magsabi ng foul words against sa schoolmates?"

"Manahimik na nga kayong lahat. Palalagpasin ko ito, Rain. Hindi kita bibigyan ng mabigat na parusa pero asahan mong makakarating ito sa mommy at daddy mo. At kayo namang mga friendship nitong pamangkin ko, ganun din. Asahan nyong malalaman ng mga magulang nyo 'to nang magtanda kayo."

Tumingin si Maam samin ni Mische. "Kayong dalawa naman, don't worry, hindi malalaman ng magulang nyo pero lahat kayo.." eto na pong sinasabi ko e! Tenenenenen!

"One hour detention!"

At ayun ngang sinasabi ko!

The Idiot's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon