Chapter 3

17 0 0
                                    

Kim’s POV

Kinailangan kong tumakbo at umalis sa tabi ni Pao, kasi ..

*hawk.. Pasensya na po.. Andito ako sa banyo, kailangan ko kasing isuka, opo. Sumusuka ako ng dugo. May sakit ako. Pagkatapos, hiniga ko nalang yung katawan ko sa kama, kinapa ko yung gamot ko, at ininom.. Oo, ininom ko yung mga gamot ko, kahit ayaw ko ng  mabuhay kasi ayaw kong malungkot yung kambal ko. Nang medyo ok na ako, sinilip ko kung nasa labas pa ba si Pao.. Oo, nasa labas pa nga siya. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Ano ba ‘tong nararamdaman ko?

Ewan ko ba.. Araw-araw napapadaan si Pao.. Pero, hindi ako lumalabas, ayoko rin kasing magpakita sa kanya, hindi ko alam bakit.

Paolo’s POV

Ilang lingo na rin akong pabalik-balik sa bahay ni Kim pero mula nung huling kita ko sa kanya, di ko na siya ulit nakita. Totoo bang multo yun? Pero, bakit ganoon? Parang hindi naman siya multo ah.

“Hey!” eto na naman si Juliet, kasama niya kasi yung boyfriend niyang si Richard.

“Pao, basket daw kayo ni Richard”sabi niya.

“Sige, bihis lang ako.”

Yun, basket lang kami, may place kasi dito sa subdi namin na pwedeng maglaro ng basket ball .. Nang magsho-shoot na ako ng bola, napatingin ako sa isang side, yung parang park.. Si Kim ba yun? Siya nga ata kasi.. Maya pupuntahan ko siya, kailangan ko muna ‘tong ipanalo.

Yun, panalo na naman ako sa one on one namin ni Richard. OLATS siya! Captain kaya ako sa varsity sa university namin at Asst. ko lang siya.

“Di pa rin talaga ako mananalo sa’yo Captain”sabi niya.

Nangiti lang ako.

“Oy! Tara, snack na tayo” sabi ni Juliet.

Pina-una ko nalang sila, tama nga ako si Kim nga yun. Buti nalang di pa siya umalis, tinignan ko yung ginawa niya, teka.. Ako ata yung dinodrawing niya?

“Pwede bang makitabi?” sabi ko.

Kita kong nagulat siya.

Kim’s POV

Nagulat ako. Andito pala si Pao.. Tinago ko nalang yung dinrowing. Siya kasi yung dinrowing ko, di kasi siya mawala sa isip ko eh.. >.<

“Kamusta?”tanong niya. Nakapikit siya. Grabe, ang gwapo niya pala talaga..

“Ah, o-ok lang naman .. Ikaw ba?”sagot ko.

“Maganda, andyan ka kasi”

“Haa?”

“Ah, ibig kong sabihin, ok lang rin”sagot niya.

“May pinuntahan ka ba?”tanong niya.

“Ha? Ako?”

“Oo, ilang lingo rin kasi akong pabalik-balik sa bahay mo”sabi niya.

“Ah, ganoon ba? May pinuntahan nga pala ako.”sagot ko nalang..

“Kaya pala. Akala ko tuloy, multo ka talaga.”

Natawa naman ako doon.. Kunsabagay, parang multo na nga ako.. Hehehe xD..

“Wag kang mag-alala”tapos kinuha ko yung kamay niya, nagulat pa nga siya eh..

“Ayan, nahawakan mo ko kaya, siguradong tao ako, ok?”sabi ko sa kanya.

Nakakatuwa talaga yung reaksyon niya. Grabeee!!! x-P

Ngayon na lang ulit ako nakatawa ng ganito..

“Ah, Kim, kailangan ko na palang umalis, tinatawag na ako ng kapatid ko”sabi niya.

“Sige, pauwi na rin naman ako. Kinailangan ko lang kasi ng preskong hangin eh”

“Kita tayo sa susunod”sabi niya.

Papunta na ako sa bahay.

Nakita ko yung kambal ko, ewan pero agad ko siyang niyakap. Oo, namiss ko siya.

Andito na nga pala kami sa bahay ngayon.

“Ngayon ko lang ulit nakita yung tawa mo kanina” sabi niya.

Tapos niyakap niya ako.

“Masaya ako para sa’yo Kim..”

“A-ako rin..”

“Nga pala Kim, di ba bukas na yung birthday natin?” oo nga pala pangalawang taon ko na ‘tong kaarawan..

“Hah? Ah, oo nga pala, muntik ko ng makalimutan”sabi ko.

“Di bale, dito na tayo magpaparty, Kim.. Nagparty pala kami nun bago ako umalis sa Prague”malungkot niyang sabi.

Tapos niyang mag-ayos umalis na siya. Maggogrocery daw kasi siya.. Oo, hindi ako lumalabas papuntang mall siya lahat gumagawa nun.

Nang maggabi na, naisipan ko na daanan si Pao, buti naman nasa labas siya..

“Ah, Pao”

“Uy, kaw pala Kim.. Ginulat mo naman ako”sabi niya.

“Pasensya kana.. Ano kasi, ah.. Birthday ko kasi bukas, ah.. Iimbitahan sana kita?”sabi ko.

“Sige. Asahan mo. Darating ako”sabi niya ng nakangiti.

A Ghost?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon