Chapter 10

2 0 0
                                    

Kim’s POV

Ilang buwan na rin, ang nakalipas mula nung ipinanganak ko si Phoebe.. Eto nga pala ako sa hospital..

“Ah, Mrs. Yu..” sabi ng doctor sakin.

“In your case..”

“Yes, doc, I understand”sabi ko.

Paolo’s POV

Nakakapanibago.. Dati kasi ako ang naghahanda ng pagkain, ngayon si Kim na.. Tska, hindi na plain white dress yung sinusuot niya.. May konting halong kulay na.. Tsaka, hindi na siya sobrang putla, medyo kasi may dugo na sa pisngi niya ehh..

“Hmm.. Pao, di ba wala naman kayong pasok bukas?”tanong pa niya.

“Ah, Oo. Bakit may gusto ka bang puntahan?”tanong ko.

“Picnic tayo bukas.. Sa park lang..” sabi niya.

“Gusto ko yan”sabi ko naman..

Gaya nga ng plano, nagpicnik kami dito sa parang park sa subdivision namin.. Si Phoebe, ayun kasi kay Setty, ililibot niya raw muna..

“Ba’t ang lakas mo ata ngayon, Mrs. Yu?”sabi ko sa kanya.

“Ha? Anong malakas?”

“Nakikipaglaro ka na kasi sakin”

“Porke ba dati hindi? Syempre, malakas na ako.. Dalawa na kasi yung gamot ko ehh..”sabi niya..

Akalain niyo yun, nakapagbasketball pa kami, volleyball tapos soccer.. Tapos umulan.. Naligo kami sa ulan.. Parang bata kaming dalawa.. Pero ang saya.. Sana ganito kami araw-araw.. :D..

Medyo dumilim na kaya inaya ko na siyang umuwi, patila na rin kasi ang ulan.. Andito kami sa shed.. NagSHED pa eh, ano po? Pero, nagpaulan lang rin naman..

“Pao, Piggy Back Ride mo ako uli”sabi niya sabay sakay sa likod ko.

Pagdating namin sa bahay, pinainom ko siya ng gamot, syempre tinanong ko muna yung Doctor kung anong pwede baka kasi alam niyo na..

“Sa susunod na lingo na nga pala ibabalik ni Setty si Phoebe, kasama nga pala niya si Juliet”sabi niya.

Nauna na siyang natulog sa akin, nag-aral pa kasi ako.. Pagpasok ko sa kwarto, nng hawakan ko siya.. Mainit.. Inaapoy siya ng lagnat. Poooteeekk!!!

Kinarga ko siya papunta sa kotse ko, tapos diretso na kaming hospital..

Hawak-hawak ko yung kamay niya, bumalik naman sa pagiging maputla..

“Pao?”sabi niya nung magising siya.

“Shh.. Wag ka na munang maggagagalaw ha?.. Balik ka na ulit sa pagtulog”

Nang makatulog na siya dumating na yung doctor niya.

“Ah, Mr. Yu.. I guess alam mo na yung kondisyon ng misis mo”

“Ah, Doc. I don’t undertand..” sabi ko.

“Ah, hindi pa papala sinasabi sayo ng misis mo.. Her condition worsened, she’s got a few days to live.. I’m sorry, I got to go”

“..shes got a few days to live”

Hindi.. Mabubuhay siya.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa mukha ko.

“Ba’t ka umiiyak?”sabi niya.

Hindi ko dapat ipakita na malungkot ako, paano naman siya lalaban kung ganito ako diba?

“Napuwing kasi ako kanina nung lumabas ako eh.. Ano, anong gusting kainin ng Reyna ko?”tanong ko.

“Hindi naman ako gutom eh.. Baka ikaw..”sabi nya.

“Hindi, kakakain ko lang kasi”

“Ah, ganoon ba? Pao?”

“Hmmm?”

“Alam mo na ba?”

“Ang alin?”

“Pasensya kana kung hindi na kita masasamahang tumanda ah?”

“Ano k aba.. Wag kang magsalita ng ganyan, sabay tayong tatanda di ba?”

Tumulo ang luha niya, pinahiran ko naman ito ng kamay ko.

“Ehhh.. Iyakin parin ang asawa ko oh”sabi ko sa kanya..

“May liwanag ang buhay, Kim”sabi ko.

“Ah, MERALCO?” natawa naman kami, ..

“Di pa rin nagbabago, ang ganda pa rin ng mga ngiti mo”sabi ko.

“Binobola mo naman ako eh.. Gusto ko ng kumain, Hari ng buhay ko.. Gusto ko ng..”andami niyang sinabi..

“Sige, bibili lang ako, ok?”

“Bilisan mo ah”sabi niya.

“Yes, Master”sabi ko. Then, I pecked on her lips..

A Ghost?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon