Chapter 5

2 0 0
                                    

Kim’s POV

“Halos dalawang taon na rin mula ng tumakas ako sa bahay namin.” sabi ko.

Nakita ko naman yung reaskyon niya.

“Tumakas ako kasi, ayoko na sa bahay na yun.. Wala na kaming ama ni Setty, mula nung si Mommy ang nagmahala ng kompanya wala na siyang panahon para sa amin. Bata pa kami nun, sa aming dalawa ni Setty si Setty ang paborito niya. Hindi naman sa naiinggit ako, ok lang naman sa akin yun. Kasi nga, aminado akong magaling si Setty kesa sakin.. Mula noong nagkaroon ng branch sa Prague yung kompanya namin nalayo na yung koneksyon namin ni Mommy.. Si Setty, palagi niyang sinasama, ok lang naman sakin yun.. Kaya naisip ko na, hindi naman siguro mapapansin ni Mommy pagnawala ako.. Kaya, sinubukan kong magpakamatay.. Uminom ako ng high dosage na gamot, nadala ako sa hospital noon, pero hindi man lang umuwi si Mommy nasa Prague kasi sila ni Setty nun.. Si Setty lang yung umuwi.. Kaya ayun, naglayas nalang ako, at dito ako napunta..Maaring hindi rin paglalayas yung matatawag pero, yang bahay nay an, inipon ko yan mula doon sa lahat na binigay sakin ni Mommy, alam ni 

Setty ang lugar na ‘to kaya eto yung secret place namin..  Makalipas ang ilang buwan, sinabihan ko si Setty na sabihan nalang si Mommy na patay na ako.. Naaksidente, akalain mo yun, namiwala siya.. Hahaha”

Paolo’s POV

“… Akalain mo yun, naniwala siya.. Hahaha”sabi ni Kim.. Oo, tumatawa siya, pero ramdam kong sa bawat letra ng tawa niya ay ilang luha ang nahuhulog sa mapuputla niyang pisngi.. Hindi ko na napigilan na yakapin siya.

“Shhh.. Tahan na Kim”sabi ko. Hinawakan ko yung mukha niya, kahit na umiiyak na siya para siyang maamong koting? Konting, kitten.. Hahaha.. Tsss.. Paolo, hindi ngayon ang panahon para magjoke :D

“Pao, alam mo yun? Sana man lang hinanap niya ako.. Sana man lang” hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi nakatulog na siya.

“Kim, may aaminin ako sayo” sabi ko.

“… ”

“Gu-gusto kasi kita.. Hindi, Kim, siguro mali pero mahal na kita,”sabi ko. Ano ba yan.. Nagcoconfess ako sa babaeng tulog.. Nakakatorpe pala =______=

Kinarga ko nalang siya papunta sa kwarto niya.. Ang linis talaga, tapos napansin ko yung picture frame sa may maliit na mesa, sila ata ‘to ng pamilya niya. Hay!!! Ano ba yan? Naisip ko naman  na ipagluto siya, baka kako magutom siya tsaka gabi na rin kasi..

Kim’s POV

Narinig ko yung sinabi ni Pao.. Hindi ko inaasahang ganoon rin pala ang nararamdaman ng lalking mahal ko para sa akin. Pero, hindi ko kasi alam na pareho pala kami. Naisipan kong bumaba na, umuwi na ata kasi si Pao.. Pero, andoon pa pala siya nagluluto.. Kaya ayun, kinain nalang namin yung niluto niya..

“Ah, Kim.. Ano, ano kasi?” sabi niya tapos napakamot pa sa ulo niya..

“Hmmm?”

“Liligawan kita sa  gusto at gusto mo”sabi niya.. Ang cute, namumula siya..

“Ah, ganoon ba?”sabi ko. Napayuko naman siya.

“Kung, ganoon, sinasagot na kita”sabi ko.

“T-talaga?”

Tumango ako.

“Narinig ko yung sinabi mo kanina, ganoon din ako sa’yo Pao”

At yun nga.. September 7, 20** .. Official ng kami..

Pagkatapos, umuwi na siya. Dumating naman si Setty.

“Masaya ako para sa’yo, Kim”sabi niya.

“Myrtz.. Unang beses na ganito yung naramdaman ko, masarap palang mahalin”sabi ko.

A Ghost?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon