Chapter 7

2 0 0
                                    

Paolo’s POV

“… may sakit siyang leukemia”

Paulit-ulit na bumabalik sakin ang sinabi ni Setty. Sabi sakin ni Kim, Brain Tumor lang ang sakit niya.

“Pao, please, kumbinsihin mo siyang magpagamot..” huling sabi sakin ni  Setty bago siya umalis..

Naguguluhan ako.. Ano bang dapat kung gawin? Si Kim, ang babaeng mahal ko, may sakit at mamaring mamatay..

Napatakbo ako, oo, tinakbo ko ang bahay nila.. Hindi ko man naintindihan bakit niya tinago sa akin yung sakit niya pero, kailangan ko siyang kumbinsihing magpagamot, kailangan niyang mabuhay, di lang para sa akin kundi para sa sarili niya. Pagdating ko sa bahay niya, wala siya sa sala. Napatakbo ako papuntang kwarto niya, nakita ko siyang namumutla, kung dati maputla na siya, mas grabe yung ngayon, parang wala nan gang dugo na dumadaloy sa mukha niya eh.. Kaya, binuhat ko siya papunta sa bahay, kinuha ko yung kotse ko at dinala siya sa hospital..

“Ok na po siya Mr. Yu.. Mabuti na nga lang po at nadala niyo siya agad dito.. Ah, puntahan niyo nap o siya”sabi ng nurse sakin.

“Kamusta kana?”tanong ko sa kanya.

“Pao..”

“Shhh.. Wag kanang umiyak magiging ok rin ang lahat, ok?”

Tumango siya.

“Pao.. Natatakot akong magpagamot.”sabi niya.

“Wag kang matakot, andito lang ako, ok?”

“Hi-hindi mo ako iiwan?” tanong niya pa.

“Hindi. Pangako, andito lang ako.”sabi ko.

Matapos ang ilang araw, pinalabas na siya sa hospital.

A Ghost?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon