CHAPTER 4: BROKEN FAMILY

53 2 0
                                    

~4~ BROKEN FAMILY

"TRIALS are part of our life.. Some of those trials are passed on our LIFE for us to be a STRONGER PERSON.. Sometimes, we choose to KEEP our PAST because we want to FORGET all about this."

Tama.. Minsan mas pinipili natin na huwag ng balikan ang nakaraan kasi gusto natin itong kalimutan, yung mga pagsubok na ating pinagdaanan..

Pero..

Naisip mo ba, na 'PAST is part of our LIFE in our FUTURE..'

(A/N: Ang buong chapter po na ito ay POV lahat ni LJ..)

LJ's POV

Sabado ngayon, nandito ako sa kwarto ko. Nagmumuni-muni. Naalala ko ang sinabi ni Mon sa akin, kung bakit hindi ko nakikita ang Daddy ko.

*FLASHBACK*

7 years ago..

Grade 2 ako that time.. May event na gaganapin sa school namin.

" Mommy! Mommy! May family event po kami sa school next week. Kailangan daw po nandun ang buong family para po sa iba't-ibang games and activities. Tawagan mo na si Daddy ngayon! Please Mommy." Masayang sabi ko sa kanya.

Tiningnan muna ako ni Mommy. Bakit parang hindi siya masaya sa sinabi ko?

"Anak, may sasabihin sayo si Mommy, pero promise me, hindi ka magagalit kay mommy ha?" tanong sa akin ni Mommy.

"Anak, Mommy lied to you. Hindi totoo na..tayo ang tunay na family ni Daddy mo, your dad left us when you were still eleven months. When I was still carrying you on my womb, I found out na your dad has a family, before us. I was offended that time anak, dahil nagsinungaling ang Daddy mo sa akin. He told me before, nung bago palang kami magkakilala na.. He is a single man, at ako naman, naniwala agad sa daddy mo. Kaya ayan, ikaw yung nging bunga ng maling pagmamahalan namin na inakala kong tama. Alam ko sa ngayon, hindi mo pa naiintindihan ang lahat, pero.. darating din ang araw na maiintindihan mo rin ako." salaysay sa akin ni Mommy

Habang naaalala ko yung mga sinabi sa akin ni Mommy ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Hindi ko pa iyon maintindihan noon, pero ngayon, naiintindihan ko na,.. naiintindihan ko na lahat.

3 years later..

Bumalik ang Daddy ko to convince my mom na sumama ako sa kanya, syempre, hindi pumayag si Mommy at mas pinili niya na pasanin lahat ng responsibilidad sa pagpapalaki sa akin. Ipinagtabuyan niya si Daddy.

"Umalis ka na Eduardo! Hindi ka namin kailangan ng anak mo!" sigaw niya kay Daddy

"Sally, nakikiusap ako sayo, hayaan mo naman ako na makasama ang anak ko, palalakihin ko si LJ, pag-aaralin ko siya.." naluluhang pakiusap ni Daddy kay Mommy.

"Hindi. Hindi namin kailangan ang tulong mo! Lalo na ang pera mo, kaya kong palakihin at pag-aralin ang anak ko! Nang mag-isa! Nang wala ka!" matigas na sabi ni Mommy kay Daddy.

Wala nang nagawa si Daddy, nilapitan niya ako.

"LJ,anak, babalik si Daddy ha? Babalikan ka ni Daddy, pangako iyan sayo."lumuluhang sabi ni sa akin ni Daddy.

Tumango-tango ako. "Babalik ka Daddy ha? Babalikan mo ako ha? Promissh mo 'yan ha?"

"Oo,anak, babalik si Daddy."sabi niya sa akin sabay niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

***

Day, weeks,months and years had passed. 10 years old ako noong bumalik ang daddy ko. Oo. Binalikan niya ako, baon ang balitang ikinagulat ko galing sa kanya.

"Daddy! Daddy! Bumalik ka!" Masayang salubong ko kay Daddy.

"Oo, anak, bumalik ako para sa'yo." Nakangiting sagot niya "Pero gusto kong malaman mo na may bago kang kapatid, si Ayessa, may isang taon na siya." sabi ni Daddy sa akin.

Nagulat ako sa narinig ko, kahit 10 taon palng ako nung mga panahong iyon, nakakaintindi naman na ako.

"May kapatid na po ulit ako?" tanong ko kay Daddy.

'Oo, anak, at may asawa na rin ako." sabi niya ulit sa akin.

Mas ikinagulat ko pa iyon." anak, kinausap ko si Mommy mo, tinanong ko siya kung pwede kitang ipasyal sa Ocean Park kasama si Ayessa at tita Ofel mo, ang asawa ko, kaso hindi siya pumayag eh, kaya promise ko sa iyo, babalikan kita, babalikan ulit kita sa araw ng graduation mo..' sabi ni Daddy sa akin.

***

Dumating ang araw ng pagtatapos ko sa elementarya. Masyang-masaya ako dahil nangako siya sa akin.

....

Natapos ang graduation ko. Gabi na pero nasa labas pa rin ako ng bahay namin at hinihintay si Daddy.

***

THE DAY AFTER THE GRADUATION DAY

Kinabukasan ay nilagnat ako dahil nalamigan ako.

*tok*tok*tok*

"Anak, bangon na, kumain ka muna, kahit kaunti lang, pagkatapos, uminom ka ng gamot." paki usap sa akin ni Nanay Rosing, ang tiyahin ko na nagpalaki sa amin ni ate Rochelle. Siya na halos ang tumayong pangalawa naming ina, magmula nung pumunta sa ibang bansa si Mommy.

Inilapag ni Nanay Rosing ang pagkain at gamot ko sa tabi ng kama ko. niyakap ko siya ng mahigpit..

"Nay, bakit ganun,? Bakit nangako si Daddy sa akin? T-tapos, hindi niya tinupad? Sana... *sob* hindi n-nalang siya nangako, p-para *sob* hindi na ako umasa.. ang sakit lang Nanay.." Lumuluhang sabi ko kay Nanay Rosing habang nakayakappa rin sa kanya.

Hinagod-hagod niya ang likod ko. "Anak, may dahilan ang lahat.. may dahilan ang Daddy mo kung bakit hindi niya nagawang tuparin ang pangako niya, hindi ko alam kung ano iyon pero alam ko, merong dahilan.." pag-aalo sa akin ni Nanay Rosing.

*END OF THE FLASHBACK*    

Pagkatapos nang araw na iyon, naging iba na ako. Hindi na ako yung LJ na masayahin at palaging nakangiti. Simula noon, naging tahimik at seryoso na ako.

A/N: sorry kung ngaun lang ulit ako nakapag update! Masyado po kasi akong nag-enjoy sa long period vacation ko ehh.. (^^.) Next UD po ay scene na nila LJ at Kristoff :D excited na ako! :)) maganda po kasi ang next chapter! :)) LJ on the side nga po pala... 

LEAVE A COMMENT and CLICK VOTES! Thank you! *bow*

Thanks for reading this chapter! (hindi ko alam kung naisulat ko po siya ng maayos eh, sorry for wrong typos ansd grammar! :D)

richen08

Time Machine [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon