CHAPTER 9: AWKWARD

19 0 0
                                    

~9~ AWKWARD

COLEEN's POV

Isang linggo na mula nang mangyari yung sa cafeteria. Oo, nasaksihan ko iyon lahat. Masaya ako para kay Couz LJ, kasi natuto na siyang tumanggap. Dati kasi ay palagi niyang nire-reject ang mga nanliligaw sa kanya, pero hindi ko lang maintindihan sa sarili ko alam sa sarili ko kung bakit parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Nagsimula ito noong hinarana ni Dominic si LJ. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Noong tanggapin ni Couz LJ ang panliligaw ni Dominic ay gusto ko nang tumakbo dahil pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko anytime. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ganito yung nararamdaman ko? Masaya na ba talaga ako para kay Couz LJ? Pero bakit ganito?.. Nasasaktan ako? Mahal ko na si Dominic?.. Hindi. Hindi pwede, crush ko lang siya, paghanga lang yung dapat na maramdaman ko para sa kanya.

Naglalakad ako papunta sa park. Sabado ngayon. Gusto ko munang mapag-isa. Palabas na ako ng subdivision nang may tumigil na kotse sa harapan ko. Bumukas ang bintana ng driver's seat. Nakita ko si Dominic together with Couz LJ.

"Couz, tara sama ka sa amin, mall tayo." aya sa akin ni Couz Lj.

"H-hindi na, may pupuntahan pa kasi ako eh.." I tried to sound normally dahil ayokong mahalata ni Couz LJ na iniiwasan ko siya.

"Sure ka?" tanong naman sa akin ni Dominic.

"Oo, Sige, enjoy na lang kayo." sabi ko sa kanila.

"Sige. Ingat ka sa pupuntahan mo ha?" paalala sa akin ni Couz LJ.

"Sige kayo rin, diyan lang naman ako sa park malapit sa labas ng subdivision natin." sagot ko sa kanila.

Tumango-tango lang sila, at umalis na.

Nandito na ako sa park. Pinapanuod ko ang mga batang naglalaro rito. Biglang may babaeng nagsalita.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" sabi nung babae.

Tumingala ako para makita yung babaeng nagsalita, si Clarisse pala. Umupo siya da tabi ko.

"Ikaw pala 'yan Clarisse." sabi ko sa kanya.

CLARISSE POV (First time eh..)

[A/N: remember, si Clarisse? refer to chapter 1: FRIENDSHIP. :)]

Kasama ko ang pinsan kong si Alex. Nagpasama kasi siya sa akin dito sa park malapit sa isang subdivision. Tumigil ako sandali sa paglalakad dahil nakita ko si Coleen na may kinakausap sa may kotse na nasa harapan niya. Nakita ko na sila Dominic at LJ ang nasa loob noon.

Umalis na rin yung kotse at mukhang hindi sumama si Coleen. Dumiretso na siya sa park, pumunta na rin lami ni Alex doon.

"Alex, maglaro ka muna dito ha? Pero huwag kang lalayo." bilin ko sa kanya.

"Sige po, ate." sagot niya sa akin.

"Sige na, maglaro ka na do'n, dito lang ako." sabi ko sa kanya. Lumapit ako doon sa kinauupuan ni Coleen mukha yatang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya naramdaman na nakalapit na ako sa kanya.

"Mukang malalim ang iniisip mo ah?" tanong ko sa kanya habang tulala pa rin siya.

"Ikaw pala 'yan Clarisse." sagot niya sa akin.

"Oo, bakit ang lalim naman ata ng iniisip mo? Pasensya na ha? Pero nakita kita kanina na kausap sila Dominic at LJ." sabi ko sa kanya.

"Ah... ganun ba?" walang ganang sagot niya sa akin at narinig kong bumuntong hininga siya.

"Coleen, matanong ko lang, iniiwasan mo ba si LJ? Pansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na madalas na kayong magkasama ni LJ." curious na tanong ko sa kanya. Oo, hindi ko na sila madalas makasama pero madalas ko naman silang makita sa school dahil magkatabi lang naman ang room namin.

Time Machine [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon