CHAPTER 7: JEALOUS

26 0 0
                                    

~7~ JEALOUS..

"EXPECTING too much doesn't hurt.. ASSUMING does"

COLEEN's POV

Nakaupo ako sa isang bench. Nagbabasa ng libro dahil wala akong magawa.

"Coleen!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Omogosh! Its Dominic! >/////<

"Oh, Dominic, ikaw pala." kalmadong sabi ko sa kanya pero, ang totoo, kinikilig ako.

"Ah, Coleen, may ginagawa ka ba?" tanong niya sa akin.

"Wala naman, nagbabasa lang ako.Bakit, may kailangan ka ba?" sagot ko sa kanya.

"Pwede bang samahan mo akong kumain? Tara, may malapit na coffee shop diyan sa labas. Libre ko." aya niya sa akin.

Kyaaaaahhh! Kinikilig ako! Tama ba? Niyayaya niya akong kumain? Ako na! Ako na ang kinikilig! Kinagat ko ang dila ko para mapigilan ang kilig ko. (A/N: Sabi nila, 'pag sobrang kinikilig ka, kagatin mo ung dila mo para mapigilan ito :) )

"Okay. Sige." sagot ko sa kanya.

***

Kasakukuyan kaming umiinom ng kape ngayon. Um-order lang ako ng hot chocolate then ang kay Dominic naman ay ang capuccino coffee.

"Ah, Coleen, pwede bang magtanong?" panimula ni Dominic sa usapan namin.

"Oo naman. Go ahead." sagot ko sa kanya.

"Pwede bang malaman kung anong mga hilig ni LJ? Balak ko kasi siyang...

Balak ko kasi siyang ligawan.." sabi niya sa akin na parang nahihiya.

Nasamid ako sa sinabi niya kaya muntikan ko ng maibuga ang hot chocolate na nasa loob ng bibig ko. Mabuti nalang at nalunok ko agad ito.

"Ayos ka lang ba Coleen? Eto tubig oh" sabi niya sabay abot nung tubig. Agad ko naman itong ininom.

"Thanks." sagot ko sa kanya. "L-ligawan mo si Couz?" tanong kong nauutal sa kanya. I was still on the shocked dahil sa sinabi niya sa akin na may balak siyang ligawan si Couz LJ.

"Oo sana, kaya lang, wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya, kaya niyaya kita dito." sabi niya sa akin then he sip on his coffee.

BOOM !!! So, kaya pala niya lang pala ako niyaya dito ay para tanungin ako about Couz LJ? Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko. Pigilan mo iyan Coleen. Si LJ ang gusto niya, hindi ikaw.

Oo nga naman. Sabi nga nila, "EXPECTING too much doesn't hurt.. ASSUMING does" Totoo nga yung kasabihan na iyon. Nag-assume kasi ako ehh.. Ayan tuloy, eto napala ko.

"Simple lang naman si Couz LJ. Simple lang din naman ang mga hilig niya. Sa pagkain, mahilig siya sa mga maaalat then sweets like chocolate flavors at ayaw niya ng melon flavors. Sa mga bagay naman, hindi siya mahilig sa mga expensive things, she must prepare those thing na pinaghihirapan bago mo ibigay sa kanya." salaysay ko kay Dominic.

"Ah, ganun ba? How about her favourite color? Favourite flowers? Favourite song? Movies? Sports? Pasensya na kung matanong ako ha? Ikaw lang kasi ang alam kong kilala siya ng personal." tanong ulit niya sa akin.

"Ano ka ba? Okay lang iyon. Mahilig siya sa kulay violet-pink, basta yun yung favourite combined colors niya. Sa bulaklak naman, gusto niya ng lovander at rose, syempre yung kulay violet na rose, basta everthing's violet. Sa song naman, mahilig siya sa Love songs,then favourite niya ung kanta ng mga favourite niyang banda tulad ng MYMP, Silent Sanctuary, at Six Part Invention. Sa mga movies naman, mahilig siya sa mga comedy-drama then horror movies pero, alam mo ba, takot siya sa mga horror booths at ang pinaka hilig niyang panoorin ay mga Korean dramas like Inside My Heart, Jewel in the Palace, Queen Seon Deok, basta marami pang iba.. Sa sports? Hindi siya mahilig sa sports but she's playing badminton." Sagot ko sa tanong niya, pero sa totoo lang, gustong gusto ko ng umalis dito.

Time Machine [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon