CHAPTER 17: TRIP TO BATANGAS

11 0 0
                                    

[17] TRIP TO BATANGAS

"Learn on how to accept." learn on how to accept those such things. Sabi nga nila, NANGYARI NA EH. Tanggapin mo na lang, isa na lang iyong alala ng nakaraan na hindi mo na mababalikan..

4 days after..

LJ's POV

Sabado ngayon at birthday ni ate Cecile, pinsan ko, nagyaya siya na mag-outing kami sa Batangas together with our relatives. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng gamit ko.

*tok*tok*tok*

"Pasok"

"Couz, ready ka na ba?" si Cooleen habang nasa may pintuan.

"Oo. Tara na." sabi ko saka lumabas ng kwarto ko.

***

Nandito na kami sa NAIA Batangas. Maganda rito lalo na yung beach. Fresh na fresh ang hangin dito, at ang ganda pa ng view.

"Couz, ang ganda gabda dito! Fresh na fresh." sabi ni Coleen sa akin habang nalanghap pa ng sariwang hangin.

"Ate, LJ, ate Coleen, kakain na raw po, sabi nila ate Cecile"

Lumingon kami ni Couz, si Shon pala, 2nd couzin namin, pamagkin ni Ate Cecile.

"Sige, salamat Shon, susunod na kami." nakangiti kong sagot sa kanya.

Lumakad na kami ni Couz Coleen papunta sa cottage namin. Nakita namin na nagsisi-kainan na yung iba naming kamag-anak. Pagkatapos namin kumain ay nagkayayaang magpictur-an ang lahat, remembrance raw.

"Guys, let's take a picture, bilis, pwesto na kayo." sabi ni ate Jane.

Pumuwesto na kami. Tumabi ako kay Nanay Rosing.

*click*

"Ok, last shot, sasama naman ako sa inyo, ita-timer ko lang yung kamera." sabi ulit ni ate Jane.

*click*

Pagkatapos noon ay nagswimming na yung mga bata kong pinsan. Nandito ako ngayon sa cottage, pinapanuod ko silang lumangoy.

Time Machine [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon