Verse 48: Fix You

5.8K 121 9
                                    

Chord

Hindi pa rin ako makapaniwala na heto kami ngayon ni Max, magkasama muli. Wala pa nga akong masyadong effort na inilalabas para mapatunayan sa kanya na deserving ako sa pagmamahal niya, yet she's here.

Gusto ko siyang gisingin at sabihing narito nakami sa condo ko kaso ang himbing ng tulog niya sa passenger's seat ko, nakakakonsensyang manggising. Sobrang pagod na rin siguro dahil sa sobrang excitement sa bahay ng mga magulang ko kanina. I remember how astonished my mother was when she saw us at the door. Sa harap pa mismo ni Max, umiyak siya at yinakap ito na tila after so many years, bumalik na ang long lost daughter niya. Yung mga kapatid ko namang chismoso't chismosa, nakatulala sa pintuan na halos pasukan ng langaw ang bibig. Parang nakakita ng milagro. Si Chino ang nag-break ng scene na iyon nang tumakbo siya papunta kay Max at yinakap ito. Hindi na sila mapaghiwalay pagkatapos no'n.

Ang pinaka-nagbenefit talaga sa pagbisita ni Max ay yung kambal kong pamangkin. Unang beses nilang makakita ng ibang mukha maliban sa mga kapatid ko, sa banda at si Karen kaya sinamantala nila si Max. Pinaglaro ng Barbie, ng tea-party, ng dress-up. Sinasabi ko na nga kay Max na pumunta ng living room para makapagpahinga pero ang tigas ng ulo, ayaw lumayo sa mga pamangkin ko at nagkulong sa kwarto ng mga ito. Kaya no choice ako noong sumali ako sa laro nila. Hindi na ako umangal, tutal gusto ko namang makasama si Max.

I have never felt more content with my life. Isang beses nga nasabihan na ako ni Kuya Cris na under the saya. Wala akong pakialam. Kung saya naman ni Max, okay lang. At sa thought na iyon, biglang nag-shift ang pakiramdam ko. I suddenly felt... lustful.

Ipinatong ko ang ulo ko sa headrest at ipinikit ang mata ko, trying to control myself. Iyon ang state ko nang gumising si Max.

"Okay ka lang?" tanong niya, groggy ang boses.

"I'm fine," sagot ko, nakapikit pa rin.

Nakarinig ako ng movement at ang pag-click ng belt. Naamoy ko ang fresh scent ni Max noong lumapit siya sa akin at hinaplos yung noo ko. "Wala ka namang sakit."

"Hmm-hm." Hindi nakakatulong sa akin 'yung pagiging malapit niya.

"Tell me what's wrong," pagmamakaawa niya.

Doon ko lang binuksan ang mata ko na saktong tumama sa tingin niya. Nasaktan ako sa nakita ko-fear. Nasaktan dahil alam kong ako ang naglagay no'n doon. "I'm sorry," sabi ko agad. Nang makitang nagbabanta nang bumagsak ang luha niya, umayos ako ng upo. "'Wag kang umiyak. Hindi dahil sa'yo kung bakit ako ganito. Well, dahil nga sa'yo kasi..."

"Kasi?"

Shit. Pa'no ko ba ipapaliwanag ito without coming off as a pervert? "Nagkaroon lang ako ng thoughts."

"Thoughts?" she sounded scared. Natatakot sa mga iniisip ko.

"Alam mo 'yun. Boy thoughts."

"Hindi ko maintindihan."

I growled in frustration. "Sex."

Nanlaki yung mata niya. "Oh."

"With you," pahabol ko dahil hindi ako nakatiis. I love making her blush and fumble. Namulang parang kamatis ang mukha ni Max habang lumalayo siya sa akin at inaayos ang upo niya. Kinailangan ko pang pigilan ang namumuong ngiti sa labi ko dahil sa naging epekto ng mga sinabi ko sa kanya. Kaso nga lang kahit entertaining siyang panoorin, ayaw ko namang maging uneasy siya. "Pero 'wag kang mag-alala, I can wait. Kahit sa honeymoon na lang."

"Honeymoon?"

Tumango ako, yung seatbelt ko naman ang tinanggal ko. Lumapit ako sa kanya. I can see that she's a bit reluctant pero bumigay din nang pumikit siya nung idinampi ko ang kamay ko sa pisngi niya. "I plan on marrying you. Someday. Sinasabi ko lang ngayon para hindi ka magulat. Sa ngayon, we're taking things slow."

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon