Verse 19: It's My Life

7.3K 188 24
                                    

Max

Seriously, galit ako kay Chord.

Anong karapatan niyang makipagmatigasan kay Arthur at sabihing hindi ako pupunta sa Friday? Sino siya, tatay ko? This is so not cool.

"Namumuro na siya sa akin," sabi ko kay Iñigo habang nakapila kami sa canteen.

"Bakit? Ano bang ginawa niya?" tanong niya habang binabanat yung leeg niya para makita yung pagkain.

"Bakit ba natingkayad ka pa para tingnan yung ulam?" tinanong ko sabay hawak sa balikat niya para paayusin siya. "May menu naman."

Lumingon siya sa akin. "Para makita ko kung masarap tignan yung pagkain."

Hindi ko alam kung anong klaseng logic ang meron si Iñigo kaya hindi ko na lang iyon pinansin. Nanahimik na lang ako at nag-contemplate. Hindi ko kasi talaga gusto yung inasal ni Chord kanina. Para siyang overprotective father/brother/boyfriend. Pero pinili kong huwag nang pansinin yung huli. Baka magkaroon pa ako ng ideas. At ayokong puntahan ang lugar ng Daydream Land.

Ang iniisip ko lang naman ay parang kakaiba yung gesture na iyon. Parang hindi gagawin ni Chord. At bakit ba kasi ako isip nang isip sa ginawa niya kanina? Argh! Hindi ko kailangan nito ngayon!

"Well, kung hindi nga lang naman talaga si Maxyn Garcia," tumingon ako sa likod ko at nakita kong lumalapit si Hale sa direksyon ko. At ang boses niya, pagkalakas lakas. Nakikita kong lumilingon ang mga tao patungo sa direksyon namin para panoorin ang mga pangyayari. "The spotlight stealer."

Jusko, anong klaseng gulo naman ba ang gusto ng babaeng ito?

Kahit isang beses hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito. Siya naman ang gumulo sa performance hindi ba? I merely saved her butt.

Tumigil siya hanggang sa makarating siya sa harap ko. Naramdaman ko naman yung paghawak ni Iñigo sa braso ko.

"Mali ang ginawa mo, Maxyn. Iyon ay parte ko. Iyon ay kanta ko. At inagaw mo pareho sa akin. Ngayon nagpapakalunod ka sa fame na dapat ay sa akin."

Gosh, bakit siya sumisigaw? Bakit niya isinisigaw yung issue dito sa canteen?

"Hale, huwag nating pag-usapan ito dito." Hindi gaya niya, ayaw ko ng eksena.

Isang malaking scowl ang puminta sa mukha niya. "Narito na tayo, Maxyn. Alam na naman ng lahat yung ginawa mo. Akala mo magtatagal ka sa moment mo? Nagkakamali ka. Sinadya mong kunin yung role ko sa performance."

"Hale--"

Pinutol niya yung pagpapaliwanag ko noong sinara niya ang natitirang distansya sa pagitan namin at tiningnan ako ng mata sa mata. Mas may advantage ako kasi medyo mas matangkad ako sa kanya pero mukhang balewala sa kanya iyon. "Huwag mo nang subukang magpaliwanag sa kanila Max. Kasi mas papaniwalaan ako," sabi niya na para sa mga tenga ko lang ang mga salita niyang iyon. "Ako ang senior. At alam mo naman na mas superior kami sa inyong lahat. Malamang, kami yung mga malalapit nang sumikat. Mas maraming kumakapit sa tadyang namin. At ang tingin ng lahat sa inyong mga junior, lalo na sa iyo Max, is exactly that. Kumakapit sa tadyang ng Chaos Theory."

"Tapos ka na ba?" tinanong ko noong tumigil siya.

Ngumiti siya na parang satisfied na siya sa mga sinabi niya. Pero hindi na ako nanatili sa kinatatayuan ko para i-decode ang kahulugan ng ngiting iyon kasi nag-step na ako pakaliwa para wala na siya sa harap ko tapos naglakad na ako palayo. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang maraming nakiusyoso sa nangyari. Iniwas ko na lang yung tingin ko at idinerekta ito sa pinto.

"Saan ka pupunta?" Hinila si Iñigo yung kamay ko.

"Wala na akong gana," paliwanag ko.

Mula sa likod ko ay doon siya nagtungo sa harap. Tapos nilagay niya yung mga kamay niya sa pareho kong balikat. "'Wag kang maniwala sa mga sinabi ni Hale. Wala rin siyang karapatang magsalita ng ganoon sa harap mo. Oo, kanta niya ang ginamit pero hindi ba ikaw naman ang nag-ayos ng kanta niya? Oo, siya yung dapat na kakanta pero hindi ba ikaw naman yung pumalit sa kanya noong hindi siya sumipot? Sinabi ko iyon sa kanya--"

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon