Verse 20: To Be With You

8.4K 221 35
                                    

Chord

"Ano? Pwede bang pakiulit lang yung sinabi mo, Ate. May hindi ako naintindihan. Simulan mo naman doon sa parteng magpapasakal ka na. Bakit ka magpapasakal? Suicidal ka?"

Ewan ko ba kung anong sumapi kay Ate Charm at kailangan pa niyang ipatawag yung buong pamilya, pati sina Kuya Chad at Ate Jasmine na sa ibang bahay na nakatira, pinilit niyang mag-almusal dito sa bahay para lang ianunsyo na magpapakamatay na siya. Kung ako sa kanya, magpapakamatay ako in silence para hindi na namin siya pipigilan. Para mas madrama at instant. Kung gusto niya naman ng tulong pwedeng ako na lang ang kontsabahin niya, malugod ko siyang tutulungan.

"Chord, umayos ka nga. Sabi ko, magpapakasal na ako," paglilinaw niya.

"Oh."

'Di ko alam kung paano ako dapat mag-react kasi sa lamesa, wala pang nagre-react sa mga magulang maging sa mga kapatid ko. Parang katulad ko, hindi pa nila alam kung paano nila tatanggapin yung balita. Malamang, wala namang pinapakilala sa amin si Ate na boyfriend tapos ngayon magpapakasal na siya.

Tumingin ako sa kakambal niya. Baka may alam siya. Lumingon din naman siya sa direksyon ko at nilakihan niya yung mata niya na parang sinasabi niya na wala siyang kaalam-alam.

Si Kuya Cris ang unang nakapag-adjust sa aming lahat. Tumayo siya at inikot ang lamesa para tumapat kay Ate Charm. "Well, hell! Congratulations!" Tapos binalot niya si Ate Charm sa isang malaking yakap. "Buntis ka ba?"

"Loko, hindi 'no!" Nabura ang kaba sa mukha ni Ate. Pero saglit lang iyon kasi isa pa lang ang masaya sa desisyon niya. At hindi counted ang kay Kuya Cris kasi may sayad iyan.

"Mahal mo ba?" Lumingon kaming lahat papunta sa dulo ng lamesa noong narinig ang boses ni Tatay. Kahit si Tatay yung nagsalita, alam naming magkakapatid na ang sentiment ay galing sa kanilang dalawa ni Nanay, evidenced by their clasped hands.

"Opo, Tay. Mahal na mahal," sagot ni Ate. "At alam ko at ramdam ko na mahal niya rin ako."

Iyon lang ang sinabi niya at tapos na ang usapan.

Iyon ang hindi ko maintindihan. Simpleng tanong, simpleng sagot tapos tanggap na ng mga magulang ko na magpapakasal na si Ate. Hindi ko sila maintindihan. Ganoon lang ba talaga kasimple iyon?

Hindi naman sa hindi ako marunong magmahal. Mahal ko ang pamilya ko. Mahal ko ang banda ko. Pero ibang klaseng pagmamahal iyon. Ang hindi ko maintindihan ay ang romantic love. Para magmahal ka ng isang tao ng "higit pa sa buhay mo" at "gagawin mo ang lahat para sa kanya" iyon ang hindi ko maintindihan. Kasi kahit ako na nagkaroon na ng maraming girlfriend, ni minsan hindi ako nagkaroon ng urge na "gawin ang lahat para sa kanya" and all that stuff. Minahal ko rin naman sila. May certain thing sa personality nila na minahal ko. Yung kagandahan niya o yung kabaitan niya o yung katalinuhan niya o yung kakayanan niya na pasayahin ako. Certain things. Bits and pieces na nakakapuno sa mga bagay na wala ako. Hindi dahil sa buong pagkatao niya.

Baka iyon na rin ang dahilan kung bakit ni isa sa kanila, walang nag-stay.

"SA TINGIN MO mahal mo si Karen ng ganon?" tinanong ko ang nasa isip ko kay Jack noong nasa music room kami at naghahanda sa pagdating ni Max dahil may tugtog kami mamaya sa Ground Zero at kailangan naming mag-ensayo.

Hindi na pinag-isipan ni Jack ang sasagutin niya. "Oo naman. Apat na taon na kaming magkasama ni Karen. Sa tingin mo, hindi ko pa siya mahal ng todo?"

Minsan nang naikwento sa amin ni Karen ang naging relasyon nila ni Jack. Naging magkaklase sila noong high school. Hindi pa nga raw niya gusto si Jack dahil masyado raw childish mag-isip. Masyadong palabiro. Hindi nagseseryoso. Pero isa lang daw ang sineryoso ni Jack. Si Karen. At yung gabi daw ng graduation nila, habang nagkukuhanan ng litrato yung mga kaklase nila at yung iba nag-uuwian na ay sinagot din ni Karen si Jack. Akala niyo sweet? Eh kapag nakita niyong mag-away ang dalawang iyan akala niyo katapusan na ng mundo. Ito namang si Jack kapag nilayasan na siya ni Karen, halos maging suicidal na. Masyado lang ma-pride para siya ang unang humingi ng tawad. Pero sa huli siya rin ang susuko.

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon