Verse 11: Close To You

9.1K 202 20
                                    

Max

Nagmamadali akong lumayo ng piano room. Hindi ako makapaniwalang nag-confide ako kay Chord. At hindi lang tungkol kay Mama ang nasabi ko sa kanya. Kamuntik na rin yung tungkol sa-

"Huy!"

Napatalon ako noong ginulat ako ni Iñigo.

"Huwag mo akong gulatin ng ganyan! Akala ko kung anong nangyari eh," hinahaplos haplos ko ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At hindi dahil sa paggulat ni Iñigo.

Na-discover ko na lately, lagi na akong nakakaramdam ng paninikip sa dibdib na hindi ko naman nararamdaman dati. Mamamatay na kaya ako? Nako hindi pa pwede. Magiging Ambassador of Goodwill pa ako. Bawal pa akong mamatay. Baka tumataas lang ang cholesterol intake ko? Tama, baka iyon nga.

A look of concern crossed his features. "Okay ka na ba?"

Tumango ako. "Much better."

At totoo ang sinabi ko kay Iñigo. Kahit ilang minuto lang kaming tumugtog ni Chord, naiangat niya ang spirits ko.

Ang musika talaga ang nagiging refuge ko sa tuwing nalulungkot ako. Nakakatuwa kasi sa kahit anong mood mo, may katapat na musikang pwede mong patugtugin. Merong masaya, malungkot, galit, at kung anu-ano pa. Makikinig lang ako sa music, and I'll be fine afterwards. Pero may mga oras na hindi na talaga nakakatulong ang musika sa akin. Lalo na kapag may mga kaakibat na memories. Memories na nakadikit sa Mama ko.

Naaalala ko, na tila sariwa pa sa isip ko yung nag-iisang araw na iyon noong nakita ko ang disappointment sa mga mata niya...

And then there was Chord. Sa buong buhay ko wala akong hinayaang samahan ako kapag gusto kong mag-isa kahit nga si Daddy. Music has always been my solace. Pero kanina lang, nagsabi ako kay Chord ng mga bagay na hindi ko sinasabi sa ibang tao. Baka kasi hindi na kinaya ng music lang. Maybe this time gusto ko na ng makikinig sa akin. At ang sarap sa pakiramdam ng ginawa ko. Kahit wala pa sa kalahati ng katotohanan ang mga nasabi ko. May mga bagay talaga na kailangang manatiling sikreto.

YUNG MGA SUSUNOD na araw ay naging busy kami sa pag-aayos ng music na sinulat ni Hale. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi dahil sa ginagawa namin. Bilib talaga ako sa kung sino man ang nag-e-edit ng mga lyrics ng kanta ni Hale. Two thumbs up para sa kanya. Kahit isama ko pa yung mga hinlalaki ko sa paa, gagawin ko para lang maiparating na bilib na bilib ako roon.

Pero pasalamat na rin ako dahil may iba kaming ginagawa. Mas nakakapag-focus ako sa task at hand kesa sa pagkamatay ni Michael. Ni hindi ko na nga binubuksan ang TV dahil mas nalulungkot ako sa napapanood ko. Yung mga documentaries tungkol sa kanya, yung mga kinasangkutan niyang issue, pati biography niya nasa TV na rin. Bakit mas pinapahalagahan nila yung tao kapag patay na sila? Hindi ba pwedeng habang buhay pa, ginagawa na nila iyon? At least kapag ganoon, nakikita pa nung taong nawala yung ginagawa ng tao para sa kanya.

"Mukhang malalim ata ang iniisip natin ah," puna ni Chord na tumabi sa akin. Simula noong Thursday sa music room ganyan na siya. Maganda nang makitungo.

"Huh," lang ang sagot ko. Tsaka syempre binirahan ko na siya ng simangot. Pero katulad noong mga nakaraang araw, hindi na siya matinag. "Bibili lang ako," ang isinagot ko tapos lumabas ako ng music room at dumiretso ng canteen. May nakabuntot pa sa akin.

"Magmemerienda ka? Sabay na ako."

Bumili ako ng dalawang turon at umupo sa table namin. Wala na akong magagawa sa kasama ko kaya kailangan ko na lang maging patient sa kanya. Katulad lang dati. Kaya noong nakabili na siya ng pagkain niya at umupo sa tabi ko, pinilit kong pabagalin ang tibok ng puso ko. Patience lang.

The Sound of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon