Sound Trip
Katie's POV
"Heto na naman tayo"
Oo nga, hetong-heto na nga iyon. Ang kantang paulit-ulit kong pinapatugtog habang ramdam ko ang lakas ng mga patak ng ulan sa bintana ng kotse namin, at napaisip na naman siya. Hays! Kailan pa ba ako magiging masaya? Ikot-ikot na nalang ba ang kantang ipapatugtog ko ng paulit ulit? Baka sa sobrang ulit, baka maging kaboses ko na si Sarah G. Chaaar! Ang taas ng pangarap ko noh?! Eh kasi naman eh, siya yun! Isang magaling na 'singer' samantalang ako, isang feelingerang singer!
Minsan kasi di ko na rin maiwasan magpaka-senti. Siya lang naman kasi laman ng utak ko palagi kapag nakakarinig ako ng mga pang-senti na tugtog. Ang hirap isipin na hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko.
Yung tipong wala ka nang masingit na iba? Yung tipong kahit halos lahat ng lalaki sayo ang papangit? Kasi siya lang naman yung gwapo sa buhay mo? Ako kaya, sa tingin niya ba, ang ganda ganda ko? Yung may magpaparamdam sa'kin na espesyal ako? Nakakainis naman kasi yung mga ka-tropa ko eh.
Ang susuwerte nila sa mga relasyon nila. May nagpaparamdam sa kanila na sila lang talaga! Tapos kapag nagkatampuhan, susuyuin sila o di kaya'y makikiusap sa'kin. Eto na naman tayo, THIRD WHEEL!!
Nagsisimula na rin akong magpatugtog ng isa kong paboritong kanta, ang 'Gisingin Ang Puso' ni Liezel Garcia. Ang ganda naman kasi ng kanta niya eh. Yung napapaisip ka na gumising ka sa katotohanan.
Kahit minsan nga naman gustong-gusto mo nalang sukuan ang realidad sa mga bagay na ayaw mo mangyari.
Katulad nang maging chaperone ng mga kaibigan mo, mga kamag-anak mo, at lalong-lalo na sa mga kapatid mo. Hays!
Kahit na ayoko, sinusunod ko pa rin. Libre pakain, pamasyal, at biyahe. Tutal naman nasanay ako sa ganun, kaya normal na yun sa'kin. Normal na rin ang tignan ka ng mga tao. Nakatitig sila sa'yo samantalang pinakikisamahan mo mga 'lovers' na kasabay mo.
Oo mahirap maging third wheel. Kaya kung ako sa'yo, magpatugtog lang ako ng mga kanta, solve na.
*Nagsimulang magpatugtog ng Catch Me I'm Falling*
Isang di naman senti o masaya pero feel ko ang vibe diyan ni Toni Gonzaga na "How can something so wrong feels so right all along?" Teka teka... Napapasobra na ata ako sa letter 'G' na apilido ng mga singers hahaha. Back to the topic, oo nga naman.
Kahit mali ang ginawa mong desisyon o mali ang taong napili mong mahalin kapag nasa posisyon ka ng panaginip akala mong tama 'yon pero dahil nasa katotohanan ka, maling-mali ito.
Hindi naman masama ang umibig. Dalawa lang ang klase diyan sa pag-ibig na yan. Ang isa ay yung "the right person in a wrong situation" at ang isa ay ang "the wrong person in a right situation".
Kung ako papipiliin mo, "the right person in a wrong situation" kasi kung tama naman ang taong pinili mo at kung mahal ka talaga niya ng totoo, gagawin niya lahat para sa'yo. Kaya kung ano mang baluktot na sitwasyon ang nangyayari, kaya niyang ayusin ito at ito ang true essence ng pag-ibig.
Pero wala naman akong alam sa mga pagmamahal na yan. Di ko pa naman nai-experience yan eh. Oo nararamdaman ko sa iisang tao pero di pa ako nakakaranas na magkaron ng Mahal ko at Mahal ako.
*Nagpatugtog ng Mahal ko o Mahal ako*
Umaasenso na ako, letter T naman ang apilido. Kanta kasi ni KZ Tandingan yan. Ikaw sa tingin mo ano mas pipiliin mo, yung MAHAL MO o MAHAL KA?
*Flashback*
(Text)
Me: Bakit ganun? Bakit ang hirap? HAHAHA
Siya: Ang alin?
Me: Yung tipong hindi mo naman alam pero ang sakit
Siya: Ano bang nararamdaman mo?
Me: Wala naman ang gulo lang sobra
Siya: Ano ba kasi yun?
Me: Yung tipong gusto mo maayos lang lahat pero kung iisipin parang lumalala akala ko kasi okay na pero hindi pala, ang hirap pigilan, lalo na yung damdamin.
Siya: Siguro nga mahihirapan ka pero pasensya na wala akong mai-aadvice sayo kasi mukhang ako yata yan.
Me: Ha?
Siya: Ahh wala
Me: Pero kung ganun ba? Paano nalang?
-------------------------------------------------
PASENSYA NA GUYS MEDYO MAGULO 'TONG CONVERSATION PERO PROMISE KO SA INYO MAIINTINDIHAN NIYO DIN, SPREAD THE LOVE!
*SENDING MY LOVE FOR ALL OF YOU*
MWA XOXO
BINABASA MO ANG
Resigning As Third Wheel
Teen FictionKasiyahan? Ang babaw ng salita pero ang hirap makuha. Yan ang tanging kinabaliwan ni Katie. Lungkot? Pag-asa? Takot? Yan ang laging nararamdaman niya kapag malapit na siyang magpahinga. Hindi yung mamamatay na, kundi ang magpahinga muna sa kakaisip...