Dreams
We all have dreams, grabe nakakatakot nga eh minsan kasi nangangarap nalang tayo hanggang sa mga panaginip nalang, nangangarap tayo na sana the person that we love the most loves us back too, but that's life you just have to work hard on it, aim your best goal and achieve it. There are hard times and there are good times, Katie had a hard time knowing what she wants because she doesn't know if what she wants would reject her or not.
*Clock alarming*
"AAAH.. AAAH.. AAAAAAAH"
*Gets up quickly*
"Woah ano na naman ba 'to Katie? Stop thinking of him na. Just move on and let him be, wala din namang patutunguhan 'tong ginagawa mo" Sabi ko sa sarili ko.
*Sobs*
*Knocks on the Door*
"Anak, Katie? Are you okay? Sabi ng mga barkada mo you were drunk last night, is it true?" Ang pagtataka ng aking munting mudra.
"Uhm mom, I uh, i'll just go downstairs just give me a minute" Nako talaga grabe ako magpalusot kaya nag-ayos ayos ako.
"Okay anak, I made you coffee" kaya bumaba si mommy at nagprepare ng aking kakainin at nagdesisyon akong ayusin ang aking kama pagkatapos ang aming usapan.
*Fixes bed*
----After a few minutes----
*Message vibrates*
*Checks her phone*
"Nako bes knight and shining armor mo pala si Joaqs ha, good for you" Ang text sa'kin ni Martha nang aking pinagtataka na wala naman akong kasiguraduhan kung ano yun nang biglang may nagpakita pa ng isang mensahe na wala akong kaalam alam kung sino iyon. Kaya't minadali kong i-check ang message at napabuntong hininga ako nang mabasa ko 'yon.
*Checks another message*
"Kates, usap tayo later" -Joaqs
*Screams*
"OH.. MY... GEEZ!!! IT'S TRUE, IT'S YOU, OH MY!! ITS JOAQUIN!!"
Hindi kinaya ng powers ko nang makita ko na galing kay Joaquin yon, hindi ako makapaniwala na galing sa love ko iyong nabasa ko at malinaw na malinaw sa aking dalawang mata na galing talaga iyon sa kanya!
"What would I do Katie? Think just think of something to do, please just think"
*Typing*
"Where?"
*Sent*
Jusko si Joaquin ba talaga yon? O nananaginip lang ako? Nanaginip ba ako? Is this the reality o umaasa na naman ako sa isang taong minamahal ko ng sobra? Di ko alam kung ano irereact ko, sabi nila act normal as a lady pero bakit di ko magawa? Bakit ako pa 'tong babaeng habol ng habol at mukhang maliligawan ko?
Maraming tanong na dumadapo sa aking isipan pero ang alam ko lang, I want him, so badly. I don't know kung tama ba 'to, isang simpleng text lang galing sa lalaking 'to grabe na agad ang effect sa'kin, parang feeling ko nagkaron na ng agreement ang langit at lupa. Ito nanaman ako si piling, pilingera na nga, assumera pa.
Pero wala naman masama diba? Tutal naman siya unang nagparamdam sa'kin, siya ang unang nagpahiwatig. Panindigan niya nalang kung ganon! Habang may oras pa susulitin ko na kasi kausap ko siya. Haaaaay!
***************
Tila na parang kinain ako ng katahimikan, nakakabinging tahimik, unexpected thoughts na tumatakbo sa utak ko and I don't know why.
Sa sobrang tahimik tila ba'y may narinig akong nagsasalita na parang binibigkas niya ito para sa'kin, di ko alam kung bakit pero parang nagpapahiwatig
"Hali ka dito, you'll be safe here" Ayan lamang ang mga narinig kong salita na dumapo sa aking isipan nang..
"Huy Katie! Okay ka lang ba? Masyado ka yata napapunta sa Cloud 9, nakakatakot baka masyado kang nalasing kagabi, naubos lahat ng sama ng loob at ngayon may kaunting ngiti sa iyong mga mata na di mawari kung ano iyon. Lutang ka ba?" Biglang napaayos ako na bumalik sa aking katinuan dahil sa lakas ng pagkasabi nito.
Si Martha ang nagsabi ng mga iyan sa akin, siya ang masasabi kong 'TWINNY' sa aking buhay, siya ang nakakaintindi ng mga kakornihan ko, mga cliche na iniisip ko pag nagiging romantic sa isang tao at higit sa lahat, siya yung tipo nang babae na kahit anong away nila ng boyfriend niya, strong pa din siya. Oo malakas talaga loob niya palagi. Sobra. Minsan nakakainis kasi ang martyr niya pero ano pa ba ang magagawa ko, parehas lang kami. At oo, may jowa siya. Ako na! Ako na yung single! Basta nandito lang ako para sa kanya.
Malakas ang hiyaw at halakhak ng mga ito na ngayon ko lang naisip na nagsipasok sila sa loob ng aking bahay sina, Martha, Charm, Cath, Lizelle, at Mylene.
"Ano ba naman kayo, ni hindi niyo naman agad sinabi na nandito na pala kayo, di man lang ako na-inform ha, nakakahiya naman sa may-ari" Aniya ko.
Muli ulit silang tumawa nang biglang may nagsalita na isa sa kanila
"Eh sino ba naman 'tong palutang lutang ang isip habang pinapasok kami ni Tita Mariell sa loob? Kanina ka pa namin pinapansin pero--"
"Pero dahil sa pagdadaydream ko/mo wala na akong naririnig na iba kung hindi ang mga salitang halika na" Sabay sabay kaming nagsalita ng mga salitang lagi kong sinasabi.
Sabay sabay kaming humalakhak nang inaya kami ni Mommy na kumain na ng almusal tutal walang pasok dahil pista sa aming siyudad.
Kahit minsan hindi ko maintindihan kung literal na panaginip ba ang laging dumadapo sa isip ko, daydream, imagination, o deja vu na ika nga na sinasabi nila. Maaaring totoo, maaaring hindi. Pero kung totoo man, sana kasama ko na ang Knight and Shining Armor ko na si Joaquin
---------------------------
Sorry kung matagal di nakapag-update, marami lang dumadapo sa aking isipan pero maaasahan niyong magiging updated na ang ate niyo hihihi
*Sending my love for ya'll*
BINABASA MO ANG
Resigning As Third Wheel
Ficção AdolescenteKasiyahan? Ang babaw ng salita pero ang hirap makuha. Yan ang tanging kinabaliwan ni Katie. Lungkot? Pag-asa? Takot? Yan ang laging nararamdaman niya kapag malapit na siyang magpahinga. Hindi yung mamamatay na, kundi ang magpahinga muna sa kakaisip...