Pillow Talk
Katie's POV
"Uy Nania, nandiyan ka na pala, halika pasok ka muna" aking pangingimbita habang papasok naman ito sa loob.
"Happy Fiesta Katie" aniya habang nakangiti sa'kin
"Happy Fiesta rin Nia" ang sagot ko habang hindi naman ganoon ka-ganda ang ngiti ko
"Kumusta ka na? Hindi na tayo nakakapag-usap nung orientation week eh" Aniya.
"Oo nga eh, ang dami nang nangyari bakasyon pa lang. Ikaw kumusta ka na?" pagtatanong ko.
"Okay naman ako Tie, tsaka wag kang mag-aalala, okay rin kami, syempre kilala mo naman kung sino yun diba? Hahaha" ang kanyang pagkukuwento na nagpapaalala sa'kin ng bagay kung bakit ko siya tinawag at pinapunta dito.
Bigla akong napatahimik at buti nalang may salita lumabas sa aking bibig, ang paanyaya kay Nania pumunta sa kwarto ko.
"Pwede ka bang sumama sa'kin sa kwarto ko? May kailangan kang malaman" ang pagyaya ko, na malapit nang pumatak ang aking mga luha.
Finally! Nasabi ko na rin. Masyado na akong kabado.
Habang paakyat kami sa taas nauuna ako at sumunod naman nito si Nania, hindi ko maiwasan umiyak.
Nang pagkapasok at pagkapasok ko ng kwarto, umupo ako sa isang sulok ng kama ko at humagulgol.
Agad naman akong nilapitan ni Nania at niyakap.
"Bakit? Katie may problema ba?" pagtataka niyang tinanong sa'kin na nagpahagulgol sa'kin lalo, bakit ba? Ang sakit kaya
Hindi ako nakapagsalita sa mga ilang minuto na iyon. Wala akong masabi eh. Hindi ko alam kung paano ko simulan. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin. Ang alam ko lang ang sakit sakit na, sobrang sakit. Ang sikip sa dibdib.
Buti nalang nandoon pa din si Nania, hindi siya tumigil sa pagpapatahan sa'kin, nakayakap lang siya, hinihimas ang likod ko.
Nakakahiya naman pinatawag ko si Nania para iyakan nang iyakan. Kailangan ko nang magsalita, kailangan ko nang may pagsasabihan ng lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Nania?" Ang pangalang lumabas lang sa bibig ko habang kapos ka dahil sa pag hagulgol
"Yes?" agad naman ito sumagot
"Bakit ganun ka-sakit? Bakit hanggang ngayon ang sakit sakit pa din. Pinipilit ko naman maging masaya, kinakalimutan ko naman siya, pero bakit ang hirap?" finally, nasabi ko na.
"Katie, wag mo masyadong ikulong ang sarili mo sa atmosphere na alam mong ikaw lang nandun, mahirap kasi ang one sided love, ikaw 'tong kumakapit, at siya 'tong baliwala lang. Alam ko hanggang ngayon mahal mo pa siya, nakikita ko sa mga mata mo yan. Pero tanggapin mo na wala na talagang pag-asa kung meron man, well, you deserve all the happiness."
BINABASA MO ANG
Resigning As Third Wheel
Teen FictionKasiyahan? Ang babaw ng salita pero ang hirap makuha. Yan ang tanging kinabaliwan ni Katie. Lungkot? Pag-asa? Takot? Yan ang laging nararamdaman niya kapag malapit na siyang magpahinga. Hindi yung mamamatay na, kundi ang magpahinga muna sa kakaisip...