Meet Up
Katie's POV
"Kates, usap tayo later" -Joaquin
"Where?"
Habang hinihintay ko ang pag message ni Joaquin, sabay sabay kami ng mga kaibigan kong kumain ng breakfast, may mga kamustahan, chikahan, at lastly nagpaalam na rin sila sa'kin dahil meron pa silang pupuntahang party dahil pista ngayon ng aming siyudad.
"Ang tagal naman mag-reply!" Inis kong pagsabi dahil sa inip ng pag reply ni Joaquin
Nang nagdesisyon na akong maligo at magbihis, nagtoothbrush na rin ako at nag-ayos ng buhok, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero feeling ko tatawag si Joaquin at magkikita kami sa labas, nang ma-check ko ang phone ko, marami na pala akong missed calls galing kay Joaquin kaya naisip kong tawagan siya sa phone.
"Hello Joaquin?"
"Hi Kates, meet tayo sa Starbucks Alabang if okay lang sa'yo?"
"Oo naman. See you!"
Dali-dali kong binaba ang aking phone para makapag-ayos ng gamit ko at umalis. Nagpahatid ako sa aking driver papunta sa lugar kung saan kami magmemeet.
Hindi ko alam pero labis ang kaba sa aking dibdib, hindi ko alam kung ano ba 'tong balak o kailangan sabihin ni Joaquin sa akin, sobra akong kinakabahan at wala akong confidence para harapin siya ngunit ayoko naman na hindi sumipot sa effort niyang makipag-meet up sa 'kin.
Habang nasa biyahe ako, hindi ko magawang hindi isipin kung ano ba ang kailangan kong sabihin kaya nagpra-practice ako para sa speech na sasabihin ko.
"Joaqs, ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan?"
"Nakamove-on na ako kahit di tayo naging mag-on!"
"Bakit ako pa? Madami pa naman diyang iba, bakit ako?"
"Is it me? or is it you? It's not you, it's me?"
"Kung irereject mo ako sa--"
BINABASA MO ANG
Resigning As Third Wheel
Dla nastolatkówKasiyahan? Ang babaw ng salita pero ang hirap makuha. Yan ang tanging kinabaliwan ni Katie. Lungkot? Pag-asa? Takot? Yan ang laging nararamdaman niya kapag malapit na siyang magpahinga. Hindi yung mamamatay na, kundi ang magpahinga muna sa kakaisip...