Halos nakabibinging pagtunog ng mga takong ng sapatos ang malayang naririnig sa malawak na bulwagan ng Counsil. Lahat ng miyembro ay magkakasabay na umupo sa mataas at paikot na sari sariling upuan.
Samantalang naka upo at tahimik lang si Twillight sa gitna. Pino ang kanyang pagkilos at halos piliin niyang hindi narin huminga. Dahil sa mabigat at tensiyonadong hangin ang malayang nilalanghap ng lahat.
Mula sa kanyang kinaroroonan ay talaga namang nakikita at nasusubaybayan ang bawat galaw niya. Kaya naman mas pinili nalang niyang wag ng gumalaw pa.
"Sunod-sunod na ang pag patay. Kumikilos na sila at walang nakaka alam kung ano o sino ang motibo nila. Walang alam ang mga hunters sa baba. At patuloy na ang pag atake." Malumanay na sabi ni Gregor isang miyembro ng Cousil.
"Ipinatawag ka namin, Twillight upang imbestigahan ang mga nangyayari." Sabi naman ni Melestina ang punong mahistrado.
"Wala ho ako sa posisyon upang gawin ang bagay na iyan." Puno ng paggalang niyang pagtutol. Tama nga naman, wala siya sa posiyon. Ang ipinag tataka lang ni Twillight ay kung bakit pa siya kailangang ipatawag. Gayun man ay aasahan niya na mga propesyunal lang ang gagawa niyon.
"Meron. Nasa tama kang posisyon. Dahil ikaw ang napili, namin." Anang ng matandang, si Fobrellion. Na nuon pa man ay matagal ng kasapi ng instutusyon.
"Ikaw lang ang tanging makakagawa niyon. At wala ng iba pa." Dagdag pa niya.
Wala ng oras pa para tumanggi. Dahil pakiramdam niya ay sinang ayunan iyon ng konseho. Wala na sa sariling napa tango si Twillight. Ayaw niyang tanggihan ang ibinibigay na trabaho ng Counsil. Marami na ang karanasan niya pagdating sa Counsil, subalit hindi pa niya naranasang tumanggi dito. Dahil iisa lang ang pwedeng gawin mo. Ang um-oo.
"Sa ika apat ng gabi ng Disyembre ay ihahatid ka ni Rafael sa Turyunnia. At duon mo iimbestigahan ang pagkawala ng mga tao sa lungsod."
Patuloy ng matanda. Hindi agad maka sagot si Twillight dahil sa bigla. Siya pupunta sa Roma? Sa tagong lungsod ng Turyunnia?
"Ipagumanhin niyo po, pero sino ho ang makakasama ko?" Aba'y hindi pwede na siya lang mag isa ang pupunta! Rome yun! Hindi niya kabisado ang pasikot sikot na lugar duon.
"Hindi ba't eksperto kana? Kung kayat hindi mona kailangan pa ng kung sino man." Sibat ni Gob ang ikatlong punong pinuno ng Norte. Kilalang masungit, disiplinado at strikto ito kung gampanan ang kanyang tungkulin.
PADABOG na ibinagsak ni Twillight ang bag sa gilid ng kama. Kagagaling lang niya sa eskwelahan, at kahit pa naman duon ay inaabot siya ng kamalasan? Nakatutok lang ang atensiyon niya sa pag iisip sa kung ano at paano ang gagawin niya pagdating sa Turyunnia.
At biglaang nagpa surprise quiz ang isa sa mga professor niya. At ang resulta ng pagigiling lutang niya ay wala siyang nasulat sa kaniyang papel ni isa. Katakot takot sigurong sermon ang maririnig niya, kapag nakarating iyon kay Tita Silva niya.
"Bwisit na buhay, oh." Baka bumagsak siya sa subject na iyon. At paano naman siya pupunta sa Turyunnia? Sino ang makakasama niya?
YOU ARE READING
IMMORTALS [Under Revision]
Mystery / ThrillerS Y P N O S I S: Twillight is just a simple rank of supernatural hunter. She live with low profile. Not to meddle with others that involves rage and injustices when it comes to ranking. One day she accepted a mission not knowing it would change her...