Uno

365 20 4
                                    

THIRD PERSON'S

Naisilang ang isang malusog na batang babae. Sa isang masukal at magubat na daan. Hindi na malaman ng kanyang ina at ama kung ano ang gagawin. Dahil kung sa sandaling matunton sila ng kalaban ay tiyak ng katapusan na nila.





Umiiyak ang bata, kasabay nito ay ang na ambon. Natataranta na ang kanyang mga magulang. Sapagkat papalapit na ang mga yabag sa kanilang kinaroroonan.





Tataranta na baka sila ay natunton na. Inilapag ng kanyang ama ang bata saka ito binalutan ng itim na lampin. Mababakas pa sa nanay ng bata ang mumunting butil ng luha.






"Bilang anak ko ika'y ganap kong binabas basan bilang tagapag mana ng aking trono." Ngunit isang malalim na tinig ang inihip ng hangin. Tinig na sa pagitan ng iyak at pagdurusa.





Bakas ang pangamba sa kanilang mga mata. Mula sa dikalayuan na punong kahoy ay inilapag nila ang batang babae sa lupa. Na kahit hindi masyadong natatakpan ng mga dahon, ay nananatiling naka tago parin.







Matapos nilang mailapag. Isang nakabibinging pag alulong ng isang hayop ang narinig. Kasabay nito ang dagundong ng nakabibinging pagkidlat sa kalangitan. Matapos nun ay isang hayop ang biglang dumungaw sa batang babae.







Mula sa kanyang nakakapangilabot na matutulis na ngipin. Dumadausdos mula duon ang pulang likido. Ang mga mata ay kulay amarillo na halos naka tunghay na saiyong kaluluwa. At kasalabay nun ay ang biglang pag dakma sa bata...








NAGISING si Twillight mula sa isang masamang bangungot. Bangungot na hindi niya maintindihan. Bakit kaya siya nakaranas ng ganuong panaginip sapagkat hindi naman siya nanood ng horror films.






Kadalasan, pagnanonood siyan ng mga horror films ay inaasahan na niyang babangungutin na siya. Oh di naman kaya ay mag ha-hallucinate na siya ng mga karakter sa pelikulang pinanood niya. Kaya kung maaari ay iniiwasan nya ang manuod ng ganuong klaseng mga pelikula.






Sinilip niya ang wall clock na nakadikit malapit sa balkonahe. Its already 4:00 in the morning. Ayaw na niyang matulog. Dahil pag natulog pa siya baka maulit na naman ang bangungot nya.










Lumabas na siya sa kanyang silid. Tinungo nya ang kitchen. Nag hanap ng green tea bags. Ayaw niya ang nagkakape dahil ayaw niya sa lasa nito. Nagsalin siya ng mainit na tubig na madalas na ini istock sa teapot nya. Pinapakuluan nalang para magamit uli ay tubig. Matapos maisalin inilagay na rin niya ang isang bag ng green tea sa mug at binuhusan ng mainit na tubig.







Kumuha siya ng silya at hinila iyon papuntang balkonahe. Umupo siya at saka pinag masdan ang kalangitan. Makulimlim pero pilit na sumisingit ang malaking buwan. Isa na namang sa malamig na buwan ng Octubre. Kapag ganito ang buwan sa kaniyang schedule at namamasyal lang siya. Ayaw nya ng nasa bahay lang. Pakiramdam niya'y talagang nag iisa lang siya.








Totong nag iisa lang siya sa bahay niya. At wala siyang pake alam duon. Sanay na siya, matagal na. Ang alam niya ay wala siyang mga magulang, na isang inabandona na pagkasilang palamang.









Lumaki siya na ang Nana Silva niya ang nagpalaki. Sinabi ni Nana Silva na tiyahin daw niya ito dahil kapatin ni Nana Silva ang kanyang ina. Ilang ulit na rin niyang tinatanong ito kung nasaan ang kanyang Ama at Ina. Pero puro, "Hindi ko alam" o hindi nmn kaya ay iniiba niya ang usapan.





Matagal nang tanggap ni Twillight na hindi niya naririnig, nakakausap at nakikita ang kanyang mga magulang. Isa ring sakripisyo iyon para sakanya. Naranasan na niya ang matukso patungkol sa mga magulang niya. Pero isinasawalang kibo lang niya ang mga ito.








Tumayo na si Twillight mula sa pagkakaupo. Pasado alas singko na ng umaga (5:00 a.m.) Tinignan nya kung may stock pa sya ng food. At nang makitang wala na nga.










Lumabas na siya sa kanyang bahay. Nagtungo siya sa malapit na convenience store. Bumili ng dalawang cup noodles at isang litrong coke. Nang makapag bayad ay lumabas na siya sa convenience store








Malapit na siya sa gate ng bahay niya ng makarinig siya ng kaluskos mula sa likod. Naging alerto naman agad siya. At kung isang nagwawalang engkanto ang makasagupa niya ngayon ay may dagger siya sa may hita at madali lang iyong hugutin. Lumingon siya, and she saw two men standing beside her. They are both wearing black cloaks.








"Twillight Archeletta, gusto ng Counsil na maka usap ka." Pagkasabi ng matangkad na lalaki kay Twillight ay umisang hakbang ito. Agad namang umatras si Twillight. Kinalkula kung paano siya makakatakas.







'Ano ang sadya ng Counsil para ipatawag ako' anang ng isip nya. Pero hindi ngayon. Alam ni Patrick na hindi ako pwedeng ipatawag.









Pipihit na sana patalikod si Twillight ng may maramdan siyang kakaiba. Iginalaw nya ang kang yang kamay pero ayaw gumalaw nun. Hindi na siya makagalaw!










"Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka samin." Mahina pero mariing utos ng masmaliit na lalaki. Alam na ni Twillight na lalaki ang dalawa. Sapagkat malalalim ang boses kumpara sa mga babae.








Kapagkuwan ay ngisi lang ang naibigay na sagot ni Twillight. Mahirap na kung lalaban pa siya. Sinipat nya ang kanyang relo. Pero tulad nga ng inaasahan ay hindi gumagalaw ang mga kamay ng kanyang relo.









'Great! Fucking time manipulation!' Anang ng isip niya










At alam nya na kagagawan iyon ng mga nasa harapan nya. Iyon lang mechanics ng laro ng Counsil. Para walang makakita sa kanila o makaalam na nag-e-exist ang mga kagaya nila.











Ikinumpas ng mas matangkad na lalaki ang kamay nito upang makalikaha ng hugis bilog sa ere. At lumikha iyon ng liwanag, at sa kabila ng liwanag ay isang nag mimistulang kaharian tulad ng mga sa librong pambata. Pero sa kaharian sa kabila ng salamin ay madilim na at sumisip na ang napakalaking buwan.









Hinawakan siya sa braso ng mas maliit. Samatala ang mas malaki namang lalaki ay tumawid na sa salamin.










Hindi na siya nagsalita pa. Dahil kung pipilitin man niya ay alam niyang mas kakailanganin ng pwersahang pamamaraan ang pagpapatahimik sakanya ng dalawang lalaki.












Habang papasok sa naglalakihang tarangkahan ng kaharian. Ay pilitin man niyang hindi isipin ngunit talagang sumasagi parin sa isip niya ang mga nangyari. Nanatili nalang siyang tahimik at malayang nagpatangay sa mga lalaking naka itim.











* * *

- ℌ𝔞𝔦𝔩 𝔅𝔩𝔞𝔠𝔨

Amarillo - spanish color name for Yellow.

IMMORTALS  [Under Revision]Where stories live. Discover now