HPB #5

1.3K 58 11
                                    

Apartment 302.
Fone's Ringing

*kring kring kring

"Hello?"

"Anak? Kamusta ka dyan ha? Bakit mo ba naisipang bumalik ng Pilipinas?"

"Mom, wag na natin pag usapan to ok?"

"Koharu-"

"Mom, ibababa ko na ha?"

"Haru, Anak!"

"Bye mom"

End of call.

~~~

Haru's POV

Last month lang ako nakabalik dito sa Pilipinas. Almost 13 years din, kung ako lang, ayoko na sanang bumalik dito, pero kailangan. Akala ko magiging maayos ang lahat pero nung nakaraang araw lang ay napa away ako para sa isang babae. Hindi ko naman gustong magsinungaling tungkol sa pangalan ko, pero ewan ko ba.Hays, mukhang umpisa na ng kalbaryo ko to.

Though that girl is pretty, pero yung Kyo na lumapit sakin, parang nakita ko na sya pero diko lang alam kung san.

*Dean's office

"This is a rare case, pero naiintindihan ko ang kagustuhan mo na wag na itong ipaalam sa iba."

"Thank you sir, besides, matagal nanaman pong napalitan ang pangalan ko, yung mommy ko na lang ang tumatawag sakin ng dati kong pangalan"

"Koharu Kamesaki to Arharu Cruz, parang narinig ko na yang Kamesaki na apelido pero-"

"Ahh sir, ok napo ang papers ko diba? Pwede napo ba akong umalis? May klase pa po ako"

"Ahh oo sige. Makakaalis kana" Sadyang pinutol ni Haru ang usapan, wala pa naman syang klase pero ayaw na nyang pag usapan ang nakaraan.

Naka headset sya ng lumabas sa Dean's Office. Maraming estudyante ang napapa tingin kay Haru at wala naman syang pakialam. Patuloy sya sa paglalakad ng napansin nya ang umpukan ng mga babae.

"Girl! Lumabas na yung bagong mag ni Kyo."

"Oo nga! Nagbibigay sila ng 50 free copies"

Habang papalapit sya ay may nag bigay sakanya ng magazine.

"Oh girl, sayo na yan.!"

"Hoy! Hindi ako babae!" Sigaw ni Haru pero hindi na sya narinig nito. Sa hiya nya ay mabilis na din syang umalis at pumwesto sa ilalim ng puno malapit aa canteen.

~~~

"Abnormal na babae yun, pinagkamalan pakong bakla. Crush Magazine huh?"

Nanlaki ang mata ni Haru ng makita ang laman ng magazine. Dahil special edition ang magazine na hawak nya, may bio na nakalagay tungkol sa mga model.
Kyohei Kamesaki, 19 yrs old. Nag aaral sa Azalene University. Anak ng sikat na artista na si Kame na member ng grupong Dream Boys.

"F*ck? Kaya pala, kaya pala parang kilala ko sya. Kaya pala parang may kamukha sya. Who would have thought? Matagal ko na palang nakilala ang- Hay naku. Ang swerte nya, buo ang pamilya at gusto sya ni Se-" Pumikit si Haru at ipinatong ang magazine sa mukha nya.

Maayos na sana ang pagpapahinga nya ng may narinig ayang pamilyar na boses.

"Bat ka natutulog dito, ha?"

Inangat ni Haru ang magazine, at dumilat ng mata. Tama, si Serena nga.

"Good morning Harley" bati ni Ena ng nakangiti.

"Oh hi" tipid na sagot nya.

"Anong ginagawa mo dito? Inaantok ka?"

"Oo, medyo"

"Kaaga aga eh, hindi ka ba natulog?"

"Natulog, ang daldal mo sa umaga no?"

Pero parang hindi sya napansin ni Ena ng makita nito ang hawak nyang magazine.

"Wow! Pano ka nagkaron nito? Limited to ahh. Model dito si Kyo eh" masayang sabi ni Ena habang hawak ang magazine"

"Ahh oo, nakita ko nga. Binigay lang yan sakin kanina"

"Talaga? Swerte mo naman"

"Swerte ako? Kaya pala, napagkamalan pa akong bakla"

"A-ano?" Humagalpak ng tawa si Ena dahil sa narinig nya.

"Ang sama mo"

"Ay sorry na, to talaga, friends naman tayo eh diba?"

"Oo na sige, mukhang pag sinabi kong hindi eh mamimilit ka lang"

"Good! Anyways, tara na, may klase pa tayo"

"Sa isang subject lang tayo magkaklase, wala naman akong klase ngayon."

"Ay ganun ba?"

"Opo. May tanong lang ako, naalala ko, Princess tawag sayo nung si Kyo. Bakit?"

Umupo si Ena sa tabi ni Haru bago sumagot.

"Yun ang nickname ko sa bahay, actually, Princess Serena ang totoo kong pangalan, ang baho no?"

"Hindi. Maganda, mukha ka namang princesa eh"

"Talaga?" Naka ngiting tanong ni Ena

"Oo" iwas tingin na sagot ni Haru.

"Bakit dika natingin sakin? Banlag kaba ha? Akin na nga." Hinawakan ni Ena ang mukha ni Haru at nilagyan ng clip ang buhok nito.

"Oh ayan, tingnan mo oh, pogi ka naman talaga eh"

"Tanggalin mo yan Ena"

"Bat ba angang arte mo? Ok lang yan, magpagupit ka, tatanggalin ko yan"

"Ayoko."

"Kaya ka napag kamalang bading eh- OMG, baka bading ka nga?" Laking mata na sabi ni Ena

"Mukha ba akong bading?"

"Oo konti-"

Nilapit ni Haru ang mukha nya kay Ena at hinalikan ito sa cheeks.

"Oh ayan, hindi ako bading"

"Hoy Harley! Bat mo ginawa yun ha?"

"Eh ikaw kasi-"

"Bading!" Malakas na sabi ni Ena at tumakbo papalayo sakanya.

"What an odd girl" sabi ni Haru sa isip nya.




A/N: lame ud, xmas party po namin. Hehe. Vote and comment po :)

Hey Playboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon