HPB #14

1.1K 50 6
                                    

*Azalene University

"Good morning, Ena!"

"Good morning Cha"

"Mukhang masaya ka ata ngayon ahh"

"Hmm oo masaya talaga ako"

"At bakit naman, baka gusto mong ikwento ang dahilan"

"He finally admits it"

"Admits what? And who?"

"Si Kyo, sabi nya gusto din nya ako"

"Ha? Talaga? OMG! İm so happy for you"

"Pero may prob eh"

"Ano?"

"Pag nag 18 na daw ako, tsaka nalang daw namin seryosohin ang mga bagay bagay"

"Eh ok nga yun diba? Atleast, nasagot na din ang katanungan mo sa buhay"

"Haha, oo nga eh"

Masayang nagke kwentuhan ang dalawa ng mapansin nilang natahimik ang mga tao sa canteen. May lalakeng naglalakad, at pamilyar sakanila.

"Kilala mo sya?" Tanong ni Cha kay Ena habang papalapit ang lalake sa kanila.

"Ha-Haru?" Tanong ni Serena.

"Hi Serena!" Short hair na si Haru. Napansin nyang gwapo din naman pala ang binata, at maganda ang mga mata.

"Stare much?" Tanong ni Haru habang naka ngiti kay Cha at Ena.

"Grabe to! Hindi, syempre, nagulat lang ako, iba itsura mo ngayon, bagay sayo"

"Talaga ba?"

"Oo, bat naman kita lolokohin?"

"Wala lang, na miss kita" hindi alam ni Ena kung ano ang mararamdaman nya, parang kinikilig sya na ewan sa mga sinabi ni Haru. Na off guard sya sa sinabi ng binata, mabuti nalang at to the rescue si Cha.

"Magaling na ang kamay mo?" Pam basag na tanong ni Cha.

"Oo, mabuti nga at ok na, gusto ko kasing ipag patuloy ang basketball"

"Ahh"

"Oo, kayo ba? May club na sinalihan?"

"Naku, wala. Daming hater nitong friend ko baka apihin kaya wag nalang"

"Si Serena? Bakit naman?"

"Dahil kay-

Masayang nagke kwentuhan ang tatlo ng dumating si Kyo at Eiji.

"Pig! Wag ka ngang makipag usap dyan" Sabi pa nito na naka tingin kay Serena.

"Ha? Bakit?" Tanong ni Serena.

"Bakit mo tinatawag na pig si Serena, hindi naman sya bab*y" reklamo ni Haru

"Anong paki mo? Tatawagin ko sya sa gusto kong paraan"

"Shhh. Walang manners"

"Anong sabi mo?"

"Tama na yan Kyo, Haru. Amm, Haru, matagal na nya akong tinatawag ni pig ni Kyo, at inaasar ko din naman sya, kaya wala lang yun"

"Kung ako yan, hindi ko pag sasalitaan ng ganyan yung babaeng gusto ko. Pero ok lang, mabuti nga yan para maturn off ka at sakin na mag kagusto." Seryoso ang pagkakasabi ni Haru kaya natigilan sila.

"Una na ako" sabay alis ni Haru na parang walang sinabi, habang inis na inis naman si Kyo.

"Mag sabi kanga sakin ng totoo, nanliligaw ba sayo yung kumag na yun?"

"Ha? Wala naman syang sinabing ganun sakin"

"Seryoso kaba dyan?"

"Oo, ang sabi nya lang may gusto sya, ganun lang" Halatang nahihiya si Serena dahilan para lalong mainis si Kyo.

"Tsss. Enjoy na enjoy ka no? Bahala ka." Sabay walk out ni Kyo, si Eiji naman ay walang imik na umalis din kasama si Kyo.

"Anong problema nun?" Takang tanong ni Serena.

"Nagtatanong kapa, nagseselos si Papa Kyo"

"Ha? Bakit naman sya magseselos, wala naman yun"

"Atleast, alam mong labidabs ka din nya, eh di ikaw na may lovelife"

"Ewan ko sayo, pero bakit kaya ganun na si Haru no? Parang dati mahiyain naman sya"

"Bat mo ba sya iniisip? Ano? Dalawa ang gusto mo, ikaw na! İkaw na salawahan"

"Ano ba yan Charies, kahit kailan ka talaga"

~~~~

Author's POV

5pm na pero walang Kyo na nakita si Serena, mag 1 hour na syang nag iintay sa main gate, lahat na ng mag jowa ay nakita na nyang nag away at lambingan. Paalis na sana sya ng makita sya ni Haru.

"Hey!" Tawag ni Haru.

"Yes?" İwas tingin na sagot ni Ena.

"Hinihintay mo sya?"

"Ha?"

"Si Kyo, iniintay mo?"

"Ahh oo. Alam ko uwian na nya mga 30mins ago, kaso hanggang ngayon wala pa"

"Ahh, di mo ba alam na may shoot sya ngayon?"

"Ha? Eh pano mo nalaman?"

"Secret! Merienda tayo?"

"Mag merienda ka mag isa mo!" Sabi ni Kyo na bigla nalang sumulpot.

"Kyo?" Akala ko ba umuwi na si Kyo, ha, Haru?"

"Joke lang yun! Bye!" Sabay alis ni Haru.

Anong problema nun ni Haru? Bat sya nag
sinungaling?

"Tulala lang ha?"

"Ha? Sorry. Nagtataka lang kasi ako kung bakit ganun ang sabi ni Haru."

"Eh di sundan mo, tanungin mo" iritableng sagot ni Kyo.

"Nagtataka lang ako, ito naman, tara na?"

"Gusto mong mag merienda muna bago kita ihatid?"

"Ha? Hindi tayo uuwi ng sabay? San ka pupunta?"

"May bago daw kasing talent si Ryan, may meeting ata."

"Ahh" hindi man sabihin ay halatang nalungkot si Ena.

"Oh eh bat tahimik kana? Pwede naman akong hindi umattend kung gusto mo" iwas tingin na sabi ni Kyo.

"Talaga?"

"Oo, kaya wag ka ng sumimangot, lalo kang nataba" sabay tawa ni Kyo.

"Ok lang kung mataba ako sa paningin mo, gusto mo naman ako"

Ngumiti lang si Kyo bilang sagot sa sinabi ni Ena.


A/N: sorry, daming nangyari, daming
ginagawa. Anyways, enjoy po kahit lame.

Hey Playboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon