HPB #3

1.4K 61 8
                                    

*Azalene University.

"Ena! Si kyohei oh!" Sigaw ng kaibigan ni Serena na si Charies habang dumadaan si Kyohei at ang kaibigan nitong si Eiji.

"Wala akong paki dyan. Bahala sya." Masungit na sagot ni Serena, sadyang nilakasan nya para marinig ni Kyo.

"Eh di mabuti naman" naka ngiting sagot ni Kyohei na hindi naman tumingin sa kinauupuan nila Serena at Charies.

"Nag away kayo ni Kyo?"

"Hmm. Oo. Ah basta, bahala na sya sa buhay nya, lagi nalang nya akong pinapaiyak."

"Eh iyakin ka naman talaga." Iiling iling na sabi ni charies.

"Kaibigan ba talaga kita ha?"

"Eh dika nalang kasi makuntento sa patingin tingin katulad ko. "

"At sino naman ang titingnan ko ha?"

"Ayun oh! Si Cloud"

"Sino ba yan? Sabay tingin ni Ena sa tinuturo ni Cha. "Ano kaba, high school palang yan"

"Kahit na girl, tingnan mo, ang gwapo, at hindi lang yun, yung kapatid nya, si Sky, gwapo din"

"Ayoko sa kanila."

"Si Kyohei lang ang gusto ko" sabay na sabi nina Charies at Ena. Nagkatinginan pa sila bago tumawa.

"See? Alam na alam ko ang mga sasabihin mo. "

"Oo na Charies, tara na nga sa room."

"Ok!"

*room 4-B.

"Alam nyo ba, may nagtapat nanaman kay Kyohei kanina."

"Talaga?"

"Oo, ang kaso, syempre nireject nanaman nya."

"Hays, sana sakin nalang sya magka gusto"

Malakas ang usap usapan ng mga kaklase nila Ena at Charies pero automatic na huminto sila ng makita nila si Ena.

"Ayan na yung feeling girlfriend"

"Oo nga" sabi pa ng isa sa mga kaklase nila.

Hindi man aminin ni Ena ay naapektuhan sya sa mga sinasabi ng ibang tao. Pano nalang kaya pag nalaman ng mga ito na sa iisang bahay lang sila nakatira.

"Wag mo nalang pansinin ha?"

"Oo naman, sanay na ako eh. Noon pa man."

"Sabagay, hindi mo naman sila masisisi, ang model ng Crush Ang varsity ng basketball, ang crush ng bayan, ang para bang mahirap abutin ay abot kamay mo lang."

"Makata ka pala ha, Cha?"

"Baliw! Pero, seryoso, lahat talaga maiinggit sayo"

"Totoo naman ang nga sinabi mo, maliban sa isa. Abot kamay kamo? Hindi yan totoo. Kita mo naman kung pano ako asarin nun."

"Sabagay, sabi nga nya kapatid lang ang turing nya sayo."

"Ano ba yan, si Kyo nanaman ang pinag uusapan natin."

"Oh sige na nga, hindi na ko magsasalita tungkol sakanya."

"Good." Nilapag ni Ena ang bag sya table pero napansin nyang nawawala ang cellphone nya.

"Cha-cha-charies!"

"Oh? Bakit?"

"Yung cellphone ko, nawawala"

"Ha? Sure kaba?"

"Oo, nawawala talaga."

"Tara, balikan natin sa canteen, baka andun lang."

"Pwede ba ipa announce mo? Puro mukha ni Kyohei laman nun. Pls. Nakakahiya."

"Ok ok, pupunta akong broadcasting room, pumunta kang canteen."

"Ok!"

*Canteen

"Excuse me? May nakita ba kayong pink na cellphone dito?"

Tiningnan lang sya ng mga estudyante, pero walang nagsalita.

"Pls, kahit magbayad ako, ibalik nyo lang ang cp ko kung nakita nyo. Pls"

"Hoy, Princess! Halika! Eto ba ang hinahanap mo?" Sabi ng isang estudyante na para bang basagulero ang itsura.

Mabilis namang lumapit si Serena para magpasalamat.

"Thank you. Yan nga ang cp ko. Salamat ulit ha."

"Anong salamat? May bayad to." Sabi ng lalake at tatlo pa nyang kasama.

"Ha? O-o sige. Magkano ba?"

"Anong magkano? Hindi ko kailangan ng pera mo, hmmm. Mag date tayo."

"Ha? Hindi pwede yun.

Announcement : may nawawala pong pink na cellphone na may keychain ni KSH.

Ang bait talaga ni Cha. Pero, ang malas ko
Pano nako nito?

"Magbabayad nalang ako. Pls?"

"Date lang eh. Isang araw lang." Sabay hawak sa kamay sakanya ng lalakeng kausap nya. Nagtitinginan lang ang mga ibang estudyante pero walang may balak tumulong.

"Bitawan mo ko! Ano ba?"

"Aba. Yan ang gusto ko sayo eh, matapang ka, sa tingin mo ba may tutulong sayo ha?

"Bitawan mo ko sabi eh!"

Pagkasigaw ni Ena ay may sumuntok sa lalakeng namimilit sakanya. Si kyo?

Buong akala nya ay si Kyo, pero hindi. Ibang lalake ito at hindi sya pamilyar.

"Sino ka bang pakialamero ka ha?" Pagsabi nun ay aktong susuntukin din sya ng kasama ng lalake pero nakita agad iyon ng misteryosong lalake at naunahan nya ang mga ito.

"Yan lang ba ibubuga nyo? Wag na kayong magpapakita sakin at sa babaeng to!"

Mabilis na tumakbo ang mga lalake at naiwang nakatulala si Ena habang naglalakad na papalayo ang lalake.

A/N: ahooo. Sino kaya yung lalake? May hula ba kayo? Hehe.

Hey Playboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon