Agad na napalingon ang dalawa sa kanya. Hindi niya masyadong Makita ang mga mukha nito dahil madilim. Nasa may sulok kasi sila ng building at mga dim ang lights dun.
"Hoy gonggong! Sa lahat ng sinabi mo yung kill lang ang naintindihan ko kaya wala akong pakialam sa iyo! Pa English2x ka pa ha!" sigaw ng lalaki.
Kahit na malayo siya ay naamoy niya ang mabaho nitong hininga.
"Ang baho ng hininga mo ugok! Nag toothbrush ka ba ha?!" inis niyang sabi.
Mas lalong nagalit ang lalaki. "Abay, papatayin kitang hayop ka!"
Akmang lalapitan siya nito ng agad niyang mahablot ang cellphone niya at agad na ibinato sa ulo ng lalaki. Dahil sa lakas ng pwersa niya ay agad na nawalan ng malay ang lalaki at tumihaya sa sahig.
There! Ang dali lang pala nitong patumbahin.
Hindi na siya nag abalang pulutin pa ang cellphone niya. It's a spare phone. Hindi naman niya yun gaanong ginagamit. At madumi na yun ngayon.
Inayos niya ang leather jacket niya at tumalikod ng may marinig siyang nagsalita.
"S—salamat!"
Hindi na sana niya ito lilingunin pero ang ganda ng boses nito. Parang hinihila ang ulo niya paharap rito.
Ng makaharap na siya ay nasa harapan na din niya ito. Mukhang nagulat ito sa paglingon niya. Akala siguro nito ay didiretso na siya sa kotse niya.
Medyo madilim pa rin kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng babae.
But he's sure she has very attractive brown eyes. Parang nagniningning ang mga yun habang nakatitig sa kanya.
"A----ako nga pala si Ellise Camino. Salamat sa pag tulong mo."
Tinitigan niya ang kamay na inilahad nito.
He was about to speak when he heard something approaching them.
"Hayop ka!"
Maybe it was caused by his reflex actions, he pushed the woman away from him and the next thing he knew was he fell on the ground. May parang matulis na bagay ang bumaon sa gilid niya. Hanggang kumalat ang sakit sa buo niyang katawan at nag dilim na ang kanyang paningin.
Ng iminulat ni Khael ang mga mata niya ay agad siyang napamura. Puro puti ang nakikita niya. Di kayay------
"Hoy Petrovkis, wag kang mag-alala hindi ka agad mamamatay! Ang sama kaya ng ugali mo!"
Agad siyang napalingon sa may ari ng boses. Si Dwight yun. Naka number 4 na nakaupo sa malaking sofa.
Nakahinga siya ng malalim. Buti naman kung ganun. Pero nasan siya?
Ipinalibot niya ang mga mata sa kwarto. Nasa Hospital ba siya?
Biglang tumayo si Dwight. Ngayon lang niya napansin ang suot nitong white coat. Oo nga pala doctor itong si Dwight. At mukhang nasa Rebiero Hospital siya ngayon. Pag-aari nito ang Hospital pati narin ang iba pang Rebiero Medical Group sa buong mundo.
"Wait, bakit ako nandito Rebiero?"
"Hindi mo maalala? Kagabi?" taka nitong tanong habang nginunguya ang bubblegum sa bibig. It's one of his irritating habits. Palagi itong may bubblegum sa bibig.
Napamura siya ng maalala ang nangyari kagabi. Matapos niyang tulungan ang babaeng yun ay napahamak siya. Alam niyang nasaksak siya dahil ang sakit ng tagiliran niya.
Teka, asan na ang babaeng yun?
"The girl, where is she?"
"Nasa prisinto. Hindi muna siya makakalabas dun hanggang hindi ka nagbibigay ng statement about sa nangyari. Kailangan nila ang mga salita mo."
Kasalanan to ng babaeng yun. Sana hindi na lang niya ito tinulungan. Tahimik sana siyang nagtatrabaho ngayon sa opisina niya at hindi nakahiga dito sa Hospital at may sugat ang gilid.
"Eh yung lalaking sumaksak sa akin?"
"Malamang nasa prisinto rin. May sayad daw yun sa utak. Anyway, you're fine now Petrovkis. I already put pain reliever to you kaya hindi ka na masyadong masasaktan. You're lucky hindi masyadong nabaon ang kutsilyo. Matigas talaga ang mga buto mo!"
"Not so funny Rebiero. Ilabas mo na ako dito. Gusto kung puntahan ang babaeng yun."
"Woooh, woooh! Talaga? Maganda ba siya? O sexy? Sama ako ohh."
Agad niyang inihagis ang unan kay Dwight. Mabilis naman itong nakailag.
"Oo na, pwede ka na namang lumabas eh. Wag ka lang mag papa stress. At saka triple ang babayaran mo. Ako mismong gumamot sa iyo Petrovkis."
"Sinabi ko bang ikaw mismo ang gumamot sa akin? Pareho lang kayo ng pinsan mong mukhang pera."
"FYI Petrovkis, mahalaga ang pera. Importante ang pera para mabuhay at pang chicks na rin. Right?" Kinindatan pa siya nito. Loko talaga.
Hindi na niya pinansin si Dwight at agad ng tinanggal ang mga nakatusok sa kanya. Buti na lang at dinalhan siya ni Trevor ng damit ng magpunta ito kagabi sabi ni Dwight.
Hindi na siya nagpaalam pa kay Dwight at dumeritso na sa prisinto. He needs to see the girl. Hindi niya mapaliwanag kung bakit pero gusto niya itong makita muli. Maybe because this is all her fault.
Buti na lang at hindi talaga malala ang sugat niya kundi siya mismo ang sasaksak sa lalaking yun.
Ng makarating siya sa prisintong sinabi ni Dwight ay agad niyang kinausap ang hepe.
"I'm Mr. Petrovkis. My friends went here last night to report me being stabbed by a bastard guy. Anyways, I want to talk with the girl named Ellise Camino. Dinala siya rito kagabi. Is she here?"
Parang na estatwa ang babaeng pulis sa harap niya. Hindi kasi agad ito nakasagot.
"Ahhh----ehhhhh---- nasa cubicle 12 siya. This way Mr. Petrovkis." Buong ngiting sabi ng babae.
Agad siyang sumunod dito.
And there she is. Ang babaeng nagpahamak sa kanya.
Kailangan niyang maningil dito. At alam niyang magiging maganda ang panininingil na yun.
YOU ARE READING
The Bachelors' Squad Series #1(Mikhael Petrovkis)
RomanceMarriage and having family is like an allergy to Mikhael Petrovkis, he always try his best to get away with it. Para sa kanya ang kasal at pagpapamilya ay isang malaking problema sa maayos at maganda na niyang buhay. He got everything in life, why w...