Chapter 5

299 14 0
                                    


Halos lumuwa ang mga mata ni Ellise sa laki ng bahay na nasa harapan niya. Ngayon pa siya nakakita ng ganito kalaking bahay. Tanging sa mga pictures at magazines lang siya nakakakita ng ganito kagandang bahay. The house is a modern European style. Halos puti ang kulay nito at malalaki ang tinted glass na bintana. It's a three-storey house. May malawak na lawn area at may malaking swimming pool sa gilid. May malaking Lion Fountain din sa gitna ng Lawn area. Ang ganda. Tanging yun lang ang masabi niya.

Hindi siya makapaniwalang ganito ka yaman ang magiging amo niya. Ng Makita niyang bahay ang pinuntahan nila agad niyang naisip na baka katulong ang kailangan nito. Hindi naman yun impossible dahil mayaman ang binata. Pero nagtataka pa rin siya kung bakit isang requirement nito ay ang virginity niya? Ano namang koneksyon nun sa trabaho niya?

Natigil sa pag-iisip si Ellise ng bumukas ang malaking kulay itim na pinto ng bahay. Automatic itong bumukas ng may pinduting remote ang binata.

Agad na napaawang ang bibig niya ng makita ang loob ng bahay. Kung maganda ito sa labas, doble ang ganda nito sa loob. Agad niyang napansin ang malaking kulay gintong Chandelier sa gitna ng bahay at ang kulay gray na sofa na kasya ata ang bente katao sa laki nito.

Parang lahat ng bagay sa loob ay mamahalin.

"Wow! Grabe. Ang ganda po ng bahay niyo Boss. Grabe, nakakalula." Hindi niya napigilang sabihin ito. Papalit-palit pa rin ang tingin niya sa kabuuan ng bahay.

Umiling lang ang binata. Parang hindi na ito nagtaka sa reaksyon niya. Parang ordinary nalang dito ang purihin ang bahay nito.

"Call me Mikhael. I'm Mikhael Petrovkis." Pagpapakilala nito "Since wala ka namang dalang mga gamit ihahatid na lang kita sa kwarto mo."

Mikhael Petrovkis. Ang ganda ng pangalan nito. Bagay sa kanyang mukha. Ang gwapo.

"Kwarto ko? May kwarto ako dito?" gulat niyang tanong.

Tumango ito. "Yup. If and only if you will sign the contract."

Ano nga ba talagang trabaho niya? Kanina niya pa yun tinatanong sa utak niya. 

Di kaya'y masama ito? Baka drug dealer ito at gawin siyang mob. Bat di niya naisip yun kanina? O baka isa itong rapist? My God! Mag papa rape ba siya?

"Hey, I know what's running in your innocent mind. I'm not an illegal man if that's what you want to hear. I'm a very well-known businessman in the country and I own the Petrovkis Fuel Company around the whole. Well, not really mine for now. It still belongs to my Dad. But you will help me have it."

Ang bilis nitong magsalita kaya hindi niya masyadong naintindihan. Lalo pa at English ang sinabi nito. Marunong naman siyang mag English pero di ganun ka lalim. Math kasi ang paborito niyang subject. Ganun.

"Ano nga ba talagang trabaho ko Boss esti Mikhael? Naguguluhan na ako eh."

Biglang gumuhit ang munting ngiti sa labi nito.

God! Kanina pa niya pinipigilan ang sarili niyang hindi matulala sa kagwapohan nito. Hindi kasi niya masyadong namukhaan ito kagabi pero kanina sa prisinto ay halos malaglag ang panga niya sa kagwapohan nito. Para itong isang prinsipe sa fairytale. O di kaya'y yung mga model sa labas ng mall na nasa billboard? kasing gwapo niya ang mga yun.

He has firm gray eyes and acanthus nose. He has thin whisker around his jaw that makes him look sexier and mouth-wathering. Sinama pa ang galing nitong pumorma at manamit.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang pagsamba niya sa binata. Magkakasala pa siya dahil dun.

"Follow me and I will tell you everything."

Wala sa isip na sumunod lang siya sa binata. Nasa ikalawang palapag na sila ng pumasok ito sa malaking kwarto. Maraming malalaking book shelves sa loob kaya naisip niyang baka Library room ito ng binata.

Punaupo sya nito sa pang isahang sofa.

Sinundan niya ito ng tingin ng may kinuha itong folder sa isang malaking cabinet. Hindi niya inaalis ang mga mata sa binata.

Ang tangkad nito at ang ganda ng hubog ng katawan.

Ano ba Ellise! Tumigil ka!

Iniwas na lang niya ang tingin dito at hinintay na maupo ito sa harap niya.

"Are you ready?"


Napailing si Mikhael ng makita ang reaksyon ng dalaga sa tanong niya. Ganito ba talaga ito ka magugulatin? Ba't parang nagulat ito sa boses niya.

Hindi pa nga niya nasasabi ang trabahong iaalok niya dito ay parang nagdadalawang isip na siya. Mukha kasing palaging wala ito sa pag-iisip pag nagsasalita siya.

Kung may gusto man ito sa kanya o pagnanasa, she's not the right one for him. Ayaw niyang masira ang plano niya. He just need a child not with an extra baggage. Anak lang ang gusto niya. Period!

"Ready? Para san?" tangang tanong nito.

Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang maubos ang pasensiya niya na unti-unti ng nawawala. Isa pa naman yun sa mga limited supply sa kanya. Patience.

"Malamang sa trabaho mo. Nakakain ka na naman Ms. Camino kaya I'm sure gagana ng maayos ang utak mo."

Bigla itong napakamot sa ulo.

"Oo nga pala."

He took a deep breath before opening the folder. Pinagawa niya ang kontratang ito kay Adrian kanina at buti na lang inihatid nito ang mga yun sa bahay niya.

Takot talaga ang mokong nayun sa mga aso. Ito kasi ang number one fear nito. Ang mga aso.

"I know you can read that. Basahin mo lahat. Then we will talk again. No question until you're done reading the last word. Clear?"

Nag-aalangang tumango ang dalaga. Nakita niyang naguguluhan talaga ito sa nangyayari.

Siya nama'y kinakabahan rin habang binabasa nito ang papel. Kitang kita niya ang pag awang ng bibig nito at pag kunot ng noo. Matagal itong natapos dahil paulit-ulit nitong binasa ang two pages contract. Parang 20 pages yun sa tagal nitong basahin. Halatang pilit na iniintindi nito ang mga nakasulat doon.

Ng mag taas ito ng mukha ay nakita niyang namumula ang mukha nito. Nahihiya ba ito o galit?

"Ta---tapos ko ng mabasa."

"Good. So, tell me what's in your mind."

Huminga ito ng malalim. Bago nagsalita.

"Gusto mo talagang malaman? Sa tingin ko nababaliw ka na! Yun lang ang masasabi ko." Seryosong sabi nito.

Agad na kumunot ang noo niya.

"Watch your mouth woman. I'm Mikhael Petrovkis at kaya kitang kasuhan sa sinabi mo." Nagtitimping sabi niya rito.

"S—sorry. Sinabi ko lang ang nasa isip ko. Tinanong mo ako diba? Sinagot lang kita." Pag amin ng dalaga.

"Then tell me what makes me crazy? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit sa tingin mo ay baliw ako dahil sa gusto kung mangyari?"

The Bachelors' Squad Series #1(Mikhael Petrovkis)Where stories live. Discover now