Chapter 2

382 21 0
                                    



Nakaka ilang baso pa lang ng vodka na ininom si Khael ng marinig niya ang mga boses ng mga retarded niyang kaibigan. Si Trevor lang naman ang tinawagan niya dahil ito lang ang matinong kausap pero nagulat siya ng makitang lima lahat ang mga ito.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Trevor. Nagkibit balikat lang ang lalaki at tinapik siya sa balikat.

"Sorry Petrovkis, gustong sumama ng mga abnormal. They want free drinks kasi. Alam nilang sagot mo lahat ngayong gabi."

At para namang mga bubuyog na nagsilapitan ang apat.

Si Trevor King ay ¼ Filipino, ¼ Korean at Half American. Ito ang una niyang naging kaibigan nung mag-aral siya sa Princeton University. They were friends for 10 years now. At ito ang una niyang tinatawagan pag may problema siya o kailangan niya ng makakausap. Matalino kasi ito at alam niyang may solusyon ito palagi sa mga problema niya sa mundo.

Eh itong apat na kaibigan niya'y walang pakinabang sa mundo. Ang magpinsan na si Dwight Rebiero, Half Filipino at Half Brazillian at Adrian Castiglione , half Filipino at Half Italian ay puro babae lang ang nasa utak. Kaya nga siguro magkadugo ang dalawa. Parang may lukso ng dugo ang mga ito pag nakakita ng mga babae. Si Lohan Sullivan naman ay wala rin siyang makukuha. He's very busy in his career. Sikat kasi itong model sa buong mundo. Gaya niya may dugo din itong ¼ na Filipino sa ina. Pareho kasing British ang mga magulang nito. Kung ilalarawan niya ang binata, Para itong bula. Agad-agad nawawala. At si Gregory Vulsico naman, Half Filipino at Half Argentinian, well minsan matino itong kausap pero kasing seryoso ito ng dagat kaya naiilang siyang makipag-usap dito minsan.

"Wazzup, wazuup Petrovkis. Oorder na ba kami ng drinks at pulutan? Demanding pa naman ako. Tiyak na oorderin ko yung pinakamahal nilang drink dito."

Hindi niya pinansin si Dwight. Mahilig talaga itong mang asar sa kanya. Alam kasi nitong pikon siya ngayon.

Well, wala siyang pakialam kung umorder ito ng kung ano. Kaya niya yung bayaran kahit alam niyang mayayaman din ang mga ito. Alam niya ang mga negosyo ng mga ito and he's sure they are all billionaires like him.

Kaya nga The Billionaires' Squad ang tawag sa kanilang anim ng mga nakakakilala sa kanila.

"Oh my! Ang daming magagandang babes dito Dwight. I'm sure we will enjoy this night. Wooh!" masayang sigaw ni Adrian na kinindatan pa ang kadadaan lang na babae.

"Fuck! I need to go now. My photoshoot pala ako bukas guys. Kailangan akong mag handsome rest."

Sabay silang napalingon kay Lohan. Ano pa bang bago? Palagi naman itong agad na umaalis pag may lakad silang anim. Para itong isang superhero na kailangan ipagtanggol ang mundo.

"Sa susunod na lumabas kami Sullivan wag ka ng sumama ha. Nakaka istorbo ka lang! Umalis ka na! Wala ka talagang kwenta." Sigaw ni Gregory dito.

Sabay silang napatawa ng makita ang reaksiyon ni Gregory. Mainit talaga ang dugo nito kay Lohan. Ayaw na ayaw kasi nito sa mga taong bigla na lang nawawala. Gaya ng mga mahal nito sa buhay. May mga issues kasi ito.

Nag flying kiss pa si Lohan bago tuluyang lumabas ng bar. Naiwan na lang silang lima.

"So Petrovkis, anong nakain mo at magpapainom ka tonight? Uy, magpapakasal ka na no?" tumatawang tanong ni Dwight.

"It's a dream come true for you Petrovkis! Sa wakas maaabot mo na ang pangarap mo! Magpapahukay na ba kami ng libingan mo?"

Sunod na pang-aasar ni Adrian.

"If you two won't shut your stupid mouths I'll surely be glad to stab your tongues out!"

Mas lalo lang tumawa ang mga ugok niyang kaibigan. Nag apir pa ang mag pinsan. Si Gregory naman ay seryosong nakatingin sa dalawa.

The Bachelors' Squad Series #1(Mikhael Petrovkis)Where stories live. Discover now