20 - Pagkalunod sa Pagmamahal

27 2 0
                                    

Justin's POV

Kailangan ko na talagang umamin sa kanya.

Sa araw ng birthday ni Hazel ang npili kong araw ng pagtatapat ng nararamdaman ko kay Angel.

Nakausap ko na rin si Hazel at ayos na kami.


Flashback

Pagkatapos ng araw na magkita kami ni Angel sa mall at nakasabay itong kumain ay naisipan kong pumunta kila Hazel.

"Hazel?"

"Oh anong nakain mo at napadpad ka dito sa bahay?" masungit na tanong ni Hazel.

"Wala naman, namiss lang kita pinsan." malambing na sagot ko kay Hazel at niyakap siya.

"Iww, you're so iww. Let go of me." sabi niya at tinataboy ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Ang arte ah pinsan. OA mo."

"Ano ngang ipinunta mo rito? Can't you see I'm busy?"

Aba, napapaenglish si pinsan ah? Mukhang sirang kanin na naman ang pinakain sa kanya ni tita.

"Papasukin mo nga muna ako."

"Hindi ka welcome dito. Ang dami mong lihim sa akin. Hmph. Go home."

Putek, kaya nga nandito para magpaliwanag diba? Ang daming alam ng pinsan ko ano?

"Kaya nga ako nandito e, magpapaliwanag ako."

"Okay, fine. Pasok." sabi niya.

Kinuwento ko sa kanya lahat. Yung kay Loisa at yung mga desisyon ko. Naintindihan naman niya.

Kaya lang nakatanggap ako ng hindi mabilang na sapik mula sa kanya. Nakarami nga siya e. Napakasadista.

Ngayon ko rin pala sasabihin na aamin na ako kay Angel.

"Pinsan, aamin na ako kay Angel sa birthday mo."

POK.

Nasapok na naman ako ni Hazel, last na niya yan.

"Nakakarami ka na ah? Last mo na yan."

"Ihh, pinsan kinikilig ako. Aamin ka na at last! Goodluck sayo. Paniguradong mabibigla ka."

Mabibigla saan?

Sa rejection, sabi ng isip ko.

"Mabibigla sa rejection ba pinsan? Inihanda ko na ang sarili ko doon." sabi ko kay Hazel.

"Wala akong sasabihin, hihihi." mukhang timang na sabi ni Hazel.

"Tsk, mukha kang baliw."

POK.

"Sinong baliw? Ha? Ha?"

"Sabing last mo na yung kanina diba?"

"E sino ba kasing baliw?"

Ang tanga.

"Ako siguro."

"Oo, ikaw nga. Bakit di ka naisip yun? HAHAHA." tawa ni Hazel ng malakas. Hinampas niya pa akosa braso, tsk.

Handa na naman ako sa kalalabasan ng pag-amin ko sa kanya e.

Ihinanda ko na ang sarili ko dun.

Paniguradong pagkatapos ng araw na yun, durog at pino na naman ang puso ko.

POK.

"Aray, ano ba?" sigaw ko kay Hazel dahil sinapak na naman ako."

"Mukha ka kasing baliw e, lunod ka na oh, buti nalang nakalife vest ako at hindi malulunod sa lalim ng iniisip mo."

"Kalokohan mo."

"May pick-up line ako. HAHAHA."

"Pake ko?"

POK.

"Dali na, makinig ka ah?"

"Balon ka ba?"

"Hindi."

"Bakit ang isagot mo, tanga."

"Edi bakit kasi, ang dami mong alam."

"HAHAHAHA."

May baliw po rito.

"Ah oo, nagets ko. Ang galing mong magpick-up line."

"Hahah, hindi pa kasi tapos e."

"Inuuna mo kasi yung tawa mo."

"HAHAHAHAHA." tawa niya ulit.

"Ewan ko sayo." sabay binato siya ng throw pillow. Ayan, may sense na yung tawag sa unan na yun.

End of Flashback




Hindi na ako makapaghintay na umamin sa kanya.

Dapat pala noon ko pa ginawa yun.

Napagtanto kong mahal ko pa pala talaga siya, sobra.

Make It RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon