30 - Pagtatampo

22 2 0
                                    

Angel's POV

"Alam ko." sabi niya kaya naman napalingon ako sa kanya at nakitang nakingiti lang siya habang diretso ang tingin sa daan.

"Alam mong hindi ito ang daan papunta sa bahay diba? E saan ba to papunta? Iuwi mo na ako, hinahanap na ako nila mama."

"Malayo pa ang inyo, sa bahay ka muna. Dun ka na matulog. Text mo nalang si mama mo na may kasama kang gwapo at ligtas ka kasama siya."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis sa mga sinabi niya. Kaya naman mas pinili ko nalang na hindi pansinin ang sinabi niya. Baka kasi pag pinatulan ko e kung saan pa pumunta ang usapan namin. Tsaka nagsasabi lang naman siya ng totoo.

"Kaasar to, dalian mo na. Iuwi mo na ako. Nag-aalala na yun."

"Malakas na ang ulan, itext mo na si mama mo." seryoso na niyang sabi.

"Ayoko, iuwi mo na ako."

"Ayoko rin."

"Ihinto mo, bababa ako."

"Psh, akala mo madadaan mo ako sa ganyan?"

"Wala akong pake, ihinto mo to dahil bababa ako." sabi ko na medyo naiinis na.

Ang sabi niya kanina iuuwi niya ako, hindi naman to ang papunta sa bahay. Nag-aalala na si mama. Nakakaasar naman to.

"Wala ka ba talagang balak ihinto tong sasakyan o kaya naman iuwi ako sa bahay?"

"Wala nga, pero iuuwi kita sa bahay. Kaya lang, sa bahay ko." sabi niya at lumingon sa akin tapos kinindatan ako.

Ang gwapo niyang tignan sa ginawa niyang yun.

Tinaasan ko lang siya ng kilay na siya namang tinawanan niya.

Dahil sa malakas na rin ang ulan at wala na talagang balak ang lalaking kasama ko na iuwi ako sa bahay namin ay kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext si mama.

"Ma, hindi ako makakauwi ngayon. Ligtas naman po ako." sabi ko sa text na ipinadala ko kay mama.

Make It RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon