❔cold water, please

124 7 5
                                    

+spoken poetry piece pero try try lang naman 'to pasensya

Cold water, please

Isang basong may lamang tubig
Iyan ang kailangan ko ngayon
Iyon sanang nagyeyelo, yung sobrang lamig.
Iyon ang kailangan ko ngayon.

Siguro maninibago ka ngayon dahil nasanay kang hinahanap ko noon ay init.
Init ng pagmamahal na kailanma'y hindi mo binalak ibigay
Init ng yakap na kahit gaano ko pa hilingin ay pilit mo paring pinagkakait
Kaya ngayon, iba naman ang hihingiin ko. Hindi na init kung hindi lamig,

Isang cold water please.

Isang cold water na kapag binuhos ko sa mukha, magigising ako.

Gusto ko sanang kapag binuhos ko na yung tubig e mabubuhay ang diwa ko at hindi na matutulog.

Gusto ko sana magising na ang isipan ko at maisipan ng sumuko

Gusto ko nang magising, ayoko nang matulog.
Gusto ko nang gumising, ayoko nang mahulog.

Dahil alam ko namang sa paghulog ko ay walang sasalo saakin.

Alam kong pag nahulog ako e wala akong ibang makukuha kung hindi sakit

Sakit ng ulo, ng likod, ng tuhod, ng puso.

Ang masama pa e kapag puso na ang nasaktan e mahihirapan na akong magpagaling kasi walang gamot 'to.

Walang gamot sa pagkawasak ng puso dulot ng pagkahulog sa maling tao.

Hindi ko nga alam kung bakit kapag ang isang tao ay nahulog e nababagok ang ulo, kaya minsan nagkakaroon ng amnesia.

Ako kasi hindi, nung nahulog ako sayo doon ako nagsimulang magpakatanga.

Imbis na magkaamnesia, baliktad pa ang nangyari saakin

Kasi nung nahulog, nabagok, nagpakatanga, at nasaktan ako, hindi pa kita nagawang limutin.

Saklap, hindi ba?
Saklap kasi kung gaano ka kasaya kasama niya,

Ganoo naman ako kalungkot at kawasak habang tinitignan ka.

Siguro ganito naman talaga kapag nagmamahal.

Masasaktan, iiyak, pero sino ako para umangal?

Kaya, siguro, kailangan ko na gumising.

Isanh cold water, please.

Kasi itong sakit na nararamdaman ko, hindi ko na matiis.

Gusto ko nang magising sa katotohanang walang ikaw na nagmamahal saakin.

Wala akong minamahal mo,

At wala ang salitang tayo, sa bukabularyo mo.

Kaya isang cold water, please.
Yung kaya akong gisingin at patigilin sa katangahan, please.
Yung palalamigin ang puso ko
Para hindi na kita mahalin, please.

++posted this on fb lol nakapag online din yey

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon