❕tadhana

31 1 0
                                    

Lahat tayo'y nakatadhana sa isang tao.
Oo, naniniwala ako doon.
Naniniwala akong balang araw, may isang taong magmamahal saatin ng wagas.

May isang taong magbubura ng lahat ng sugat na dinulot ng pag-ibig,
lahat ng peklat, lahat ng bakas.

Nakakatawa lang na kahit ilang beses ko pang marinig iyon, ni minsa'y hindi ako natuwa.
Ni minsa'y hindi ako nakaramdam ng pananabik
Imbis ay nasaktan pa ako.
Nasaktan ako nang maalala kong,

Hindi nga pala ikaw ang taong nakatadhana saakin.
Hindi ikaw ang para saakin.
Pinahiram ka lang
Hindi kita pwedeng angkinin.

Pero wag kang mag alala,
Kahit dumating pa ang taong iyon,
Ang taong handang punasan ang mga luha ko,
Hindi parin ako lalayo sa piling mo.

Dahil kahit hindi  ikaw ang nakatadhana sakin,
ako naman ang nakatadhana sayo,
Ako ang taong handa kang mahalin ng wagas,
Ako ang taong hindi ka iiwan.
Kahit ba ilang beses mo pa akong ipagtulakan.

At kahit isang araw,
Sadyain ng tadhanang ilayo ako sayo,
Asahan mong babalik at babalik pa rin ako.

Babalik, at babalik.
Mag papakatanga ng paulit ulit.

Dahil hindi ko ito matatawag na pag ibig
Kung ang puso ko'y walang bahid
Ng sakit
Na dulot mo.

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon