*Mike’s POV
Nasa kanyang coffee shop siya ngayon. Naka upo lang sa couch sa may counter. Inaantok pa siya. Galing siya sa bar na pinuntahan niya noong Saturday night, inaabangan niya yong ms.Lee na kumakanta sa bar. Gusto niya itong makilala. Ang cute kasi nito.
“siguro ito yong dahilan kung bakit kami nag hiwalay ni Sofia. Dahil ma memeet ko ang isang taong gusto ko.”saloob-loob ni Mike. “pero bakit kaya wala siya kagabi?yong kaibigan niya lang ang nakita ko.”
“sir? Hinahanap po kayo ni ma’am Sofia.”wika ng isang crew ng lumapit sa kanya.
“bakit daw?”nagtatakang tanong ni Mike. Hindi niya inasahan na pupuntahan siya ni Sofia. Ni hindi nga ito nagpakita or tumawag man lang para ipaliwanag kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya.”tanongin mo kung ano ang kailangan.”
“opo sir.”sagot ng crew. Ilang sandal at bumalik ang crew. “sir,sasabihin daw na importante.”
“o sige,papasukin mo,sabihin mo hintayin ako sa loob ng office ko.”wika ni Mike sa crew.
Pagpasok ni Mike sa opisina ay nakita niya agad si Sofia na naka upo sa kanyang upu-an.
“pwde ba sofia, umalis ka diyan. Hindi na kita girlfriend kaya wala ka nang karapatang umupo dyan.”matabang na wika ni Mike sa dating syota.
“sorry na Mike. Nabigla lang naman ako noong nasabi ko sa iyo na break na tayo. May problema lang ako noong time na yon. “wika ni Sofia saka yumakap kay Mike.
“it’s all over now sofia. Ikaw ang nag desisyon, ni hindi mo nga ako binigyan ng rason kung bakit. Ano ba ang akala mo sa akin ha? Na basta mo na lang itatapon kung gusto mo at basta-basta mo na lang pupulutin?”
“mike! it’s not like that honey. Please, making ka naman sa paliwanag ko.”
“no Sofia, makakaalis kana.”sabay bukas sa pinto.an.
Wala naming nagawa ang babae kundi ang lumabas.
*Rhaine’s POV
“ang bagal-bagal naman tumakbo ng panahon.”inip nainip na si Rhaine na dumating ang Sabado. Nagbabakasakali kasi siyang makikita ang gwapong lalaki na nakilala sa bar na kinakantahan niya. “ang gwapo talaga nang Mike na yon.”saloob-loob niya.
“excuse me Miss Vegas?”pukaw ng kasamahan niyang guro.
“ah,ano yon Ms. Dela Cerna?”sagot ni Rhaine.
“baka free ka ngayong Saturday? May party sa bahay namin. Invited lahat ng kasamahan nating guro. Iinbitahin sana kita eh.”wika ng kasamahang guro.
“naku,salamat na lang Ms. Dela Cerna. Pero may lakad ako ngayong Sabado eh.”
“ganoon ba?okay,sige.”
“salamat na lang sa imbitasyon ha?”
“okay lang,may next time pa naman eh,sige. Mauna na akong umalis sa iyo ha?”pagkasabi no’n ay umalis na din agad ang babae.
“hay naku. Kung hindi lang dahil sa lalaking yon. Makakapunta sana ako sa party ni Ms. Dela Cerna.”saad ni Rhaine. “maka uwi na nga.”sabay labas sa teacher’s office.
YOU ARE READING
Ang Babae ang Nang Ligaw
Storie breviano ang gagawin mo kung ang babaeng gusto mo ay mangliligaw sa'yo?