Nag resign si Rhaine sa bar na kinakantahan niya. She was deeply hurt. Ayaw na niyang pumunta sa bar na iyon. Maalala lang niya si Mike. Ang unang pagtatagpo nila. She thought na madali niyang makalimutan ang lalaki. Hindi pala, siguro dahil totoong mahal niya talaga ang lalaki.
“iha,bakit nagmumukmok ka dito sa bahay?”tanong ng ina ni Rhaine. Napansin kasi ng ginang na hindi na lumalabas ang anak. Pagkagaling nito sa trabaho ay nag mumukmok na ito sa kwarto nito.”may problema ka ba iha?”
“wala naman po ma, tinatamad lang talaga ako ngayong lumabas.”sagot niya sa ina.
“ganoon ba?hay naku bata ka. Mabuti pa ikaw na ang mag-grocery,kaysa naman mag mumukmok ka lang diyan.”
“opo.”sagot ni Rhaine. Wala rin naman kasi syang magawa eh,ayaw nya rin naming ang ina pa niya ang maggro-grocery.
…
Pagpasok pa lang ni Rhaine ay nakita niya agad si Mike. Binilisan niya ang paglakad para hindi siya makita nito,nagtatago siya sa mga tao at bagay-bagay,pero kahit anong pagtatago ang gawin niya,nakita pa rin siya nito.
“Rhaine!”tawag nito sa kanya.
“oh,Mike! Ikaw pala! Kumusta?”sagot ni Rhaine,pinipilit niyang ngumiti.
“okay lang. hindi na kita nakita sa bar.”
“naku,nag resign na ako doon. Busy kasi ako ngayon. Madaming inaasikaso sa school.”pagdadahilan niya
“ganoon ba? Kaya pala. Teka hindi ka na rin na gawi sa coffee shop. Galit ka ba?”
“ha?bakit naman ako magagalit?”
“dahil sa nagyari noong huli mong punta sa coffee shop ko.”seryosong sabi ni Mike.
“yon ba?naku di ba sabi ko naman sayo na hindi na kita guguluhin pa? nakakahiya naman kung pupunta pa ako doon,baka magalit pa sayo yong girlfriend mo.”
“she’s not my girlfriend. Actually ex ko siya. Ganoon lang talaga siya mag salita.”
“no need to explain Mike. Ayoko na talagang umasa sa isang tao na alam mong hindi magiging sayo.”
“I love you Rhaine.”
“what?” na shock si Rhaine
“I said I love you.”
“haha. Pwede ba Mike. Wag mo ng akong pinagloloko.”
“mukha ba akong nagloloko?”
“ewan ko sayo. Dyan ka na nga.”sabay talikod sa lalaki,pero nahawakan nito ang braso niya.
“may itatanong ako”
“ano yon? Pwede ba dali-an mo,may bibilhin pa ako.”matabang na wika ni Rhaine
“seryoso ka ba sa panliligaw mo? Dahil kung oo, sinasagot na kita.”wika ni Mike.”matagal na ktang gusto nag-iisip na nga ako kung paano ka ligawan kaya lang natotorpe ako,nag hahanap pa ako ng tyempo na masabi sa iyo ang aking nararamdaman. Kaso na unahan mo ako. Noong time na sinabi mo sa akin na liligawan mo ako. I was shock,at noong sa bar,umalis ako kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Na babaklaan ako sa sarili ko. Noong pumunta ka sa shop, natuwa ako. Kaya lang busy ako nang time na yon,may business proposal kasi si sofia sa amin ni papa. Kung hindi lang dahil doon,hinabol na sana kita para e explain sayo. Pumunta ako sa bar,pero hindi na kita nakita doon,pinuntahan din kita sa school na tinuturuan mo,kaya lang wala akong lakas ng loob. Kaya ngayon,ni lakasan ko na ang loob ko. Dahil ayaw kong pagsisihan na pinalampas ko ang isang katulad mo.”
Hindi namalayan ni Rhaine na pumatak na pala ng liha sa kanyang mata.uumiiyak sa kasiyahan.
“shhh.stop crying Rhaine, andito lang ako. Promise I will love you.”
“t-talaga? Baka naman gino-good time mo lang ako.”
“ano ka ba naman. Nilakasan ko na nga ang loob ko na sabihin sayo ang nararamdaman ko.”
“talaga?so sinasagot muna ako?”
“oo naman no!”sabi ni Mike saka sabay silang nagtawanan.
Tinulungan ni mike sa pamimili si Rhaine. At inhatid sa bahay nila. Nagpakilala na rin siya sa ina at kapatid ng babae.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- sana nagustohan niyo itong short story na to.. :) sa susunod ko na story mas pagbubutihin ko pa ang pag gawa.. thank you sa pagbasa niyo sa story na to.. :)
YOU ARE READING
Ang Babae ang Nang Ligaw
Short Storyano ang gagawin mo kung ang babaeng gusto mo ay mangliligaw sa'yo?