Papunta na si rhaine sa coffee shop ni Mike. Ang sweet niya no? may dala pa siyang flowers at balloons, start na kasi sa kanyang panliligaw. Naka bestida siya na above the knee ang haba. Kulay pink ito at bagay na bagay sa kanya. Ang cute-cute niyang tingnan.
“hi! Nandyan ba si Mike?”tanong ni Rhaine sa isang crew.
“opo ma’am. May kailangan po ba kayo?”tanong nito.
“oo,pwde paki sabi andito si Ms. Rhaine. Salamat.”sabay ngiti sa crew.
“wait lang po kayo ma’am. Tatawagin ko lang si sir.”
“okay.”umupo muna si rhaine sa bakanting silya sa may counter.
“pasok na lang daw po kayo ma’am sa office ni sir.”wika ng crew pagkalabas nito.
“okay!salamat.”
…
“nasaan na ba ang lalaking ito?”wika ni Rhaine sa sarili Mag-iisang oras nang naghihintay si Rhaine sa opisina ni Mike.
“may plano pa kaya ang lalaking ito na magpakita sa kanya?”tumitingin na lang si Rhaine sa mga picture frame sa loob ng opisina.
“ang cute niya pala noong bata pa siya.”wika niya.
“oo naman, cute talaga ang anak ko noong bata pa ito.”wika ng isang lalaki sa may pinto-an. Hindi ito na pansin ni Rhaine.
“hello po, pasensiya na po. Ahm hinihintay ko po si Mike.”
“ganoon ba?siya nga pala ako ang papa ni Mike. Call me tito Dave.”pakilala nito sa kanya.
“nice meeting you po, ako nga pala si Rhaine.”pakilala ni Rhaine sa sarili.”ang gwapo din pala ng papa ni Mike.kamukhang kamukha niya ito.”saloob-loob ni Rhaine.
“ano ba ang kailangan mo sa anak ko iha?”
“ho?ahh,mangungumusta lang po.”sagot niya. Mabuti at inilagay niya sa table ni Mike ang dalang bulaklak at balloons.
“ganoon ba?sige,mauna na ako. May aasiksuhin pa ako. Hintayin mo na lang si Mike. May inasikaso lang sandal.”wika ng papa ni Mike saka nagpaalam at umalis.
“hay naku!muntikan na ako doon!”wika ni Rhaine. Napa upo siya sa upu-an. “nakakahiya kung nakita niya akong hawak yung flowers at balloons.” mabuti at inilagay niya sa mesa ni mike.”ang papa pa naman ni mike ang pumasok.”
“akala ko umalis kana?”wika ni mike nang Makita siya nito.
“ahh,hinintay talaga kita. Siya nga pala may balloons at flowers ako para sa iyo.”
“para saan?wala naming sakit si Mike ah?”wika ng isang babae. Naka sunod ito kay Mike.”who is she hon?”wika pa ng babae.
“pwde ba sofia lumabas ka muna?”wika ni mike sa babaeng nagngangalang Sofia.
“okay honey. As you wish.”saka lumabas ang babae.
“hindi ko alam may girlfriend ka na,sabi mo kasi wala eh,pasensiya ka na sa akin ha?wag kang mag-alala hindi na kita gagambalain pa.”wika ni Rhaine saka tumakbo palabas ng opisina ni mike.
*Mike’s POV
“nakakainis!”galit si Mike sa sarili. Bakit pa kasi ngayon pa pumunta si sofia? Hindi niya tuloy masundan si Rhaine para ipaliwanag na mali siya ng inakala.”sana tinanung ko na lang siya noong time na sinabi niya sa akin na manliligaw siya kung seryoso at totoo ba ang kanyang sinasabi. Hindi na sana aabot sa ganito ang sitwasyon.
“honey, wala ka na yata sa mood.”wika ni sofia ng pumasok ito sa opisina niya.
“please Sofia. Stop calling me honey .”matabang na wika niya sa babae.
“what’s the problem? Mali ba na gusto ko na yon ang itawag ko sayo kahit break na tayo? Dahil ba sa babaeng yon?siya ba ang ipapalit mo sa akin ha?mike?”
“why should I tell you about that?it’s none of your business. Bilisan na natin ang trabaho na dapat nating gawin. Marami pa akong gagawin.”wika ni Mike.
*Rhaine’s POV
“Ang sakit pala nang malaman at Makita ng dalawa mong mata na may girlfriend na ang taong gusto mo.”saloob-loob ni Rhaine. Nasa park siya ngayon.”dito muna ako magpapalipas oras. Baka kung umuwi ako ma-iiyak lang ako kung maala ko siya. Should I fight my love for him o hindi na? baka kasi masaktan lang ako kung ipagpatuloy ko to.”

YOU ARE READING
Ang Babae ang Nang Ligaw
Cerita Pendekano ang gagawin mo kung ang babaeng gusto mo ay mangliligaw sa'yo?