PART 1 - SO GULONG GULO

2.6K 14 1
                                    

Sheetal's pov

( Habang nakaupo sa may upuan. Ako lang mag-isa).
#cleaners tuwing friday

"Sayang naman oh! Bakit ngayon ko lang na feel na may gusto pala ako sa teacher Kong si ma'am steff ?Bakit ngayon lang !!!!"

* nakakunot ang noo at talagang nag-sisisi*

"My gosh !sayang Hindi ko talaga na-appreciate yung mga time na sana nasisilayan ko siya araw- araw".

( last year kasi nung grade 8 ay teacher ko sya sa AP)

Nagtataka nga ako e. Dati naman ay galit na galit ako sa kaniya dahil sobrang sungit niya. Hindi rin naman siya ganoon kagaling mag-turo. Sa katunayan nga ay boring ang klase niya . Hindi ko siya type na guro na magturo sa aming klase dahil sobrang strikta at nakakatakot siya.

(Tumayo na sa pag-kakaupo)

Pero buti nalang at nakasurvive ako nang minsa'y naging leader ako sa subject niya at ang mga walang hiya kong mga kaklase ay ini-asa sakin lahat ng mga gawain. Nakakatakot kaya nung naging leader ako dati, wala pa akong feelings noon Kay ma'am steff at talagang hindi ko maipaliwanag ang kaba na nadarama ko tuwing may group presentation dahil malamang leader ang masisi. Oo ! parati naman e.

Pero, mahirap talaga siya mag pa-test e. Naalala ko pa nga dati todo review talaga ko. Kahit gabi na, sige review pa rin. Kailangang mag-sink in sa akin yung mga topics since wala naman akong naintindihan sa pagtuturo niya dahil puro pa- groupings lang ang ginagawa niya.

(Kumuha ng walis)

(Habang nag-wawalis,patuloy pa rin ang pag-kausap sa sarili)

" Teka nga pala, break na kaya sila ng boyfriend niya?Isa rin siyang teacher doon e. Sana break na sila para naman kahit papaano ay may 1% akong chance kay ma'am steff. Ang tungak ko talaga. Hindi ko Alam kung break na sila o hindi".

Tsaka teka nga lang wala namang ka hitsu-hitsura 'tong rumored boyfriend niya ah. Pero maalala ko lang ah. Pumatol talaga siya doon .... siguro face doesn't matter tsaka wala akong karapatang manghusga dahil wala naman ako sa posisyon niya pero nung minsang binisita ko yung fb nito ni boy ay nakita ko na sa bawat profile pictures niya ay silang dalawa ni ma'am steff ang nandoon at so sweet naman po pala. Sa katunayan nga ay talagang selos na selos ako sa bawat pag lipat ko ng kaniyang profile pic. Nakakaimbyerna!!! Parang ipinagpapalagay ko na siya na ang pinakamasuwerteng tao sa buong mundo.

(Nalinis ko na ang buong kwarto)

* pero parang gusto ko pa ring mag-stay muna dito*

* gusto ko munang mapag-isa*

" Hay, nako. Ayoko muna talagang umuwi,gusto ko munang pagpantasyahan itong si ma'am steff at sana talaga ay break na sila ng bf niya".

Sabi kasi ng kaibigan kong si kath ay break na daw sila . Pero ayoko munang umasa, gulong gulo pa ang utak ko. Hanggang crush lang muna ako kay ma'am steff at hindi ko naman i-eexpect na magkakagusto din siya sa akin dahil sa palagay ko ay mataas ang standards niya at higit sa lahat ay straight siya.

1Where stories live. Discover now