P R O L O G U E

1.7K 44 30
                                    

Dominique Ellie Malone’s GOLDEN RULES about CRUSHES :

Normal lang ang magkacrush, para yang pag kain, pag tulog, pag iinternet at pag dyebs. Involuntary yan, hindi mapipigilan at kung nagtatangka kang pigilan yang nararamdaman mo well then goodluck, cuz you’re definitely gonna need it! Kasi ang mga bagay na pinipigilan, yan yung kusang umaalpas! Nakakasuffocate kaya, sya ka baka lalo kang mafall sa kanya. Think about this, kung nadudumi ka tapos pinigilan mo, imagine what you will feel? Iniisip ko pa lang ay namamaluktot na ako sa sakit. Nagets mo yung logic? But having a crush doesn’t need further logic, puso lang ang kailangan. At kung may crush here are some of my friendly reminders.

Mga dapat gawin kung MAY CRUSH ka :

1.       Kapag may napupusuan ka, habulin mo! I-istalk mo ng i-istalk para updated ka sa buhay nya. Alamin mo ang schedule nya, favorite food, place at syempre bahay nila para alam mo kung saan sya matatagpuan. Oh di ba, lagi mo syang makikita. Lagi kang inspired.

2.       Kilalin mo mga friendship nya, dahil sa kanila ka makakakuha ng some essential informations na kakailanganin mo para sa crush life na ito. Mas maganda na rin yung alam ng friends niya na may gusto ka sa target guy mo, kasi may tendency na galawin ka nila sa kanya which is uber kilig or kung mas maswerte ka baka ilakad ka pa nila sa kanya!

3.       I-add mo sa fb! Alamin ang number saka ka makipag friends sa kanya! Nakakakilig sa tyan kapag may connection kayo. FC na kung FC pero ano pa bang iintayin mo? Na sya kusang lumapit? Kung ganun lang din eh mas mabuti pang intayin mong maging dalawa ang buwan sa langit.

4.       Kung may crush ka, IPAALAM NA YAN! Broadcast your feelings to the whole wide universe para mapansin ka nya! Sayang ang time, hindi yan tulad ng value ng k na laging constant. It can either be indirect which is hayaan mong friends mo ang gumawa ng moves for you, but do it kung medyo nahihiya ka pa; and it can also be DIRECT, kung nakalunok na ng bato ng kakapalan ng mukha then now’s your chance to go Darna at ikaw na mismo ang magtapat sa crush mo.

5.       And the most important step, kung talagang patay na patay ka dyan sa crush mong yan, LIGAWAN MO NA AGAD! Wala ng patumpik tumpik pa! Go lang ng go parang yung mga commercial sa t.v bago pa biglang makagawa ang senado ng batas na nagbabawal sa mga babae na manligaw! Kapalan na to ng taba. Sayang naman kung araw araw ka lang mag iintay na pumatak ang bayabas mula sa puno kung pwede mo naman tong sungkitin. In other words, habang kaya mo, wag ka ng mag alinlangan pa. Take risks you’ll never know the opportunity your missing kung pangungunahan ka lang ng mga what ifs na yan, dagdag excitement din yan sa buhay para pagdating ng panahon may maiikwento kang nakakatawa sa mga apo mo sa tadyang!

Pero gawin mo lang naman ang mga yan kung talagang obsess ka na kay crush. Hihihi.

At kung sa ka malas malasan nama’y hindi umobra sa kanya ang charms mo. Kung na friendzone ka, na allergy zone at kung sa tingin nyay hindi kayo para sa isat isa whatsoever kaartehan nya na ayaw pang diretsuhin sa madaling salitang HINDI ka nya gusto, narito naman ang ilan pang tips!

Mga dapat gawin kung AYAW sa’yo ni CRUSH :

1.       Wag agad sususko! Wag panghihinaan ng loob. Laban pa din, malay mo sa kakulitan mo mafall na rin sya sa’yo…

KAYA NGA SA KAINISAN NI WARREN SA PANLILIGAW SA KANYA NI DOMINIQUE (GIRL PO SI DOMZ) NA LAHAT NA NG PAGLAYO AY NAGAWA NYA, NAGHANAP NA SYA NG GF PARA LANG TANTANAN SYA NITO PERO MAIPEK PA DIN, TALAGANG PURSIGIDO SI DOMZ; WALA NG NAGAWA SI WARREN KUNDI ANG ‘’SAGUTIN’’ NA LANG ITO BUT HE ONLY AGREES TO BE HIS GIRLFRIEND FOR 18 MINUTES AT UNDER A VERY HIGH PRIZE PA YAN! PAPAYAG NAMAN KAYA SI DOMZ? SAAN HAHANTONG ANG 18 MINUTES NA TO?

His 18-minute girlfriend (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon